Chapter Seventeen

8.1K 245 2
                                    

Hinang hina akong bumitaw sa kanya, naglaho na din ang bolang apoy.

"Dylan, paano natin nagawa 'yon?

"I don't know, gusto ko lang malaman kong totoo ang panaginip ko." Nalilitong sagot niya.

"You mean, that night na nasa gubat tayo?" Malakas ang kabog ng dibdib ko.

"Yes, Andrie ibig sabihin talagang nagkikita tayo sa panaginip?"

"Siguro, diba nga may nabanggit si Malakya tungkol sa mga napapanaginipan natin? Siguro sa kanya nalang tayo magtanong, para malaman natin ang kasagutan."

Nag lakad ulit kami para hanapin ang mga kaibigan namin. Nang may narinig kaming pagaspas.

"Dylan, ang dragon!" Sabi ko sa kanya, nagtago kami sa puno. Ngunit mukhang alam ng dragon na nandoon lang kami. Bumuga ito ng apoy kaya napilitan kaming lumabas.

Tumakbo kami ni Dylan habang hinahabol ng dragon. Panay naman buga nito ng apoy, sunog na sunog ang mga nadaanan naming puno. Hanggang sa nakalabas kami sa gubat. Nasa patag na kami. Panay nalang ilag namin sa apoy ng dragon.

Huminto si Dylan at sinubukang gamitin ang kanyang kapang yarihan. Ngunit walang lumabas sa kanyang kamay, naramdaman kong umangat ako sa lupa. Tinangay na ako ng dragon..

Dylan help!! Sigaw ko, nataranta naman ito. Bumalik ang dragon at dinagit din si Dylan. Nagpapalag kaming dalawa habang umaangat sa ere. Halos maabot na namin ang kidlat na bumabalot sa Dyamantes.

Bigla nalang kaming hinulog ng dragon bago ito lumipad palayo. Imbes na sumigaw ay iniunat ko ang aking kamay at paa. Naramdaman kong parang may bumubuhat sa akin. Kinausap ko ang hangin na protektahan ako. Bumagal ang pag bulusok ko.

Si Dylan naman ay mukhang kontrolado na niya ang hangin. Animoy para itong nag susurfing sa ere. Naalala ko na, binasbas sa amin ang apat na elemento. Ibig sabihin kailangan naming matutunan kung paanu gamitin ang mga ito.

Maayos kaming nakalapag sa lupa. Unti unti namang nawala ang surf board na hangin.

"Ok ka lang?" Tanon ni Dylan, habang papalapit sa akin.

"Namamaga 'yong paa ko, ngayon ko lang napansin." Habang hinihimas ko ang ankle ko.

Lumapit naman siya at hinilot-hilot ang paa ko. Masakit ang ginagawa niya, binalik niya ito sa dati. Parang may lumagatok na ugat ba o buto.

"Ayan, hindi na yan mamaga. Wag mo lang basain." Sabi niya, na nagpakilig naman sa akin.

Naupo nalang kami sa damuhan, ayaw ko kasing maglakad dahil i-ika-ika ako. Nang biglang lumitaw sila Malakya.

"Magaling, kaya 'nyo naman palang palabasin ang kapang yarihan ninyo. Ang susunod na gagawin natin ay kung paano ninyo ito kokontrolin." Sabi ni Aydan.

Tumango lang si Dylan, hindi naman ako kumikibo. Iniinda ko parin ang masakit kong paa. Napansin ito ni Falcon, lumapit siya at hinipo ang paa ko. Agad itong gumaling, nawala ang sakit at pamumula nito.

"Salamat po." Sabi ko sa kanya at tumayo na ako.

Natanaw kong may tumatakbong dalawang Lion, papunta sa amin. May nakasakay sa mga ito. Napahanga naman ako sa mga kaibigan ko. Paanu nila napaamo ang mabangis na Lion? Mag kaangkas si Jeff at Ashly. Si Patt. at Max naman ang magkasama.

"Ayos ba?" Sabi ni Ash, sabay talon sa Lion. Punit punit at madungis ang damit nito, mukhang napalaban ito ng matindi.

Pinatayo kaming anim at pinapikit. Habang sinusunod namin ang sinasabi ng mga Salamangkero. Para kaming nag memeditate, napapalabas namin ang mga enerhiya sa aming katawan. Naramdaman kong naiipon ang mainit na parang apoy sa palad ko, hinayaan ko lang ito pinag buti ko pa ang konsentrasyon. Pagmulat namin ay nakalikha kami ng espadang apoy. Maya maya ay nag iba ang anyo nito, animoy isa itong latigong kidlat. Sa sobrang tuwa ay winasiwas namin ito.

"Taglay nyo nga ang kapang yarihan ng mga kataas taasang diwata." Nasisiyahang sabi ni Falcon.

Iniwan nila kami at patuloy kaming nagsanay hanggang sa nakontrol ito ng isipan namin. Tuwing gusto namin itong palabasin ay kusa itong lumalabas. Nagulat din kami ng magkaroon kami ng pakpak. Tuwang tuwa ako dahil nakakalipad ako. Kusa naman itong nawawala kapag ginusto namin. Natutunan ko rin ang magpalutang lutang sa hangin kahit walang pakpak. Lumakas ang aking senses, nakikita ko ng malinaw kahit malayo ang isang bagay.

Halos araw araw kaming nagsanay, sa pag gamit ng espada, pana at sibat.
Pati ang mano-manong labanan ay ginawa namin.

"Hiyahh." Sigaw ni Ashley, lumanding ang paa niya sa enkantadong mandirigma. Tumalsik ito sa malayo. Agad niya itong tinakbo at tinulungan. "Sori...sori.. manong." Sabi niya habang tarantang itinayo ito.

Hindi naman kami nahirapan dahil pare preho kaming sanay sa Martial Arts. Masasabi kong si Dylan ang pinakamalakas sa amin, hindi lang sa pisikal kundi pati sa paggamit ng kapang yarihan. Enjoy na enjoy naman ang tatlong bugoy sa ginagawa nila.

----

Cheerrsss!! Sabay kampay namin sa kopita na may lamang katas ng prutas. Pagkatapos ng mahaba at huling araw ng pagsasanay, ay nag celebrate kami.

"Theos hindi mo manlang ako inimbitahan sa inyong kasiyahan, sila ba ang sinasabi ng mga konseho?" Sabi ng isang babae, mukha itong maharlika.

"Ikaw pala Vera, oo sila nga. Maupo ka." Sabi ni Theos, "Siya si Vera, ang anak ng tagapangalaga ng hangin." Pakilala ni Theos.

Tumango lamang kami, taas noo naman itong naglakad habang nakasunod ang kanyang alipin. Naupo ito sa bakanteng upuan.

"Ano ba ang maitutulong ninyo sa Dyamantes?" Mataray na sabi nito.

"Siya si Dylan ang anak ng tagapangalaga ng apoy, at si Andrea ang anak ng tagapangalaga ng tubig." Pakilala sa amin ni Theos. "Ito naman si Ashly, ang pinsan ni Andrea. Sila naman si Patrick, Jeff at Max ang mga anak ng kawal na may katungkulan." Pakilala niya sa mga kaibigan ko.

"Bumalik pala ang mga anak ng gumuhong kaharian, bakit pa? Para sundin ang yapak ng mga talunan nilang magulang?" Maanghang na lintanya nito sabay halakhak.






ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon