"Andrie, I'm glad your back. Saan ka galing?" Tanong ni Theos.
"Namasyal lang, pasensya na ha, hindi na ako nakapag paalam. Nalibang kasi ako." Pag sisinungaling ko, pagtingin ko kay Ashly ay pinandilatan niya ako.
"Siya nga pala ang kapatid ko si Lukan, isa siyang detective sa mundo ng mga tao. Hinuhuli niya ang mga maligno at iba pang masasamang espiritu na pinapadala ni Marduko." Pakilala nito sa kapatid niya, isa din pala itong engkantado.
"Hi glad to met you." Sabay shake hands niya sa akin. Mukha naman itong cool at mabait.
"Same here, akala ko tao ka talaga." Nakangiting sabi ko.
"Ganun ba, mabuti naman at kumpleto na tayo dito. Sana naman maibalik na ang balanse. Masyado ng maraming nag hahasik ng lagim sa mundong ibabaw." Sabi ni Lukan.
Masayang kausap si Lukan, kahit papaanu ay nalibang ako. May mga dala pa nga itong pasalubong. Nilantakan agad namin ang mga chichiria at chocolate na dala niya.
"Thanks dito Lukan ha, nasayaran din ng chocolate ang nguso ko." Sabi ni Ash.
Nginitian naman ito ni Lukan.
Lumipas ang mga araw na hindi kami nag uusap ni Dylan laging si Vera ang kasama nito. Kami naman ni Lukan ang madalas na magkasamang namamasyal. Mabait ito at masayang kausap, madalas niya akong napapatawa. Walang dull moments kapag ito ang kasama ko. Naging malapit din agad ito sa mga kaibigan ko.
----
Dumating na nga ang araw na aming pinaka hihintay, ang paglusob sa Asupre. Nagtipon tipon na ang apatnapung libong hukbo,na pangungunahan namin.PABAGSAKIN ANG ASUPRE!! PABAGSAKIN...!!! IBALIK ANG ELEMENTO!!! Sigaw ng mga hukbong engkantado. Sumakay na ang mga hukbo sa kanilang mga dragon. Ganun rin kami na nasa unahan.
"Baby purple, handa ka na ba?" Sabay himas ko sa aking dragon. Bumuga ito ng apoy, at nahagip nito si Max. Nakasimaangot itong lumingon sa amin.
"Sorry Max, excited ang baby ko." Sabay peace sign ko sa kanya. Natawa naman ang iba kong kasamahan. Maliban kina Dylan at Vera.
MAG SIHANDA NA KAYO, BUBUKSAN KO NA ANG LAGUSAN NG DYAMANTES. BASBASAN NAWA KAYO NG BATHALA SA INYONG PAGLALAKBAY AT PAKIKIPAGLABAN!! Sigaw ni Malakya.
MABUHAY ANG DYAMANTES! Sigaw ni Theos. MABUHAYYY!!!!!!! Sagot naman ng libo libong mandirigma. Kasabay ng pag bukas ng lagusan.
Madilim ang labas ng Dyamantes, walang kabuhay buhay ang paligid. Animoy isinumpa ang lugar sa karimlan. Hanggang marating namin ang dagat na pula malapit sa bulkan. Kung saan nagkukuta si Marduko at ang kanyang mga kampon. Pinaligiran namin ang lugar, nabulabog ang mga engkantong itim. Mukhang hindi nakapag handa ang mga ito. Nag simula ang madugong digmaan. Nagsilabasan ang pinunong hukbo ng Asupre na siya naming nakalaban. Mukhang halimaw ang mga ito, sanay na sanay ang mga ito sa pakikipag laban. Nilabas ko ang latigong apoy, naglaban kami ng isang nakabaluti ng itim. Maitim din ang enerhiya na kanyang kapang yarihan. Hinataw ko siya ng latigong apoy, ngunit nakailag ito. Nag laho ito at biglang napunta sa aking likuran. Sinalubong ko ng sibat na kidlat ang kanyang pagsalakay. Tusok ang kanyang katawan, para itong papel na nahulog sa dagat na pula.
Hindi ako nag aksaya ng panahon, lahat ng aking madaanan ay agad kong pinatay. Marami na ring nalagas sa aming hukbo ganun rin sa kampon ni Marduko. Nakita kong tinamaan si Vera agad itong sinakluluhan ni Dylan. Inalis ko sa kanila ang aking paningin, pinalipad ko si purple patungo sa bunganga ng bulkan. Nakita ko ang espadang apoy.
Nang mag karoon ng pagkakataon ay pinasok ni Lukan, Jeff at Max ang kaharian, para hanapin ang mga bihag.
Bumalik din agad ako sa labanan. Nilabas ko ang pana at pinana lahat ng makita kong kalaban. Nakita kong may sumaksak kay Patrick sa likuran. Bigla akong kinabahan, naglaho ako at agad akong napunta sa likuran ng sumaksak sa kanya. Tinusok ko ito sa likod tagos sa kanyang puso. Nakita kong duguan si Patrick, wala itong malay at nakalungayngay ito sa ibabaw ng kanyang dragon.
Sinubukan ko itong gamutin ngunit hindi kinaya ng aking kapang yarihan. Malakas ang agos ng dugo ni Pat, takot na takot ako. Halos tatlong oras na ang labanan ngunit hindi pa lumalabas si Marduko. Tumakas na ang iba niyang kampon,. Inutusan naman ni Theos si Dylan na bumaba sa bulkan upang kuhanin ang bato ng espadang apoy. Agad namang kumilos si Dylan, kinuha niya ang espadang apoy. Mukhang wala si Marduko ng sumugod kami. Kaya hindi kami masyadong nahirapan.
"Wala kaming nakitang bihag." Sigaw ni Lukan.
"Mag madali kayo, bumalik na tayo sa Dyamantes, dalhin ninyo ang mga kasamahan ninyong kawal na nasugatan. Sigaw ni Theos, kumilos naman ang mga mandirigma, kinuha nila ang mga hukbong naka lutang sa dagat."
----
Pagkasara ng lagusan ay agad ginamot ng mga salamangkerong mangagamot ang mga mandirigmang sugatan.
Naampat na ang pagdurugo ng sugat ni Patrick. Nakahiga ito sa loob ng pagamutan ng palasyo. Namumutla ito sa dami ng dugong nawala sa kanya.
Pagkatapos masigurong maayos na ang kalagayan ng lahat ay tumungo kami sa sentro ng Dyamantes. Sa pangunguna ni Malakya at mga makapang yarihang salamangkero.
Bilang tagapangalaga ng elementong apoy ay si Dylan lamang ang may karapatan para ibalik sa dambana ang espada. Biglang kumulog at kumidlat, pagkapatapos itusok ang espada. Kasabay nito ang pag usbong ng kaharian na kanyang pamumunuan.
Nagbunyi naman ang buong Dyamantes bigla itong lumiwanag, nagkaroon ng mga bahaghari. Nagliparan ang mga diwata, pinatunog nila ang kanilang mga trumpeta bilang simbulo ng tagumpay.
BINABASA MO ANG
ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]
FantasyInstead of partying and enjoying the luxurious life in the city, mas gusto pa nilang mag barkada ang nature tripping and adventure. They visited different isolated places and climbed some few mountains. Then they discovered Mount Bulakaw the myst...