Chapter Thirty-One

6.2K 218 3
                                    

"Tumakas ako ng makita kong papasugod na ang mga taga Dyamantes sa Asupre. Nalaman kong bumalik na ang prinsipe ng taga pangalaga ng apoy. Ngunit nag paiwan duon ang mga engkanto. Ayaw nilang mamuhay dito sa mundo ng mga tao. Matagal na akong pabalik balik dito sa mundo, sinubukan ko kayong hanapin ngunit nabigo ako. Wala naman kasi akong kapangyarihan para malaman kung nasaan kayo. Sa halip ay si Demitrios ang nakita ko, kaya alam kung hinahanap niya din kayo. Tama nga ang hinala ko, meron akong kaibigan sa Dyamantes ang nagsasabi sa akin ng mga nangyayari duon. Isa itong mandirigma si Cenon, kapag nagkaroon siya ng pagkakataon ay pumupuslit siya sa lagusan. Nalaman kung nanduon na nga kaya kayo, pati ang pagpapakasal ni Dylan kay Vera." tumigil ito sa pagsasalita at tumingin sa akin.

"Kayang pagalingin ng mga salamangkero ang pagkalason mo sa dagat Andrea. Ngunit ginamit nila ito para gipitin si Dylan. Gagawa at gagawa sila ng paraan para makumbinsi ka na kuhanin ang bato ng elemento ng tubig. Maaring gamitin nila ang kasal ni Dylan at Vera para udyukan kang makuha ang elemento. Kilala ko kung gaano katuso sila Matatya. Pagkatapos na maibalik ang elemento maaring mauulit na naman ang nangyari sa inyong mga magulang." sabi pa ulet ni Marduko.

"Paano mo mapapatunayan kong totoo ang mga sinasabi mo?" tanong ko sa kanya.

"Pwede kong sabihin na hanapin mo ang mga diwata dito sa lupa. Para patunayan ang sinasabi ko, pero maaring iisipin mo na kasabwat ko sila. Ang maipapayo ko ay bumalik ka sa Dyamantes ikaw mismo ang tumuklas sa lihim ng mga salamangkero. Si Theos at Lukan ay kontrolado din nila, bata palang ay namatay na ang magulang ng mga ito. Ang mga salamangkero din ang may kagagawan ng pagkamatay nila. Ngunit maagap sina haring Eduke at Hermes , sinubaybayan nilang maige ang dalawa. Kaya napangalagaan ang kaligtasan nila. Inutusan ng mga salamangkero si Lukan para hulihin ang masasamang maligno dito sa lupa. Upang maiwan kay Theos ang pamamahala sa kaharian, masyadong tuso ang mga salamangkero. Kapag ang dalawang magkapatid ang magkatuwang sa pamamahala sa kaharian ay tiyak mapagtuunan nila ng pansin ang lahat ng bagay doon. Maaring mabuko ang maitim na balak nila Malakya at Haring Petre na siyang tagapangalaga ng hangin."

"San napunta ang mga taong nawala sa gubat, si Mylene saan mo siya nakita?" bigla kong naitanong.

"Wala akong kinalaman sa pagkawala ng mga tao doon. Si Mylene ay natagpuan ko sa gubat sa bungad ng lagusan. Tulala ito at sugatan wala itong maalala hanggang ngayon." sagot naman nito.

"Kong makikita ba ito ng pamilya niya ay ibabalik mo pa ba siya?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman, bakit hindi? Si Mylene ang dahilan kung bakit gusto ko ng mamuhay ng normal dito sa mundo." Sincered na sabi ni Marduko.

"Celine ang pangalan niya, siya ang nawawalang kapatid ni Dylan. Anak ito ng mga taong kumupkop sa kanya."

"Kapatid siya ni Dylan?" gulat na tanong ni Marduko.

"Oo, siya ang dahilan kung bakit napunta si Dylan sa gubat."

"Ikaw na ang bahalang magsabi kay Dylan kong sakaling magkita kayo. Alam mo naman kong saan ako pupuntahan. Iligtas mo ang Dyamantes Andrea, mahalaga ito sa mga magulang mo. Bigyan mo ng katarungan ang pagkawala nila. Kong may kailangan ka puntahan mo lang ako." Madamdaming sabi ni Marduko.

"Alam kong naguguluhan ka kong sino ang dapat mong paniwalaan. Kaya mas maiging matuklasan mo ang katotohanan. Mag iingat ka sa kilos mo sa Dyamantes, hanapin mo si Cenon. Mandirigma ito sa kaharian nila Theos. Maari ka niyang matulungan." sabi pa ulet nito.

Tumango lang ako at nagpaalam na umalis. Pumunta ako sa parking lot at nagdrive patungo sa Bulacan.

"Hulyan?...Dina?..." Tawag ko sa mga ito. Nasa bungad ako ng lagusan sa tirahan ng mga diwata.

"Ikaw pala Andrie?! Pumasok ka, ano maipaglilingkod namin sa'yo?" nakangiting tankng ni Dina.

"Gusto kong makausap ang matandang diwata na nakausap ko noong nakaraan." Mahinahon na sabi ko.

"Ang aking ina ang 'yong hinahanap Andrie, Dalya ang kanyang pangalan. Halika sa aming dampa." Yaya sa akin ni Dina, sumunod naman ako at pumasok sa maliit nilang bahay.

"Magandang araw po Aling Dalya. Naalala pa po ba ninyo ako?" Nakangiting bati ko sa matanda.

"Oo naman! Ano ang sadya mo anak?" Nakangiting tanong ni aling Dalya.

"Ano po ba ang alam ninyo sa Dyamantes? Nais ko lang pong malaman, ako po ang anak ng tagapangalaga ng elemento ng tubig."

"Sa Dyamantes kami nakatira dati, isa kami sa naninilbihan sa kaharian ng elemento ng apoy. Ngunit tumakas kami ng namatay ang hari, isa kasi kami sa nakakaalam sa tunay na nangyayari sa buong Dyamantes. Nagsabwatan ang mga salamangkero at si haring Petre para patayin ang hari ng dalawang elemento. Ngunit nalaman ito ng dalawang hari. Kaya ipinagkatiwala nila ang mga elemento sa pinakamatapat nilang alipin. Maraming pinaslang ang mga salamangkero, at ipinalabas nila na masama si Ditana at Marduko. Lahat ng pagkamatay ng mga engkatada at engkantado ay ibinintang sa kanila. Saksi ako sa mga nangyari, kaya kami ng aking angkan ay tumakas ng makita namin ang lagusan. Hindi naging maganda ang aming kapalaran pagdating dito sa lupa. Sinakop kami ng mga sakim na engkantong itim at ginawang alipin." Malungkot na sabi ng matanda.

"Huwag po kayong mag alala, gagawin ko ang lahat para maibalik ang kayapaan sa Dyamantes. Para makabalik na po kayo doon." Pangako ko kay Aling Dalya. Dahil sa mga natuklasan ko ay nag iba ang pananaw ko ipaglalaban ko ang kapayapaan at katarungan sa Dyamantes.

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon