Nang mawala ang dalawang espada, ay kasabay ng pag guho ng dalawang kaharian. Sa pag bagsak ng dalawang kaharian ay nasira ang balanse ng Dyamantes. Nag karoon ng lagusan tungo sa mundo ng mga tao. Pinasya ng ibang engkantado na tawirin ang lagusan. Dahil wala na rin silang kapangyarihan, para sa kanila ay wala ng silbi ang pananatili nila dito. Alam naman nila na bawat engkantadong tatawid na walang kapangyarihan at pahintulot ng konseho ay mabubura ang alaala. Makakalimutan nila ang Dyamantes, magsisimula sila bilang mga normal na tao.
Ngunit ang haring si Hermes at Reyna Erina na tagapangalaga ng tubig ay nanatili dito sa Dyamantes. Wala na silang sapat na kapangyarihan, naging kapantay nalang nila ang ordinaryong engkantado. Paglipas ng tatlong taon katumbas sa mundo ng mga tao ay lumusob si Marduko. Nagkaroon ng digmaan, maraming namatay na engkantado at engkantada. Lubhang lumakas si Marduko, naging kaalyado niya ang lahat ng masasamang maligno at lamang lupa. Kabilang sa namatay sa digmaan ay si Haring Hermes , nakatakas naman si Reyna Erina, kasama ang sanggol niyang babae. Pinilit niyang marating ang lagusan, umabot siya sa lagusan. Nailigtas niya ang kanyang anak, hinagis niya ito sa lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Nang maabutan siya ng mga maligno ay agad siyang pinatay.
Bago pa man mawasak ang kaharian ay nawala ang anak na lalake ng hari na tagapangalaga ng apoy. Lubhang nalumbay si Haring Eduke at Reyna Hana. Pero buhay na buhay pa ang pulang bato na gabay ng kanyang anak. Hindi ito matagpuan sa Dyamantes. May nagtaksil at itinapon ang isang taong gulang na anak na lalake ng hari sa mundo ng mga tao. Malinaw ang dahilan, ito ang tagapagmana ng trono. Hindi nila ito pwedeng patayin, dahil may basbas ito ng bathala. Kong sino man ang papatay dito hanggang magsampung taong gulang, ay mamatay pati ang kanyang kahuli hulihang lahi nito.
Saka na namin ito natuklasan ng dininig ng bathala ng Dyamantes ang pag sumamo namin. Ipinakita niya sa amin ang mga pang yayari, pati ang pag kakaugnay ng mga kapalaran ng mga magulang at anak na binasbasan ng bathala. "Kwento ni Malakya.
"Nakakaiyak naman pala ang kwento ng kaharian ng Dyamantes." Malungkot na sabi ko.
Tahimik ang mga konseho. Nagkakatinginan pa ang mga ito.
Problema nila nagkwento lang, mukhang sila pa ang tense.
"Ikaw ang sanggol na babae na tinutukoy ko Andrea!" Para akong nabingi sa narinig ko. Pero mas gusto kong humagalpak ng tawa.
Habang pumapalakpak ako ng mabagal.." Ang galing prof, nadale mu ako doon, 'ah." Natatawang sabi ko. Pero wala itong reaksyon. Maging ang mga kasama ko ay tulala.
Itinaas ni Malakya ang baston niyang ginto sa harap ng parang screen.
Tumatakbo ang isang babae sa gubat, habang may yakap na sanggol. Mabilis na mabilis ang kanyang takbo. Hanggang nakarating siya sa maliwanag na parte ng gubat. Sinalubong siya ng malawak na karagatan, meron itong isang lagusan. Bago siya dambahin ng mga humahabol sa kanya ay naihagis niya ang sanggol sa lagusan. Nakarating ito sa mundo ng mga tao, napunta siya sa tabi sa kalye ng maunlad na lungsod. Nadaanan siya ng mga mangangalakal, nagmagandang loob ito na dalhin siya sa malapit na ampunan. Nakita ng mga madre ang burda sa kanyang lampin (ANDREA). Sinunod nila ang pangalan nito.
Limang buwan na si Andrea ng may dumating na mag asawa. Inampon siya ng mga ito, minahal at inaalagaan. Itinuring nila na parang sarili nilang anak. Ipinakita din ang paglaki ni Andrea. Taglay niya ang kakaibang kakayahan. Tatlong taong gulang siya ng mahulog sa hagdan, ngunit lumutang ito sa hangin at maingat na naibaba.
Iyak na iyak ako ng mapanood ko 'yon, paano nila nai-film ang buhay ko? Niyakap naman ako ni Ashly, nakikiiyak din ito.
"Hindi mo matatakasan ang iyong propesiya Andrea." Malumanay na sabi ni prof.
Itinaas ulet ni Malakya ang baston.
Naglalaro ang isang batang lalake, ng bigla itong binuhat ng kawal, at dumaan sa likod ng palasyo. Napadpad sila sa gubat, pagdating sa gubat ay mayroong isang babae na may sinasambit na orasyon. Pagbukas ng lagusan ay agad nilang hinagis ang bata, isinara naman nila agad ito. Napunta ang bata malapit sa isang estasyon ng pulis. Dinala ito ng mga tao roon, pinatahan ito ng hepe habang umiiyak. Nakita niya na merong pagkakilanlan ang bata, ang kanyang kwintas na ang nakalagay (DYLAN). Dinala niya ito sa DSWD, ginawa ng tanggapan ang hakbang para mahanap ang mga magulang ng bata. Walang nag claim sa bata kaya inampon siya ng hepe. Tuwang tuwa siya sa bata, dahil bibo ito. Lumaki si Dylan. May pagkakataon na nagalit ito ng matindi at napaliyab niya ang laruan na kinuha sa kanya!
"This is crazy!" Sabay tayo ni Dylan.
Pakiramdam ko, namanhid na ang utak ko hindi na ako makapag isip ng maayos. Muli na namang itinaas ni Matatya ang baston
Ikaw na kapatid ng hari at kayong tatlong mga matatapat na mandirigma ng elemento ng tubig, at apoy. Bilang gantimpala, kayo ay binabasbasan ko na kong sino ang laman ng inyong puso ay siyang makakasama ninyo habang buhay. At ang mga anak ninyo ay magtataglay ng kapangyarihan ng tubig at apoy. Para maging katuwang sa pangangalaga sa Dyamantes.
Gumuho ang kaharian, nawala ang kanilang lakas at kapangyarihan. Tumakas sila sa gubat at tumawid sa lagusan. Pagdating sa mundo ng mga tao ay wala na silang maalala. Paglipas ng isang taon nakita nila ang kanilang mga kasintahan. Ngunit hindi na sila magkakilala sa muli nilang pagkikita. Niligawan nila ito hanggang sa sila ay nagpakasal at nag kaanak. Lumalaki na ang tatlong batang lalake at isang batang babae. Hinawakan ng tatlong batang lalake at isang batang babae ang apoy, ngunit hindi sila napaso. Napapaangat din nila ang tubig. Lumaki ang mga bata naging Si Jeff, Patrick, Max at Ashly..
BINABASA MO ANG
ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]
FantasyInstead of partying and enjoying the luxurious life in the city, mas gusto pa nilang mag barkada ang nature tripping and adventure. They visited different isolated places and climbed some few mountains. Then they discovered Mount Bulakaw the myst...