Nilagpasan namin ang mandirigmang nakakubli sa sulok. Umagahin sana siya sa paghihintay sa amin. Nang may bigla akong maalala, masyado na akong preoccupied this fast few days. Nakalimutan ko ang tungkol kay Celine. Pagdating namin sa hardin ay nagpasya akong sabihin sa kanila.
"Guys may naalala ako, ito pa ang pasabog." Nagsitigil naman ang mga ito, nahawa na talaga sila sa pagiging tsismosa namin ni Ashly. "Alam 'nyo ba na jowa ni Marduko ang kapatid ni Dylan na si Celine. Nakita niya daw ito sa lagusan at wala na daw itong maalala! I don't know kong nagsasabi siya ng totoo." Kibit balikat na sabi ko. Nagulat ang mga ito! Iba-iba naman ang reaksyon nila...
"Hindi nga? Nakakagulat naman 'yan."
"Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Sasabihin ba natin kay Dylan?"
"Kalma guys, mukhang in good hands naman si Celine. Huwag muna nating ipaalam, baka pumalpak ang plano natin. Kahit sabihin na selfish tayo, para din naman sa ikakabuti diba? Or kung magkaroon ng chance na masabi natin kay Dylan ng maayos, sasabihin natin." Sabi ko naman sa kanila.
"Pumunta tayo sa palasyo ni Dylan ngayon wala dito ang mga salamangkero. Baka nasa palasyo sila ni Haring Petre." Sabi naman ni Theos.
Pagdating namin sa palasyo ni Dylan, ay malaya kaming nakapasok. Mag isa itong naka-upo sa trono, ngunit may nakabantay dito. Himala wala ata si Vera? Sumenyas naman si Jeff na hanapin namin si Vera. Inikot namin ang palasyo, napunta kami sa exit nito. Bahagya itong nakabukas, nakita namin si Vera na nakatalikod. Mukhang may kausap ito, dali-dali kaming lumapit doon.
"Mukhang matigas na ang ulo ni Andrea, hindi kaya dahil sa sama ng loob kaya ayaw niyang kumilos?" Sabi ni Malakya.
"Wala naman akong natuklasan, nag panggap akong si Lukan at tinanong ko ito. Wala namang kakaiba sa mga sinabi niya."
"Kailangan mo na siyang makumbinsi na makuha ang elemento. Pag lumipas ang ikatlong kabilugan ng buwan ay matagal pa ulit magkakaroon ng buwan. Mawawalan ng bisa ang ginawa nating sumpa." Sabi naman ni Vera.
"Ako ang bahala kay Andrea." sabi naman ni Malakya.
Dali dali kaming umalis doon, babalik kami ng palasyo. Hahanapin namin ang ginawa nilang sumpa. Hinawakan ko sila at napunta kami sa tanggapan ng mga kunseho.
"Mamaya na magtanong, hanapin na natin ang sumpa." Agad kaming naghalungkat hindi katagalan ay may nakita kaming mga potion na kulay itim. Sa pamamagitan ng paglaho ay pumunta ako sa sagradong silid. Kumuha ako ng tubig na kulay itim, kasing tingkad ito ng kulay ng mga potion. Pinalitan namin ng ordinaryong tubig ang mga ito. Umalis agad kami doon at pumunta sa madawag na parte ng kaharian. Ibinuhos namin sa mga damo ang mga potion, natuyot ang mga ito at biglang nangitim.
"Kumpirmado lason nga ito." naiiling na sabi ni Lukan.
"Lagi tayong mag matyag sa mga kilos nila, lalo na ngayon at despirado na sila." sabi ni Max.
"Kailangan masabihan natin si Dylan? Para maging handa din siya. Meron pa akong invisible stone dito para sa kanya." sabi ni Theos.
Bumalik kami sa palasyo, naka invisible padin kami. Nakita namin ang mandirigmang nakasilip kanina. Kausap nito sa Malakya at iba pang salamangkero.
"Ibig mong sabihin hindi parin sila lumalabas ng sagradong silid?" Galit na tanong ni Malakya.
Pumunta kami sa bulwagan, nang matiyak na walang engkantado ay nagpakita na kami. Hinintay naming pumasok ang mga salamangkero.
"Nandito na pala kayo kanina ko pa kayo hinahanap." Ang sabi ni Malakya.
"Bakit po punong konseho?" Tanong ni Lukan.
"Masyado yata kayong naging kampante, kailangan na ninyong kumilos para mabawi ang elemento."
"Bakit nagmamadali yata kayo? Ngayon pa na nasa atin na ang tatlong elemento?!" Ang sabi ko naman sa kanya.
"Hindi mo alam ang maaring mangyari sa Dyamantes, kapag hindi buo ang apat na elemento." pagdadahilan naman nito.
"Huwag po kayong mag alala, pagkatapos ng kabilugan ng buwan ay saka kami lulusob." sabi naman ni Theos.
"Kumilos na kayo habang maaga Theos." Ani naman ni Falcon.
Hindi na kami sumagot, hinayaan na naming makaalis ang mga ito. Umalis naman si Lukan at Max para sabihan si Dylan. Nag invisible naman ako at pumunta sa tanggapan ng konseho. Naabutan kong nagpupulong ang mga ito.
"Mukhang hindi na tayo sinusunod ng mga Maharlika." Sabi ni Falcon
"Akong bahala kay Andrea gagamitin ko si Dylan para mapapayag siya. Tiyak hindi niya ako tatanggihan." sabi naman ni Malakya.
Bumalik ulet ako sa bulwagan ilang saglit lang ay tinawag ako ng diwata. Gaya ng aking inaasahan ay pinapatawag ako ng mga konseho. Agad akong pumunta sa silid nila.
"Alam kong hindi naging madali ang mga pinagdadaanan mo Andrea. Ngunit hindi mo pwedeng ipag walang bahala ang tungkulin mo." mahinahong sabi ni Malakya.
"Alam ko po punong konseho." Kunway malungkot na tugon ko.
"Pilitin mong maibalik ang elemento, at pinapangako namin na babalik sayo si Dylan." Sabi naman ni Falcon.
Ngumiti ako, nakita kong nagliwanag ang mukha nila.
"Pa'no 'nyo naman nasabi na babalik sa akin si Dylan?"
"Kami ang bahala, walang imposible sa mga salamangkero." Nakangiting sabi ni Aydan.
"Walang imposible? Nalason nga lang ako hindi ninyo kayang pagalingin? Ngunit pinalabas ninyo na nasumpa ako. Baka naman sinadya ninyo ang lahat? Diba nga pinatulog ninyo ako." Inis na sabi ko.
"Huwag mo kaming pagbintangan Andrea! Wala kang karapatang sabihin yan." Galit na sabi ni Malakya.
"Ok! Wala din kayong karapatan na utusan akong kuhanin ang elemento." Halatang nagalit ang mga ito at itinaas nila ang kanilang mga baston.
BINABASA MO ANG
ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]
خيال (فانتازيا)Instead of partying and enjoying the luxurious life in the city, mas gusto pa nilang mag barkada ang nature tripping and adventure. They visited different isolated places and climbed some few mountains. Then they discovered Mount Bulakaw the myst...