Chapter Thirty-Five

6.4K 190 6
                                    

Maaga palang ay nag-jogging na ako sa paligid ng palasyo, nang may biglang tumawag sa akin. Si Lukan, binagalan ko ang pagtakbo ko at sumabay ito sa akin.

"Good morning Lukan, anong ginagawa mo dito?"

"Ah! Nais lang kitang tanungin tungkol sa mga susunod nating hakbang?" Mailap ang matang sabi nito.

"Anong hakbang?" Kinindatan ko ito ng tatlong beses. Ngunit hindi ito nagrespond ng pisil sa ilong at pout ng lips.

"Tungkol sa napag usapan natin kahapon sa sagradong silid?" Nagduda na agad ako, pero umakto ako ng normal.

"Yun ba? Ikaw naman masyado kang excited. Diba usapan na nga natin na maliligo tayo sa batis? Tapos magdadala tayo ng pagkain. Wala namang nabago kasi 'yon na ang balak natin diba? Masaya kaya 'yon gusto ko na ngang lumangoy." Nakangiting sabi ko sa kanya. Mukhang naguluhan ito at nag apuhap ng sasabihin.

"Oo nga pala, sige mauuna na ako mamaya nalang ulet." Pilit ang ngiting sabi nito at nagmadaling umalis.

Nang bahagya itong makalayo, ay naglaho ako at lumitaw malapit sa dadaanan niya. Pagdating niya sa gilid ng palasyo sa tabi ng mga bulaklak ay nag-palit ito ng anyo. Si Falcon? Naglaho ulet ako at lumitaw sa loob ng palasyo. Pumunta ako sa dining hall, dahil ito ang oras ng almusal namin.

"Guys nasampolan ako, si Falcon ginaya si Lukan." Mahinang sabi ko.

"Paanong nangyari?" Curious na tanong ng mga ito.

"Sa labas. Change topic na, gamitin 'nyo lagi ang body language." Tumango naman ang mga ito.

Pagkatapos naming magbreakfast ay pumunta kami sa training ground. Present lahat ng mga salamangkero. Nagsanay kami para gamitin ang aming mag salamangka. Syempre hindi ko pinakita lahat ng nalalaman ko.

Naisipan ko namang itanong kay Lukan ang tungkol sa library, ayun sa kanya ay merong nga magic spell doon. Pumunta kami doon pagkatapos ng training. Hinalungkat namin ang mga aklat at binasa. May mga natuklasan kaming formula ng magic potion, para sa sakit at pangontra sa sumpa. May nabasa ako na na formula pangontra sa masamang elemento, at marami pang iba.

"Lukan, pwede ba tayong mag experiment ng mga potion? Meron
ba kayong laboratory dito or something?" Tanong ko.

"Yup meron, lahat ng nasa aklat na ingredients ay nandoon." May pinihit ito at bumukas ang isang pinto. Tumambad sa amin ang isang malaking laboratory.

"Lukan nasecure mo ba tong library slash laboratory?" Tanong ko ulit.

"Oo, wala pang nakakapasok sa silid na ito, protektado ito ng salamangka. Tanging kami lang ni Theos ang nakakapasok dito. Syempre kayo dahil may pahintulot namin. Walang nakakalam ng nilalaman ng silid na ito, maging ang mga salamangkero." sabi naman si Lukan.

"Guys look, meron akong nabasa dito. Potion para maging invisible." e
Excited na sabi ni Ash.

Nagsilapitan naman kami sa kanya at nakiusyoso. Marami itong formula..
Buhok ng tikbalang, abo, pulang langgam, kuko ng lobo. Tubig ng unang ulan sa Dyamantes, batong kristal... at marami pang iba. Banggitin ang orasyon sa baba, kapag kumulo ang tubig ay saka ihulog ang mga sangkap. Banggitin ulet ang ikalawang orasyon hintayin na mabuo ang isang kulay asul na bato. Tipakin ito ng naayon sa gusto mong laki. Himasin ang bato at voila, hindi ka na nila makikita. Matagal ang bisa nito, himasin ulit ang bato kong gusto mong bumalik sa normal.

"Seryoso ba 'to?" Nakangiwing tanong ko.

"Oo naman Andrie, lahat ng nakasulat dito ay totoo. Hanapin na natin ang mga sangkap." Sabi ni Theos.

"Voila! Hindi ka na makikita!" Nagkamot ng ulong sabi ni Jeff. Nagtawanan naman kami, pa'no may nalalaman pang voila?~

Umikot ang paningin ko, nakakahilo ang sobrang daming garapon. May mga label naman ito. Habang naghahanap ako ng sangkap ay nakakita ako ng butiki. Iisa ang mata nito, nakababad ito sa garapon. Meron pang iba't ibang uri ng insekto at mga bato. Makukulay na tubig, bago ako mahilo ay nakita ko rin ang langgam na pula. Mukha itong pagong, chinek ko ulit ang label. Naka bold letter pa ito LANGGAM NA PULA.
Nang makumpleto ang mga ingredients ay binanggit ni Lukan ang orasyon HJWYPQYMSJMTYRQST!!! With matching emote-emote pa habang nag orasyon. Kumulo ang tubig sa palayok, isa-isa naming hinulog ang mga sangkap. Binanggit niya ulet ang pang huling orasyon may katagalan bago unti-unting nabuo ang bato. Pigil ang hininga namin sa pag hihintay. Hanggang sa kumislap kislap ito, at naging kulay dark blue. Bahagya itong hinawakan ni Theos at bigla itong nangisay. Nataranta naman kami at agad namin itong dinaluhan...

"Joke lang!" Sabay hagalpak nito ng tawa.

"Buset ka. Nakakainis ka naman, e!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Ash, sabay hampas dito. Natawa din kami sa pang-gugood time nito.

"Sige nga himasin mo ng malupit Jeff?!" Nakangising utos ko.

Game naman na hinimas ito ni Jeff, bigla itong nawala.

"Oh my? Totoo nga?!" Napahawak ako sa dibdib. Sa sobrang excitement, muli namang nagpakita si Jeff.

"Infearness walang trial and error." Sabi namn ni Pat nakihimas nadin sila sa bato at naglaho. Magugulat ka nalang na may biglang iihip sa tenga mo. Ang ending nagharutan kami. Nakakatuwa pa once na naging invisible ka ay makikita mo padin ang kasama mong invisible din. Tinipak nila ang bato at ginawang bracelet. Gumawa pa ulet kami ng iba't ibang potion. Pagkatapos ay lumabas kami sa sagradong silid ng naka invisible. Tumagos kami sa pinto, may nakita kaming nagtatago sa sulok at mukhang inaabangan ang paglabas namin sa silid.

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon