"Hello Lukan, pwede ka bang pumunta dito sa bahay ngayon? May mahalaga kasi tayong pag-uusapan."
"Sige pupuntahan kita tungkol ba ito kay Marduko?" Si Lukan sa kabilang linya.
"Oo punta ka na ha, dito kana mag dinner tinawagan ko na din si Ashly. bye, ingat." Binaba ko na ang phone.
Hindi pwedeng mag isa lang akong kikilos. Alam ko naman mapagkatiwalaan si Lukan, kaya
mas maiiging malaman niya ang totoo. Tinikman ko ang niluto kong chicken ang pork adobo. Masarap ang lasa nito, dahil kong hindi hahaba na naman ang nguso ni Ash, kapag natikman niya ang maalat na luto ko."Nandito na ako, yahoo?!" Sigaw ni Ash, iniwan ko kasing bukas ang gate para makapasok ito.
"Dito ako sa kitchen." Ganting sigaw ko.
"Wow, mukhang fresh na fresh ka ngayon, naka move-on na ba?" Nangaasar na tanong nito.
"Tseh. Oo naman 'no. Tikman mo nga ang niluto ko. Baka mapahiya ako kay Lukan." Nangasim agad ang mukha nito, at dahan dahang tinikman ang adobo.
"Hmm! Wow infearnes ang sarap, F
finally sumarap ang luto mo!" Sabay dampot nito ng chicken at pinapak ito."Hoy baka ubusin mo yan doon tayo sa labas aantayin natin si Lukan." Sabi ko sa kanya, hinubad ko ang apron at lumabas. Sumunod naman ito sa akin, naupo kami sa garden na malapit sa gate.
"Ano ba kasi ang pag uusapan natin? It's about the revenge ba kay Dylan at Vera?" Naniningkit ang matang tanong nito.
"Pwede ba mamaya na, pasabog ito. Kaya be ready." Pambibitin ko sa kanya, lalo itong nangulit.
"Hay naku ayaw sabihin. Ayan na si Lukan?!" Tumakbo ito para buksan ang gate. Ipinasok naman ni Lukan ang sasakyan nito.
"Hi girls, Andrie ano ba ang natuklasan mo tungkol kay Marduko?" Tanong agad ni Lukan, kinuha naman ni Ash ang cake na dala nito.
"Mag dinner muna tayo, baka hindi na kayo makakain sa malalaman ninyo." Sabi ko at naunang pumasok sa bahay.
Mabilis kaming naghain at naupo sa mesa para kumain. Panay subo ng dalawa at naghihintay sa sasabihin ko.
"Andrie, ang sarap ng ulam ang lambot ng chicken at pork. " Puri ni Lukan. "Pero ano ba ang sasabihin mo?" Tanong niya.
Uminom muna ako ng tubig, kahit seryoso ang sasabihin ko ay gusto kong matawa. Hindi kasi inaalis ng dalawa ang tingin sa akin.
"Nagkausap kami ni Marduko kanina."
"Ano?" Gulat na reaksyon ni Lukan.
"Paano kayo nagkausap? Close kayo?" segunda naman ni Ash alam nito na nakita namin si Marduko kahapon.
"Pinuntahan mo ba siya?" tlTanong pa ulet ni Lukan.
"Oo, nag apply ako sa company niya kanina. Mukhang alam niya na darating ako kaya nagkaharap kami."
"Hindi ka ba niya pinagtangkaan ng masama?" Nagaalang tanong ni Lukan.
"Hindi sa halip ay may sinabi siya sa akin tungkol sa nangyari noon sa Dyamantes." At inilahad ko sa kanila ang napagusapan namin ni Marduko.
Napainum ng tubig si Lukan ng marinig ang sinabi ko. "May katotohanan ang sinasabi niya, tungkol sa elemento. Maaring mamatay ang hahawak nito. Kong hindi bukal sa loob ng tagapangalaga ang pagbibigay ng pahintulot." Sabi ni Lukan at bigla itong napaisip ng malalim.
"Sabi ko na nga ba! Duda ako kay tandang Malakya, ang ginawa niyang pagpatulog sa iyo. Pinatulog ka niya para maikasal si Dylan at Vera. Nasaan ang hustisya?!" Sabi naman ni Ash.
"Pinuntahan ko kanina ang mga diwata na nakilala ko. Minsan ko na kasing tinulungan ang mga ito, sila ang mga diwatang tumakas sa Dyamantes noon. Ayun kay aling Dalya ang mga salamangkero nga ang may kagagawan ng mga kagululuhan sa Dyamantes. " Sabi ko sa kanila.
"Kaya pala lagi nila akong inuutusan na manatili dito, posible kasing mabuko sila. Nagdududa na din kami ni Theos, masyado na silang nakikialam pati sa pamamalakad namin sa kaharian." sabi naman ni Lukan.
"Sabi ni Marduko, maaring ang mga salamangkero ang may kagagawan ng pagkamatay ng mga magulang mo?"
"Maari, bata pa ako noon, naalala kong nakaratay si Ama at Ina. Nangingitim ang mga ito hanggang tuluyan silang nalagutan ng hininga. Sabi ng salamangkero ay hindi nila alam kong ano ang karamdaman ng mga ito. Sanggol pa lang si Theos noon, at maliit pa ako. Kaya wala akong muwang sa mga nangyayari." malungkot na sabi ni Lukan.
"Anong balak natin ngayon?" Tanong ni Ash.
"Babalik tayo sa Dyamantes at aalamin natin ang mga nangyayari doon!"
"Tama Andrie, dapat na tayong kumilos bago mahuli ang lahat." Sabi naman ni Lukan, halatang masama ang loob nito sa nalaman.
Pinag planuhan namin ang pagbabalik namin sa Dyamantes. Tinuruan kami ni Lukan na isarado ang isipan namin, upang hindi mabasa ng mga salamangkero. Planado ang lahat babalik kami na parang wala kaming nalalaman.
"Bukas na bukas din ay babalik tayo sa Dyamantes." Sabi ni Lukan.
"PARA SA KAPAYAPAAN AT HUSTISYA SA DYAMANTES!" Sabay lahad ni Ash. ng kanyang kamay. Ipinatong naman namin ang mga kamay namin, at nagkatinginan. Hindi kasi namin alam ang sasabihin. Nagtawanan nalang kaming tatlo, pero buo ang loob namin na ipaglaban ang kapayapaan sa Dyamantes.
BINABASA MO ANG
ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]
FantasyInstead of partying and enjoying the luxurious life in the city, mas gusto pa nilang mag barkada ang nature tripping and adventure. They visited different isolated places and climbed some few mountains. Then they discovered Mount Bulakaw the myst...