Kinaumagahan pag gising namin ay nawala ang ibon. Sarado naman ang tent namin, sabi ni Ashly at Pat. ay hindi naman sila umihi kagabi. Wala naman itong ibang lalabasan!
"Sana naman magaling na siya." Malungkot na sabi ni Ashly naglalakad kami patungo sa hindi namin alam ang direksyon.
"Nakapag-tataka lang, saan 'yon dadaan? Baka naman lumabas kayo kagabi, hindi nyo lang natandaan!
"Duhh! Tulog mantika ako kagabi, dahil sa sobrang pagod!" Sabi ni Ashly.
"Ako din naman, sigurado ako hindi ako lumabas." Si Patrick. Nagkibit balikat nalang ako, ng may matanaw kami.
Napakaraming puno ng mansanas, ubas, peras at orange. Nanlaki ang mga mata namin. Hitik na hitik ang mga ito sa bunga, malinis din ang paligid nito puro bermuda grass lang ang tumutubo. Akmang magtatakbuhan na kami patungo roon.
"Guys beware, nasa gubat tayo okey!" Paalala ni Jeff.
"Huwag kayong magpadaya sa mga magagandang bagay na nakikita ninyo? Baka ito pa ang ikakapahamak natin." Segunda naman ni Dylan.
Napawi ang mga ngiti sa labi namin. Napalitan ito ng dissapointment. Takam na takam pa naman kami.
"KJ naman! Pero thanks sa paalala guys. Tama kayo, sobrang nakakaakit ang mga apples, red na red tapos mukhang ang lutong!" Tulo laway na sabi ni Ashly.
"Yung grapes din 'o!? Iba iba pa kulay. Mukhang ang tamis-tamis. Yung orange ang lalákí." Mangha kong sabi.
Umiwas kami sa lugar na 'yon, pumunta kami sa ibang direksyon. Napunta naman kami sa medyo madilim na bahagi ng gubat. Bigla kaming nakarinig ng mga tawanan.
"Narinig 'nyo?" Tanong ni Ashly.
"They are toying us!" Sabi ni Pat.
Palinga linga kami sa paligid, lumalakas ang matinis at nakakakilabot na tawa..
Naghawak kamay kami ni Ashly. Nanlalamig ang mga kamay namin. Ang apat na lalake naman, ay hindi namin nakitaan ng takot.
Sumenyas si Dylan na maglakad kami. Sumunod naman kami sa kanya!
Biglang gumalaw ang mga puno at lumakas ang hangin, napakapit kami sa isa't isa. Walang nag panic sa amin!
"Anong kailangan 'nyo?" Matapang na tanong ni Pat. Kinurot ko ito.
"Mamaya sumagot 'yan, Pat!" Sabi ko.
Nakita namin ang isang maiitim at nakakatakot na taong puno. Taranta namang nagbukas ng bag si Ashly. Napanganga ako ng ilabas niya ang isang garapon ng asin.
Nakidakot na rin ako ng asin. Ang apat na lalake naman ay may hawak na mga armas.
PANGAHAS!! Sabi ng puno naglitawan na rin ang mga alipores nito.
Maiitim at malalaki ang mata, mga taong puno din ito. Mahahaba ang daliri at matutulis ang tenga.
"SINO KAYO?" Tanong ni Dylan.
Nakita kong nag galawan ang mga malalaking baging, Papalapit ito sa amin. Naglalakad na rin ang taong puno papunta sa amin, habang humahaba ang kamay nito.
Agad naming sinabuyan ito ng asin. Ngunit hindi ito tinablan.
HANGAL KA BABAE. SA TINGIN MO BA MAPIPINSALA AKO NG ASIN LANG!? HAHAHA!
"Leche, Ash? San mu ba nakuha ang ideyang 'yan?"
Sa google, 'sana ginamit ko nalang 'to sa pagluluto. Andrie nagalit ata?"
Humaba ang kamay ng engkanto papunta sa amin ni Ash. Agad itong tinaga ni Max! Lalo namang dumami ang mga baging.
"Shit guys were trap, wala tayong panlaban!" Si Jeff.
"Huwag tayong maghiwa-hiwalay!" Sigaw ni Dylan.
Nagsigawan kami ng bigla nalang hinila ng baging ang paa ni Max. Mabilis ang pang yayari, napasigaw ako sa sobrang takot. Nakita kong pumulupot ang baging sa buong katawan nito.
"Ibaba mo ang kaibigan namin, ano bang kailangan ninyo sa amin?" Galit na sabi ni Dylan.
MGA PANGAHAS!! WALA KAYONG KARAPATAN NA PUMASOK SA TERETORYO NAMIN!
Malaki na parang kulog ang boses nito. Nakakakilabot itong pakinggan.
"Maxxx...'sigaw ko nalang, gusto ko ng umiyak awang awa ako kay Max.
Maya maya ay si Patrick naman ang kinuha nito. Sabay kaming napasigaw ni Ashly.
"Andrie, Ash.!? Takbo na!! Takbooo!!! Sigaw ni Jeff habang pinag-tataga ang mga baging.
"Save your self, umalis na kayo!" Singhal ni Dylan, habang pinagbabaril niya ang mga baging na sumusugod sa amin.
Umiiyak na kami ni Ashly.. Tumakbo kami, pag lingon ko ay may humahabol sa amin! Gaya ng mga nilalang na humahabol sa panaginip ko.
"Ash?! Hinahabol tayo!!" Sigaw ko!
"Wag ka ng lumingon! Just run ok!?" Ganting sigaw niya.
Tinodo namin ang pagtakbo.
Ahhhhhhhhhhhhh! Gumulong kami pababa, tumama ang katawan ko sa mga bato...!
Sa puno...!
Ang sakit sakit ng katawan ko. Nakita ko si Ash, na magkasunod lang kaming gumugulong.. Hanggang sa nagdilim ang paligid ko..
Nauna akong nagising, ang dami kong sugat sa katawan. Hindi ko alam kung ilang oras na akong walang malay. Hindi naman ako nabalian, puro galos ang katawan ko. Mahilo-hilo akong bumangon, nakita ko si Ash, nakahandusay din ito.
Agad ko itong nilapitan!
"Ash? Ash? Gising! Hindi ito nagising, kinabahan ako. Ngunit humihinga pa naman ito.
Nakatagilid ang higa niya, hindi ko siya ginalaw. Baka may fractured ito at lalo lang lumama. Gaya ko ay madami din itong galos. Binuksan ko ang backpack niya. kinuha ko ang first aid kit. Hinang hina ako, nilabas ko rin ang nakita kong tubig sa bag niya.
Pinaamoy ko siya ng amonia, hindi katagalan ay bumalik ang malay niya. Inalalayan ko siyang umupo at pina inom ko ng tubig!
"Andrie? Ok lang ba?" Tanong ni Ash, pagkatapos uminom.
"Medyo! Pakiramdaman mo nga ang katawan mo baka may bali ka?"
"Mukhang wala naman!" Sagot nito, Maayos naman itong nakatayo. Kinuha ko na rin ang bag ko, akmang lalakad na kami ng matanaw namin si Dylan.
DYLANN?! Sabay na sigaw namin ni Ashly.
BINABASA MO ANG
ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]
FantasyInstead of partying and enjoying the luxurious life in the city, mas gusto pa nilang mag barkada ang nature tripping and adventure. They visited different isolated places and climbed some few mountains. Then they discovered Mount Bulakaw the myst...