Chapter Thirty

6K 203 3
                                    

Nagpasya akong huwag munang ipaalam kay Lukan ang pag-apply ko sa company ni Marduko. Gusto kong ako mismo ang tutuklas ng mga bagay na dapat kong malaman. Duda ko ay walang maalala si Celine, malamang tinanggal ni Marduko ang alaala nito.

Kinabukasan. Agad akong nagreport kay Ms Mylene. Nakasabay ko ang ilan kong kasamahan, ngunit sa ibang personnel sila magrereport. Lalo tuloy akong nagdududa.

"Ah basta bahala na, dito na ako wala ng atrasan." Kumatok muna ako bago pumasok, nakangiti naman si Ms Mylene. Wala itong ginagawa, agad itong tumayo ng makita ako.

"Good morning Andrea, I'm glad you came early. follow me." Sabi nito.

Tinungo namin ang elavator, pinindot nito ang number ng pinaka-huling palapag. Hindi na ako nagtanong, pareho kaming tahimik at nakikiramdam. Pag bukas ng elavator ay mahabang hallway ang bumungad sa amin. Naglakad kami at binuksan niya ang pintuan at pinapasok ako. Pagkapasok ko ay saka siya pumasok. Iginala ko ang aking paningin isa itong penthouse.

"Mam Mylene bakit po tayo nandito?" Takang tanong ko.

"Gusto ka kasing kausapin ng boss natin, wait lang ha tatawagin ko na siya."

Umalis ito at pumasok sa isang pinto, kinabahan na naman ako. Bakit ako kakausapin? Nilingon ko ulet ang pinto, bumukas ito at lumabas si Mylene kasunod nito si Marduko.
Kahit nag uumapaw ang galit sa dibdib ko sa paghaharap namin ni Marduko ay nanatili akong kalmado. Kahit gusto ko na siyang patayin dahil sa pagpaslang niya sa mga magulang ko.

"Maupo ka muna Andrea, sa wakas nagkaharap na rin tayo. Sige Mylene, iiwan mo muna kami."  Umalis naman si Mylene, inihanda ko ang sarili ko sa maaring mangyari.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Pigil ang galit na tanong ko.

"Nakita ko kayo ni Lukan kahapon, sinusundan ninyo ako." Sabay tingin niya sa akin, kalmado ito habang nakaupo.

"Ayun sa source ko, ikaw pala si Andrea ang anak ni Haring Malaka,  tama ba ako?" sabi pa ulet nito.

"Oo, ikaw si Marduko ang pumaslang sa mga magulang ko." Galit na inilabas ko ang aking kapangyarihan. Ngunit hindi ito natinag.

"Huminahon ka Andrea, isa lamang akong kawal at mahina ako kumpara sa iyo. Maari bang makinig ka muna huwag kang magpadalos-dalos. Ayaw mo bang mapakinggan ang panig ko?" Mahinahong sabi nito.

"Ano na namang kasinungalingan ang sasabihin mo? Lalansihin mo ako at gagawing bihag ganun ba?" Inis na sabi ko.

"Makinig ka Andrea, ako nga si Marduko ang pinunong hukbo ng hari ng tagapangalaga ng apoy." Bahagya itong tumigil at tumingin sa akin.

"Hindi totoong pinatay ko ang hari para kuhanin ang elemento. Bagkus ay ibinigay ito ng hari para itakas ko."

"Sinungaling!" Gigil na sabi ko. Pero nagtanong ito sa akin.

"Sa palagay mo ba basta-basta lang makukuha ng kung sino ang mga elemento? Hindi ito pwedeng hawakan ng walang pahintulot. Kusa itong ipinagkaloob sa akin ng hari, para maitakas ko sa Dyamantes.."

"Sa tingin mo ba maniniwala ako?" nagpupuyos sa galit na sabi ko.

"Nang mga panahong iyun ay malubha na ang dalawang hari. Gusto silang patayin ng mga salamangkero. Nilason nila ang dalawang hari noong gabing may pagtitipon sa Dyamantes. Nalaman ng dalawang hari ang kanilang maitim na balak, pati ang gusto nilang pagpatay sa buong angkan ng dalawang kaharian. Mawawalan lang ng bisa ang elemento kapag namatay ang lahat ng kamag anak ng mga hari. Kapag nangyari 'yun, saka na nila makokontrol ang kapang yarihan ng bawat elemento. Ipinag utos sa akin ng hari na itapon ko si Dylan sa lagusan at balikan ko ang elementong bato para itakas ko sa Dyamantes."

"Pero ang sabi nila may basbas si Dylan na hindi siya maaring patayin?" naguguhang tanong ko.

"Hindi totoo yan, kaya mas pinili nila na itapon ko si Dylan sa mundo ng mga tao. Dahil kong hindi, papatayin nila ito. Ganun din ang ginawa ng iyong inang reyna, ipinagkatiwala niya kay Ditana ang elemento. Dahil sa mga panahong 'yun, lubhang malala na ang karamdaman ng hari. Kesa pakinabangan ito ng mga sakim na salamangkero at hari ng tagapangalaga ng elemento ng hangin. Mas ginusto nilang pag hiwa-hiwalayan nalang ang mga elemento. Dahil kong hindi baka tuluyang maging alipin ang lahat ng diwata sa Dyamantes."

"Hindi ba totoong nagkaroon ng digmaan? Ang sabi nila sinalakay mo ang Dyamantes?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi! Kailanman ay hindi ako sumalakay sa Dyamantes. Ang mga engkantong pumanig sa akin ay sinumpa nila. Naging itim ang kulay ng mga ito, may mga tumakas naman at napunta sa mundo ng mga tao. Bakit hindi mo sila hanapin, para mapatunayan ang mga sinabi ko?"

"Ang sabi nila kapag tumawid ka sa lagusan, ng walang pahintulot nila ay mabubura ang alaala mo sa Dyamantes." naguguluhang sabi ko.

"Nawala lang ang alaala ng mga diwata na sadyang binura nila ang mga alaala." sabi ni Marduko, bigla ko namang naalala na umalis kami ng walang pahintulot ngunit hindi naman nawala ang Dyamantes sa isip namin. Naguguluhan ako kung sino ang papaniwalaan ko, ngunit may punto din naman ang mga sinabi ni Marduko.

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon