Chapter Twenty-Eight

5.9K 217 6
                                    

Almost two weeks na akong nakanganga sa bahay. Hindi pala ganun kadaling mag move-on, ni isa sa mga kaibigan kong lalake ay hindi na nagpakita sa akin. Halos araw araw namang pumupunta dito si Ash, para i-comfort ako. Bumangon ako at naligo, may interview ako ngayon sa call center. Kesa mag emote ay kailangan kong magtrabaho para malibang ako.

Pagdating sa company ay maraming nakapilang aplikante. Kabado ang mga ito, samantalang ako ay lutang ang isip. Siniko pa ako ng katabi ko ng tinawag ang pangalan ko.

Pagpasok ko sa office ay nagulat ako, si Lukan ang interviewer?

"Nagulat ba kita? Kamusta ka na Andrea?" tanong ni Lukan.

"Hindi ok." tipid na sagot. Wala ako sa mood magtanung kung bakit siya nanduon. Basta na-hired nalang ako, samantalang screening palang ng mga applicant.

Paglabas ko ng company ay kasunod ko ito, nakataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Wala naman akong tinanong ay kusa nitong sinagot ang nasa isip ko.

"Hindi talaga ako ang nag iinterview, sinadya ko talagang ako ang humarap sayo." alanganin ang ngiting sabi niya.

Nakasakay kami sa kotse niya hindi naman ako nagtanong kung saan kami pupunta. Tumigil kami sa harap ng coffee shop.

"Ano na ang balak mo ngayon?" tanong niya.

"Wala, ayoko ng bumalik sa Dyamantes." Sigurado ako na alam niya ang nangyari. Kaya hindi ko na kailangang mag explain!

"Naintindihan kita Andrie, alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo. Wala kang choice kundi mag move-on."

"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Alangan namang ngumawa ako ng ngumawa! Ano sila siniswerte? Nagpapakasaya sila tapos ako magluluksa? No way!" nakaismid na sabi ko.

"Good to hear that!" nakangiting sabi ni Lukan.

Pag uwi ko ng bahay ay may nakita akong babaeng nakasilip bintana, sa second floor ng bahay namin. Madalas kasing walang tao kaya feeling nila ay welcome sila dito.

Mabilis akong umakyat sa second floor at binuksan ko ang pintuan. Nakatayo ito at nakatingin sa akin, may kasama itong lalake na nakaupo sa kama! Mag dyowa? Leche gagawin pa atang motel ang guest room namin!

"Anong ginagawa ninyo dito?" Inis na tanong ko habang nakapamewang.

Nagkatinginan pa ang mga ito. "Bingi lang teh? Balak 'nyo pang gawing motel ang bahay namin?"

"Nakikita mo kami?" Takang tanong ng lalake. Mapuputi ang mga ito, hindi gaya ng mga pinalayas ko noong nakaraang linggo.

"Malamang! Saan ba kayo nanggaling?" Nakasimangot na tanong ko.

"Dito kami sa lupa nakatira, palipat lipat kami ng tirahan. Pasensya ka na ha, tahimik kasi dito kaya nakituloy muna kami." Sabi ng lalake.

"Hindi ba kayo nanggaling sa ilalim ng lupa?"

"Mga engkantong gubat kami!" Sagot ng babae.

"May kaharian?" taas kilay na Tanong ko.

"Wala, kami ang mga diwata sa gubat sa mga puno kami naninirahan. Bakit may kakayahan kang makakita ng engkanto?" tanong ng babae sa akin.

Sinimangutan ko ito, nagdadabog akong bumaba at kumuha ng pagkain sa ref. Nagugutom ako para mag aksaya ng oras na makipag chikahan sa kanila.

"Galit ka ba?" Sumunod ang mga ito sa akin at umupo pa sila sa tapat ko.

Imbis na sagutin ko ang tanong niya ay tinanong ko ang mga ito.

"Bakit ayaw nyong tumira sa gubat?"

"Ang totoo niyan, itinaboy kami ng mga itim na engkanto!" Sagot ng lalake.

"Oh bakit hindi ka lumaban?"

"Wala kaming kapangyarihan para labanan sila. Bihag nila ang iba naming kamag anak." Malungkot na sabi ng babae. Nakaramdam ako ng awa dito.

"Saan ba yang gubat na yan?"

"Sa labas ng syudad. Kaya kami narito para magtago, hindi nila iisipin na narito kami."

Pagkatapos kong kumain ay nagbihis ako. Kinuha ko ang susi ng kotse. "Ano pa ang tinutunganga 'nyo dyan, puntahan natin ang gubat na sinasabi ninyo." nagtinginan ang mga ito mukhang takot na takot. Kahit hindi ko kilala ang makakasagupa ko ay wala akong pakialam. Sinamaan ko ang mga ito ng tingin, kaya sumunod sila at sumakay sa kotse

Dahil linggo naman ay hindi matraffic. Halos tatlong oras ang byahe bago kami nakarating sa isang bahagi ng Bulacan. Liblib ang lugar, ipinark ko ang sasakyan sa bungad ng gubat.

"Saan banda?" Tanong ko sa dalawa.

Nag aalangan pa silang ituro kong nasaan pagkatapos ng dalawang oras na paglalakad, ay nakarating kami sa gitna ng kagubatan. May malalaking puno akong nakita. Naglabasan ang mga engkanto, at mukhang ang pangit na lalake ang pinakapinuno nila.

"Teritoryo nyo ba to?" Nilingon ko ang dalawa.

"Oo sinakop ni Rakun at binihag ang mga kasamahan namin "

"Hoy kupal ikaw ba si Rakun?" Inis na tanong ko at lumapit ako sa gawi nila. Sinalubong naman ako ng maliliit na engkanto.

"Ako nga, pangahas ka taga lupa? Saan mo nakuha ang agimat mo para makita kami? Sa tingin mo ba kaya mo kami!" Humalakhak ito masakit pakinggan sa tenga .

Sumugod ang mga kampon niyang mukhang tyanak. Inilabas ko ang latigong apoy at sinalubong ko ng hampas ang bawat lalapit sa akin. Hanggang sa maubos ang mga ito. Galit na galit si Rakun. Nilabas ko naman ang espadang apoy.

"Pangahas ka taga lupa!"

"Tsss. Puro daldal." Naglaho ako at lumitaw sa harapan niya. Itinusok ko ang espada sa dibdib niya. Nag liyab ito at nasunog. Walang kahirap hirap, akala ko pa naman kung sinong malakas.

Bumukas ang lagusan sa puno. Pumasok ako roon, kasunod ko ang dalawang engkanto. Mukhang sa lupa nga lang ang mga ito, dahil para lang kaming pumasok sa pinto.

"Maraming maraming salamat." Mangiyak ngiyak na sabi ng dalawa. Nilapitan ko ang mga diwata, awang awa ako sa kalagayan nila. Nanghihina ang mga ito, halatang pinahirapan sila. May mga pasa at sugat ang mga ito. Sinubukan kong gamutin ang mga ito. Gumana naman ang kapangyarihan ko, gumaling ang mga sugat nila.

Natouch ako ng niyakap ako ng matandang engkanto.

"Maraming maraming salamat sa iyo anak, matagal na panahon na kaming naging alipin. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na mamamatay si Rakun." Mangiyak ngiyak na sabi nito.

"Wala po 'yun ang mahalaga ay ok na kayo. Ito nga po pala ang bato, para wala na pong lalapit na engkantong itim sa lugar ninyo."

"Ang bato ng Dyamantes? Paano ka nagkaroon nito. Tanging tagapangalaga lang ng elemento ang may karapatan sa bato na ito."

"Tanggapan nyo nalang po ayoko na magkwento. May pinagdadaanan po kasi ako eh."

"Maraming salamat ulit. Magiging payapa na rin ang aming lugar."

"Sige po aalis na ako. Dadalaw nalang ho ako kapag may time."

Lumabas na ako ng lagusan, sumunod naman ang dalawa.

"Kami nga pala si Dina at Hulyan. Maraming maraming salamat, hindi namin inaasahan ang himala sa araw na to.

"Ako si Andrea, Andrie nalang. Wag na ninyo akong samahan palabas. Kung may problema puntahan 'nyo lang ako." Nginitian ko ang mga ito at naglaho na ako. Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ko silang tulungan.




ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon