Chapter Thirty-Eight

6.2K 192 3
                                    

Hindi ako magkamayaw sa pag-yakap sa mga kaibigan ko. Lalo na kay Ashly, si Lukan naman ay nakaluhod sa tabi ni Theos, habang tahimik na lumuluha. Sising sisi ako, tumayo ako at lumapit kay Lukan.

"I'm so sorry Lukan, kong hindi lang sana ako nangahas na lumaban sa mga konseho. Hindi sana nangyari ang ganito." Tuloy tuloy padin ang pagpatak ng luha ko.

"Andrie huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan, nangyari to dahil sa mga taksil at makasariling konseho. Tumahan ka na." Niyakap ako ni Lukan, ngunit kumalas ako at tumakbo palayo sa kanila.

Narinig ko pa ang pag tawag ni Lukan at Dylan, bago pa sila makalapit ay naglaho ako at dinala ko ang sarili ko sa pinakadulo ng Dyamantes. Napunta ako sa tuktok ng bundok, sa gitna nito ay may-roong napakalinaw na lawa. Umiyak ako ng umiyak, naalala ko ang pag akyat namin sa Mount Paraiso. Ang pag plano namin sa pag punta sa Mount Bulakaw. Ang mga tawanan ng buong barkada, kulitan at kong minsan tampuhan. Ang pagturingan namin
na parang magkakapatid, ang mga masasayang alaala. At ang kunsensyang habang buhay kong dadalhin. Naging mapusok ako, pinairal ko na naman ang talas ng
dila ko. Hindi ko inisip ang maging kakalabasan, hindi lang ako ang nagdurusa ngayon. Si Lukan na nawalan ng kapatid at ang mga mandirigmang engkantado na nakipaglaban. Halos madurog ang puso ko ng makita kong nag iyakan ang mga kabataang diwata. Kong pwede lang sanang ibalik ang lahat, kahit kapalit pa nito ang buhay ko. Gagawin ko  Mapawi lang ang sakit ng kalooban ng mga engkantada at engkantadong nawalan ng mga mahal sa buhay. Mas masakit pa ito kesa sa pagpapakasal ni Dylan kay Vera. Nang mga panahong 'yun akala ko katapusan na ng buhay ko. Pero kahit papaano ang sakit na 'yun ay kaya kong indahin. Ngunit ito kaya ko pa kayang magising kinabukasan? Pero hindi nga ako sigurado kong makakatulog pa ako ng mahimbing sa gabi? Naghangad ako ng kapayapaan ngunit mauuwi lang pala sa karumal dumal na pangyayari. Ang sakit na ng lalamunan ko sa pag iyak, halos wala ng iluha ang mga mata ko.

Pagapang akong pumunta sa lawa para uminum ng tubig. Sinalok ko ng dalawang kamay ko ang tubig at uminum, ngunit biglang nagkaroon ipo-ipo sa lawa. Kinusot ko ang mata ko at tiningnan ito, matagal na nag paikot-ikot ang tubig. Nakabuo ito ng bilog, at pabagsak na pumapasok dito ang tubig galing sa lawa. Para itong sink hole, para namang may sariling isip ang katawan ko. Nagpatihulog ako sa lawa hanggang tinangay ako ng tubig sa butas. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari.

----

Pagdilat ko ay nasa isa akong magarang silid. Bahagya akong nakaramdam ng pananakit ng katawan. Nagulat ako ng may
biglang nagsalita.

"Mabuti naman at nagising kana." Sabi ng isang babae, tanging ang mahabang buhok nito ang nakatakip sa dibdib niya. Mahaba naman ang saya nito.

"Nasaan ako?" Takang tanong ko.

"Ang aming pinuno na ang makipag usap sayo, tatawagin ko muna siya." Ngumiti ito bago umalis.

Iginala ko ang aking paningin, madaming design ang kwarto. Iba't ibang uri ng corals. May makukulay
at maliit na bato ang nakadikit sa wall. Pag galaw ko ay para akong idinuduyan sa sobrang lambot ng kama. Para itong water bed, hindi kaya nasa ilalim ako ng dagat?

"Shunga ka talaga Andrea, may waterbed din sa lupa no! Ang huling naalala ko ay nahulog ako sa sinkhole. Tapos wala na akong matandaan.

"Gising kana pala Andrea?!" Sabi ng isang babae. Maganda ito at mukha itong diwata.

"Bakit mo alam ang pangalan ko?" Nagtatakang tanong ko.

"Kasi tanging ikaw lang ang pwedeng makapasok sa lagusan na ginawa ko sa lawa. Mukhang magang maga ang mga mata mo? Umiyak ka ba?" Tanong nito.


Hindi ko sinagot ang katanungan niya. Naalala ko naman ang nangyari. Bumigat bigla ang pakiramdam ko.

"Ako si Ditana, nandito ka ngayon
sa ilalim ng dagat. Sa akin ipinagkatiwala ng iyong ina ang elemento." Malungkot na sabi nito, mababakas sa kanyang mukha ang mapait na alaala.

Ibang iba naman ito sa Ditana na naiimagine ko dati. Ang akala ko ay mukha itong bruha at nakaitim na damit. Ngunit ang kaharap ko ay napakaganda at mukha pa itong bata. Halos kaidaran ko lang ang mukha nito.

"Ikaw pala si Ditana?" Gulat na tanong ko, ayun kay Marduko ay tapat ito sa aking ina. Napaka swerte nito dahil nakasama niya ang aking ina.

"Ikinalulungkot ko ang nangyari Andrea, sa paglipas ng mga taon ay dala dala ko parin ang kalungkutan. Napakabait ng iyong mga magulang, patas sila sa lahat ng bagay."

"Salamat sa pag aruga mo sa ina ko." Niyakap niya ako, yumakap din ako sa kanya at umiyak ng umiyak.

"Ano na ang nangyari sa Dyamantes Andrea, alam kong nanggaling ka doon dahil sa lagusan."

"Patay na si Theos at ang mga kaibigan ko pati na rin ang mga mandirigma sa Dyamantes. Dahil sa nangyaring labanan sa pagitan namin ng mga mga konseho at ni Haring Petre kasama ang anak niyang si Vera. Patay na rin silang lahat, ang inaasam kong kapayapaan ay nauwi sa wala." sabay atungal ko ng malakas.

"Huminahon ka Andrea, kumpleto pa ba ang tatlong elemento? Maliban sa elemento ng tubig?!"

"Oo, ngunit wala na itong silbi!" sabay pahid ko ng luha.

"May pag-asa pa Andrea hindi pa huli ang lahat. Humingi tayo ng tulong sa Bathala ng Dyamantes. Ngunit kailangan muna nating mabuo ang apat na elemento." puno na pag asa na sabi ni Ditana.


ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon