Chapter Ten

8.9K 308 8
                                    

Natuwa kami ng makita namin  si Dylan, ngunit bigla din akong nalungkot. Nasan na kaya ang tatlong bugoy? Kinuha nga pala si Pat, at Max ng puno. Si Jeff, 'nong tumakbo kami ay nakikipaglaban pa ito. Bakit si Dylan lang ang nag-iisang naglalakad ngayon?

"Nasan sila Jeff? Si Pat. at Max?" Agad na tanong ni Ashly.

"Mabuti naman sila, hinihintay nila tayo. Buti nakita ko kayo." Sagot ni Dylan.

"May sugat ba sila?" Sobrang pag aalalang tanong ko.

"Hindi naman malala, malapit lang sila dito." Sagot niya, nakahinga naman ako ng maluwag.

Nakaka turn off naman 'tong lalakeng to, nakita na ngang paika-ika akong maglakad. Hindi manlang kinuha ang bag namin. Matinde, hindi kami kinamusta?

Paano kayo nakaligtas sa mga puno Dylan?" Tanong ni Ash., sabay tingin niya ng makahulugan sa akin.

"Nakipag laban kami, nagapi namin ang kanilang pinuno." Sagot niya, hindi ito lumingon sa amin.

"Buti naman nakita mo kami? Malayo din 'tong narating namin." Kaswal na sabi ko.

"Sinikap kong mahanap kayo, s'yempre sa tagal na nating magkaibigan, pababyaan ko ba naman kayo?" Sagot niya.

Nag katinginan kami ni Ashly. Matagal na daw namin siyang kaibigan? Shit! Very wrong. Hindi siya si Dylan. Sabi ko na ba, 'eh! Sa una palang nakakaduda na.

Naramdaman kong kinurot ako ni Ashly. "Dylan, ang sakit na ng paa namin, sila nalang ang papuntahin mo dito, pwede? Hindi na namin kayang maglakad." Sabi ni Ashly.


Lumingon ito sa amin. "Diyan lang sila, sa likod ng punong 'yon." Turo niya sa mga dalawang daang metrong layo ng puno.

"Liar!!! Sabay kuha ni Ash ng balisong, na naka suksuk sa sapatos niya. Dinampot ko naman ang isang kahoy.

"Bakit?" Maamo ang mukha na tanong niya?

"Your not Dylan! F~ck you!!" Gigil na sabi ni Ash.

Ngumisi ito. "Paminsan-minsan pala guamagamit din ng utak ang mga tao." Tumawa ito ng nakakakilabot.


"Of course!! Huwag mong insultuhin ang human being! Kayo ang walang puwang dito sa mundo. Nakatapak ka sa lupa na ginawa para sa tao. Para sa mga bagay na nararapat sa mundong ibabaw!" Galit na sabi ko.

BINULABOG NIYO KAMI!! Nag iba ito ng anyo, naging isa itong hunyango.

"Hoy! Hunyango, wala kaming ginagawa sa'yo ha. Saan 'nyo dinala ang mga nawawalang tao dito?"


GAGAWIN NAMIN KAYONG MGA ALIPIN! SAYANG, MAY MADADALA NA SANA AKO SA AKING PINUNO. galit na sabi ng hunyango.


"Kapal ng mukha mong hunyango ka." gigil kong sabi." Hinubad namin ang mga bag namin.

"Subukan mong lumapit!! Sabi ni Ash.

Tumawa ang Hunyango. Bigla itong naglaho. Naramdaman ko nalang na may sumipa sa likod ko, bumagsak ako sa lupa. Ganun din ang ginawa niya kay Ash. Dahil pareho kaming naghihina ay wala kaming nagawa.

----

Tinitiis ko ang sakit at hapdi habang hila-hila kami ng baging. Nang biglang may lumiwanag. Pag angat ko ng tingin, nakita ko ang isang lalakeng may pakpak. Maputi ito, nakakasilaw din ang kaputian ng kanyang damit. Ginto ang kulay ng kanyang buhok, nakasakay siya sa kabayong puti. Agad siyang bumaba, at may isinaboy  sa unahan namin.


Lumitaw ang hunyango. Nahintakutan nitong ipinang sanggalang ang mga kamay sa kanyang mukha.

ILANG BESES KO NA KAYONG PINAGSABIHAN! HUWAG NINYONG PAKIALAMAN ANG MGA TAGA LUPA! Sabi niya, may lumabas na kidlat sa kamay niya. Nagsisigaw ang Hunyango ng tamaan ito, hanggang sa tuluyan itong maglaho.

"Sino yan?" Nakatulalang tanong ni Ash, hindi kami gumagalaw.

Kong ano ang posisyon namin kanina ng bitawan ng hunyango ang baging, ay ganun parin kami hangang ngayon.

Pesting hunyango na 'yon. Para kaming latang tinalian at pinahila sa sasakyan.

Itinapat niya ang kanyang kamay sa amin, may lumabas ditong asul na liwanag. Naramdaman kong natanggal ang nakatali sa amin na baging. Parang bigla akong na-recharged, bumalik ang lakas ko. Nawala ang pananakit ng katawan ko, pag tingin ko wala na ang mga sugat namin.

"Engkanto ka ba? Salamat ha, kong hindi ka dumating baka naging hapunan na kami ng hunyango." Sabi ko, ngumiti ako sa kanya. Maamo at ka aya-aya ang kanyang mukha.

"Salamat sa pagligtas at pag gamot mo sa amin." Tulalang sabi ni Ash. mukhang kinupido ito ng engkanto.

"Mabuti naman at nagkita ulet tayo. Ako nga dapat ang magpasalamat sa inyo." Ngiting ngiti na sabi nito sa amin.


"Huh! Baket?" Tanong ko.


"Ako ang ibon na niligtas at inaalagaan ninyo. Nagapi ako noon sa labanan. Ginawa nila akong ibon at binalian ng pakpak. Sinadya nilang itali ang paa ko sa baging. Nang gabing mabawi ko ang aking lakas ay umuwi ako sa aming kaharian. Pero hinding hindi ko makalimutan ang ginawa ninyong magkakaibigan sa akin." Sabi niya.


Tulala kami ni Ashly. Kaya pala lakas makakonek nito kay Ash, dahil ito pala ang baby bird niya.

"Alam kong naguguluhan kayo, nasa mundo kayo ng kababalaghan. Nasaan na nga pala ang mga kaibigan ninyo? Para naman kaming nagising ng marinig namin ang tanong niya.

"Kinuha sila ng mga taong puno." Naiiyak kong sagot.

"Kailangang mabawi natin sila bago lumubog ang araw. Dahil kong hindi ay matutulad sila sa mga taong basta nalang naglaho. " Sabi nito.

"Ibig sabihin sila ang nangunguha sa mga nawawalang tao?" Kinilabutan ako, mukhang malulupit pa naman ang mga ito. Naisip ko ang anak ni Tata Dario at kapatid ni Dylan.


"Sila nga! Kailangan na nating mag madali, magpapatawag ako ng hukbo!" Sabi niya sabay ihip ng mensahe sa hangin.














ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon