Chapter Eight

9.6K 317 6
                                    

Katatapos lang namin mag tanghalian, nagpasya muna kaming magpahinga. Halos kalahating araw na rin kasi kaming naglalakad. Nakabukas ang tent namin ni Ashly. Tulog na naman ito, katabi ang ibon na tulog din ng tulog.

Bumangon ako at lumabas, hindi naman kasi ako inaantok, bahagya kong sinilip ang tent ng mga bugoy. Napansin kong wala si Dylan, at mukhang naka idlip na rin ang tatlo.

Luminga linga ako sa paligid, wala na rin ang mga nilalang na nakita ko kanina sa taas ng falls.

Wari ko ay isang daang metro na ang nilakad ko, nakarinig ako ng parang may nagpuputol ng puno. Pinuntahan ko ang pinanggagalingan ng tunog, pag hawi ko ng halaman ay nakita ko si Dylan..

Dylan? tawag ko! Bahagya itong nagulat.

"Oh, bakit hindi ka umidlip?" Tanong niya.

"Hindi ako inaantok. Ikaw?"

"Hindi ako sanay matulog sa tanghali, 'eh." Sagot niya, gumagawa ito ng sibat na kawayan. Lumapit ako sa nakatumbang puno, at naupo.

"Saglit lang ha?" Paalam nito.

Tumango lang ako at sinundan ko siya ng tingin. Sumuot ito sa mga halamanan. Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng lagabog. Bigla akong napatayo at tumakbo sa gawi niya.

"Kala ko kong ano na!" Sabi ko. Buko lang pala ang kinuha niya. Napansin kong mababa ang puno ng buko. Dinampot niya ito at binitbit.

"Hali ka, doon tayo!" Yaya niya sa pinanggalingan namin, bumalik ulet ako sa pwesto ko. Habang binibiyak niya ang buko.

Malamig at matamis ang sabaw ng buko. Agad ko namang nilantakan pati ang laman.

"Favorite mo?" Tanong niya.

Tumango lang ako. "Sa tingin mo malayo pa ang bundok? Kahapon pa tayo naglalakad, 'eh!"

"Nakakapag taka nga, kung titingnan mo ang bundok sa labas ng gubat. Mukhang malapit lang ito." Sagot niya. "Kamusta naman ang tulog mo kagabi?"

Ang sharap. Hehe napanaginipan kasi kita!! Tapos may super powers tayo! Ang cool no!? *Imagination mode*

"You okay?" kunot noóng tanong niya.

"Ahmm sorry. Ok lang, takot na takot nga kami kagabi. Ano kaya 'yung tumatakbo?"

"I think, it's a black horse!" Sagot niya.

"Mahaba siguro leeg." Dugtong ko.

"With a thick black hair!" Sabi niya naman.

Nabitawan ko ang buko. Tumama ito sa paa ko. Masakit, pero hindi ko ito pinansin. "Huh? Pa'no mo nasabi?" Intense na tanong ko.

"Of course! In horror movies, diba ganon naman lagi itsura nila?"

Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko pareho kami ng panaginip, kinarir ko pa naman ang pagiging leading lady ko.

Ouchh.. ang sakit ng paa ko ha!!

"Sabagay!" Muntanga kong pagsang-ayon sa sinabi niya.

----

Mag-gagabi na, bakit hindi parin tayo nakakarating sa bundok? Mali kaya ang direksyon na tinatahak natin?" Tanong ni Max.

"Oo nga pare,wala naman tayong choice kundi magpatuloy sa paglalakad." Kibit balikat na sagot ni Dylan.

As usual naghanap na naman kami ng paglalatagan ng tent para magpalipas ng gabi.

"Doon tayo." Turo ni Patrick sa medyo maluwag na space. Sumunod naman kami sa kanya.

"Kong gusto 'nyo ng lumabas sa gubat bukas, ok lang sa akin. Baka mapahamak pa kayo dito." Sabi ni Dylan habang kumakain kami ng dinner.

Nagkatinginan muna kami. Sa tingin ko wala namang gustong umuwi. Kabisado ko ang likaw ng bituka ng barkada ko!

"Pare, hindi ka namin iiwan dito. Tutulungan ka namin na mahanap ang kapatid mo." Sabi ni Patrick. Sumang ayon naman kaming lahat.

"Salamat ha! Inaalala ko lang kasi ang safety nyo."

Wala 'yon pare." sabi ni Jeff. Sa tingin ko ay magka close agad ang mga ito. Matanda lang si Dylan ng halos dalawang taon kay Jeff, twenty six na kasi ito. Hindi naman nag kakalayo ang mga edad namin.

Nakahiga na kami. Naririnig kong nag kwekwentuhan ang tatlong lalake sa kabila. Si Patrick at Ashly naman ay ganun din. Habang ako tahimik lang na nakikinig sa kanila.

"Guys nananaginip din ba kayo ng weird things sometimes?" Tanong ni Patrick. Napadilat ako at napatingin ako sa gawi niya.

"Oo naman, minsan. Naku huwag mo ng tanungin si Andrie, lagi yan nanaginip ng kung ano-ano?!" Sagot ni Ashly.

"Ano naman napanaginipan mo?" Interesadong tanong ko.

"Hmmm- weird eh. Simula nong bata ako, may mga tao akong napapanaginipan na hindi ko naman kilala." Sagot niya.

"Normal lang siguro yan, kahit ako din naman ganun. Hindi ko nalang pinapansin kasi weird!" Sabi ni Ashly.

"Siguro nga!" Sang-ayon ni Patrick.

Malalim na ang gabi, pero hindi gaya ng nakaraang gabi na nakatulog agad ako. Tulog na tulog na ang dalawa. Kahit ang mga nasa kabilang tent, ay mukhang tulog na rin.

Paiba iba ako ng posisyon. May titihaya, tatagilid, at dadapa pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Pinikit ko nalang ang mata ko. Papatulog na ang diwa ko..

Andreaaaa---- narinig ko ang malamyos na tinig. Tapos nakakarinig ako ng magagandang saliw ng musika, mukhang nagkakasiyahan...

Sumasayaw kami sa magandang saliw ng musika, ginala ko ang aking paningin sa bulwagan. Napaganda nito, mukha itong isang kaharian. Ngunit tanging ang mukha lang ng kasayaw ko ang naaaninag ko! Si Dylan...

Tumigil ang magandang tugtog, napalitan ito ng hiyawan, tilian, at takbuhan.. Hinila ako ni Dylan at tumakbo palabas, pag tingin ko ay may isang hukbo na paparating..!













ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon