Chapter 6: Frozen Zero

1.7K 45 0
                                    

-Zeryll Rhea/ Frozen Zero's POV-

"A-amber.. Anong nangyari?" Napabaling ang tingin ko sa kakapasok na si Lucas. Agad na kumulo ang dugo ko dahil tinawag niya ako sa pangalan na hindi akin.

Tiningnan ko siya na puno ng talim at nagsalita..

"I am no Amber.. I am Frozen Zero.." Malamig kong sagot sa kanya. Nakita ko ang malaking pagkagulat at pangamba sa mukha niya..

"A-amber.."

"I said I'm NOT Amber, so stop calling me with that name!" Sigaw ko sa kanya sabay padabog na tinanggal ang dextrose na nakakabit sa kamay ko at tumayo na sa kama.

"M-mommy? Are you two fighting?"

Napalingon ako sa batang katabi ni Lucas. Nanlambot ang puso ko ng makita ang nagbabantang luha sa mata niya.

"N-no, baby.. We just had a little misunderstanding, everything will be fine.." Alo niya kay Farah.

"Is that true, mommy?" I sighed and calmed myself.

"Y-yes, baby.." Sagot ko at ngumiti sa kanya.. Agad naman lumiwanag ang mukha niya at yumakap sakin..

"Careful, baby.. You might touch your mommy's wound.." Saway ni Lucas sa kanya.. Okay lang naman na yakapin ako ni Farah kasi di naman niya abot ang tiyan ko, hanggang bewang ko lang kasi ang taas niya kaya hita ko lang ang nayakap niya.

"I'm so worried of you, mom." Malambing na sabi ni Farah kaya binuhat ko siya at inupo sa hospital bed saka tumabi ako sa kanya.

"No need to worry, baby.. Mommy is very fine." Sabi ko at hinagod ang curly hair niya..

"Pwede ka na daw i-discharge ngayon kaya magliligpit na ako sa mga gamit.." Saad ni Lucas at kinuha ang maliit na maleta sa ilalim ng hospital bed..

Hindi nagtagal ay nakalabas na kami ng hospital at nakarating na sa bahay.. Dumiretso agad si Lucas sa kwarto namin habang ako ay hinatid ko pa si Farah sa kwarto niya..

"Mommy.." Tawag ni Farah sakin nang lalabas na ako ng kwarto niya kaya napalingon ako sa kanya.

"I love you, mom. Goodnight." Then she gave me her flying kiss. Automatic naman na gumalaw ang kamay ko na parang may hinuli sa hangin.

"I got your kiss, baby.. Sweet dreams, I love you, too." Saka na ako lumabas ng kwarto.

We always do that every night when I tuck her in bed. Bibigyan niya ako ng flying kiss at sasaluhin ko naman.

Siguro mami-miss ko ang bagay na'yun kapag umalis ako dito. Dahil sa simula palang ay hindi ako kasali sa pamilya na'to.. Sampid lang ako dito.

Pumasok na ako sa kwarto namin ni Lucas at nakita ko siyang naka-upo sa paanan ng kama na para bang hinihintay ako.

Ang galit na naramdaman ko kanina ay unti-unting humupa nang makita ko ang lungkot at takot sa mga mata niya..

Bakit ka ganyan, Lucas? Para saan ang lungkot at takot na nakikita ko sa mga mata mo? Nalulungkot ka ba na naalala ko na ang lahat? Nalulungkot ka ba na malaman ko ang tunay ko na pagkatao?

"Let's talk about everything." Simula ko at umupo sa katapat na couch sa bed namin.

"I'm sorry." Sabi niya sa mahinang boses.

"I know from the start na magagalit ka once na malaman mo ang lahat na kasinungalingan ko." Dagdag niya.

"Bakit mo ginawa yun?" Blankong tanong ko sa kanya.

"Nagawa ko lang naman ang lahat na'yun para sayo.. Lahat ng yun ay para sa ikakabuti mo." Sagot niya. Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko.

"Are you trying to say na dapat lang ang ginawa mo? Para sa kaalaman mo, Lucas! Niloko mo ako! Bakit di mo sinabi na magkasama tayo sa battle na'yun? Bakit mo inilihim ang lahat?!" I can't control my anger to burst. I've wasted my 4 years inside the corner of this house.

TGA: The Lost Ultimate Hacker AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon