Chapter 17: New Daddy

940 30 2
                                    


"Mommy, look! I got three stars today." Masayang balita sakin ni Farah.

"Wow! My baby is very good! That's excellent sweetie."

"Can I have my prize now, mommy?" Tanong niya at talagang nag-puppy eyes pa.

I chuckled and give her butterfly kisses all over her face.

"Mmm.. Later, sweetie. I'll buy you a lot of ice cream." Sagot ko habang nakayakap sa kanya.

"YEHEY! Thank you, mommy. You really are the best. Mwah!" Sabay bigay sa akin ng isang matunog na halik.

"Everything for you, sweetie. Now go to your room and change your clothes. Hintayin mo si mommy dun ha? I have to talk first to you titas then we'll go buy you an ice cream."

"Roger that, mommy." Sagot niya sakin sabay saludo bago kumaripas ng takbo.

"That kid." Natatawang napa-iling nalang ako habang naglakad papunta sa conference room.

"Good that you're now here." Bungad agad sakin ni Xyrene.

"May problema ba?" Tanong ko sabay upo sa katapad na upuan.

"Kelan mo balak gawin ang mission mo sa Goddi Mafia?" Imbes na sumagot ay tanong niya ulit.

"Tomorrow. I need to secure Farah first."

"Dalawang linggo na ang lumipas sa nangyari, Zeryll. Wala ka nang dapat ipag-alala dahil mas hinigpitan na ang security team ngayon. At saka tinurukan narin ng Anti-H Vaccine ang lahat ng Knights."

Anti-H Vaccine ay para panguntra sa mga hypoticor any drug that causes someone to sleepy. It was invented by Nyx para maiwasan narin ang nangyari sa party ni Farah.

"Alam ko naman yun, Xyrene. Just give me today then I'll do that tomorrow." Sagot ko.

"Alright."

Lumabas na ako at binalikan si Farah sa kwarto.

"Let's go, sweetie." Aya ko kay Farah. Bibo naman siyang sumunod sakin papuntang parking lot.

Ilang sandali lang ay nasa ice cream parlor na kami. Unang pumasok si Farah habang nakasunod lang ako sa kanya. Pinili niya ang pwesto na malapit sa glass wall kung saan kita ang labas.

"What flavor do you want, sweetie?" I asked while looking at the menu.

"I want chocolate, mommy. Then strawberry. Okay lang ba, mommy?" Tanong niya na may mga kispal sa mga mata.

"Sure, sweetie. But promise me that you'll brush your teeth after."

"Roger that, mommy." She answered and winked at me.

I chuckled softly at her then ordered her request. Bumalik narin ako sa table namin pagkatapos.

"Tito handsome!" Biglang sigaw ni Farah na nakatayong kumakaway habang nakatingin sa may bandang likod ko.

Napakunot-noo naman ako. Bakit ba naman kasi nakatalikod ako sa may entrance. Pumihit ako paharap sa taong tinawag ni Farah and to my surprise, it's Crimson.

Nakangiti pa ito kay Farah habang naglalakad palapit sa amin saka bumaling ang tingin niya sakin at bahagyang tumango saka ibinalik ang tingin kay Farah.

"Hi, tito. Are you going to eat an ice cream, too? Is that why you're here?" Tanong ni Farah dito nang makalapit sa table namin.

"Yes, sweetheart. Kayo ba?" Malambing naman na sagot ni Crimson sa bata.

"Mom treat me because I got three stars in school. Why not join us, tito?" Offer ng bata kay Crimson. Pakiramdam ko ay nanigas ako sa kina-uupuan ko.

TGA: The Lost Ultimate Hacker AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon