TGA is not a legal goverment agency nor a private agency. It is one of those agencies or unions that belongs to the Underground.Kung nagtataka kayo kung bakit kilala ang TGA Mansion sa France, well, kilala ang naturang mansyon dahil sa napakalaki at napakalawak na lupa na kinatitirikan ng mansyon. Walang kasinglaki at lawak ang mansyon sa buong France kaya hindi nakapagtataka na kilala ito.
Ang pangalan nito ay hinango sa kay THEO GEORGE AETHER, kaibigan ng ninuno ni Charlie Thompson na si Chris Thompson.
Si Theo George Aether ang pinuno ng grupo, siya ang nagtayo at nagbuo ng samahan ngunit wala pang pangalan ang grupo noon. Itinayo niya ang grupo sa kagustuhang makapaghiganti sa mapait na karanasang ipinamalas ng isang babae sa kanya.
Sa hindi pa man nasimulan ang grupo, isang simpleng binatang bilyonaryo lamang si Theo George Aether na naninirahan sa bansang France.
Bilang naturang bilyonaryo ay maraming nagbabanta sa buhay niya at isang araw ay may dumukot sa kanya.
Dinala siya ng mga ito sa isang isolated na isla at puro kababaihan lamang ang naroon maliban sa mga kasamahan niyang lalaki na katulad niyang bihag rin. Nalaman niyang nasa lungga pala sila ng isang kulto o samahan na pinapatakbo ng mga kababaihan na ang layunin ay ubusin ang mayayaman at makapangyarihan o maimplewensyang kalalakihan sa mundo. Nang sa ganun ay maipakita nila na ang mga kababaihan ang dominante. Kabaliwan ngang matatawag yun.
Nagtagal sila roon ng ilang linggo at puro hinagpis ang kanilang naranasan. Pagbubugbog at pang-aalipin. Hindi nila magawang lumaban dahil hindi biro sa lakas at liksi ang mga babaeng naroon. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabihag ang kanyang puso sa isang mandirigma ng islang iyon. Siya rin ang babaeng dumukot sa kanya. Ang pangalan niya ay Astraea. Isang magandang dilag si Astraea, kapatid ng pinuno ng kulto at siya ang leader ng mga mandirigma. Si Astraea mismo ang naghahatid ng pagkain sa kanilang mga bihag kaya araw-araw niyang nakikita ang dalaga. At sa araw-araw na iyon ay hindi na niya natikis ang sarili na mahalin ang dalaga. Ipinagtapat niya ang nararamdaman sa dalaga at hindi niya inaasahan na tutugunin nito ang kanyang nararamdaman. Nagmahalan si Astraea at Theo ng lingid sa kaalaman ng lahat maliban kay Chris na bihag rin ng kulto at kaibigan ni Theo.
Isang gabi ang dumating, ang gabi ng pag-aalay. I-aalay ng kulto ang mga bihag na mga lalaki sa kanilang kinilalang diyos para sa kapalit na lakas. Sa gabi rin na iyon ay nalaman ni Astraea na nagdadalang-tao siya at si Theo ang ama. Natatakot siya sa maaaring kahinatnan niya at ni Theo lalo na ng bata kaya nagpasya silang dalawa na tumakas sa islang iyon. Sa daan ng kanilang pagtakas ay nakasalubong nila ang kapatid ni Astraea, ang pinuno ng kulto.
Nalaman pala nito ang patagong pakikipagrelasyon ng kapatid sa isang bihag. At naka-abot rin sa kanya ang planong pagtakas ng mga ito. Napilitang lumaban si Astraea, Theo, at Chris laban sa mga mandirigma na nakaharang sa kanila ngunit walang-wala lamang ang dalawang lalaki sa mga kababaihang ito. Ilang sandali ay bagsak na ang dalawa habang patuloy sa pakikipaglaban si Astraea, ngunit ang lahat ay may hangganan. Naubos ang lakas ni Astraea, napagod siya, at yun ang ginamit na sangkap ng mga kalaban para atakehin siya. Kahit na bugbog na ang tatlo ay nagawa pa nilang maki-usap na umalis dahil nagdadalang-tao si Astraea. Sa halip na sila'y palayain ay kamatayan ang iginawad sa kanila.
Unang papatawan ay si Astraea dahil sa pagtataksil na ginawa nito sa kulto. Inihiga si Astraea sa isang mahabang mesa at nakatali ang leeg, dalawang kamay at paa. Tanging pang-ilalim na saplot lamang ang suot. Si Theo naman at si Chris ay nakaluhod at nakatali ang buong katawan na nakaharap kay Astraea.
Sa mismong harap nila sa gabing iyon, brutal na hiniwa ang tiyan ni Astraea at dinukot ang munting fetus saka iniharap kay Theo. Ngunit hindi pa nakuntento ang mga kababaihan, dinukot rin nila ang puso ni Astraea na ikinasanhi ng kamatayan nito.
Isa iyong malaking bangungot para kay Theo. Namatay ang kanyang anak at kabiyak sa pinakabrutal na paraan. Hindi maampat ang luha niya sa gabing iyon. Tila siya ay kinunan ng buhay at kaluluwa.
Wala ng maramdamang sakit si Theo matapos ang nasaksihan kahit na patuloy parin sa pangbubogbog ang mga kababaihan. Wala siyang ibang ninais kundi ang mamamatay narin upang makasama ang mahal.
Ngunit hindi siya pina-unlakan ng tadhana. Matapos ang pambubogbog sa kanila hanggang sa mawalan sila ng malay tao ay itinapon sila sa gitna ng karagatan. Hindi pa yata siguro sila nasundo ni kamatayan dahil nagawa pa nilang mabuhay matapos ang lahat ng yun. Buhay silang natagpuan ng isang mangingisda. Tinulungan sila nitong magpagaling at bumalik sa France.
Hindi nawala sa dibdib ni Theo ang galit at poot dahil sa nangyari sa kanyang mag-ina. Nagawa niyang ipahanap ang lungga ng kultong iyon.
Nagawa niyang mag-ensayo sa paglaban, sa paggamit ng iba't ibang armas. Ginamit niya ang galit para matuto ng lubos at maging malakas. Kasabay niyang natuto si Chris na naging kaagapay niya sa lahat. Batid ni Chris ang sakit na pinagdaanan ni Theo kaya di niya magawang iwan ang kaibigan.
Napasok sila sa iba't ibang klase ng labanan at mga illegal na gawain. Doon na nagsimula ang samahan.
Lumipas ang isang taon ay napakalawak at napakalakas na ng impluwensya ng samahan. At dahil doon ay nagdesisyon si Theo na magbalik sa isla para maningil sa buhay ng kanyang mag-ina. Nagtagumpay siya sa laban na iyon. Ngunit ang akala ng lahat na tapos na ay hindi pa pala.
Naghiganti ang mga kababaihang sakop ng kulto na nadestino sa isla sa kabilang panig ng mundo. Yun ang laban kung saan binawian ng buhay si Theo George Aether.
Labis ang hinagpis ang naging dulot non kay Chris. Nawalan siya hindi lamang ng isang kaibigan kundi kapatid at tanging pamilya. Naiwan siyang mag-isa na lamang dahil maliban sa ulilang lubos na siya ay nawala pa sa kanya ang matalik na kaibigan na si Theo.
Nasalin ang lahat ng kayamanan ni Theo kay Chris kasama na dun ang samahan na tinayo nito dahil iyon ang nakasaad sa habilin nito. Si Chris na ang tumayong pinuno at pinangalalanan niya ang grupo na TGA na kinuha niya sa inisyal ng kaibigan.
Ipinaghiganti niya ang kamatayan ng kaibigan at simula noon ay walang humpay na paghihiganti ang nangyari sa dalawang panig hanggang sa salin lahi patungo sa kasalukuyan.
Sa taong 1984, isinalin ni Chris ang samahan sa nag-iisang anak na lalaki na si Charles Thompson. Sa taon rin na iyon ay namatay si Chris sa pagitan ng laban sa Nemesis.
NEMESIS ang tawag nila sa kulto ng mga kababaihan na kumitil sa buhay ni Astaea, Theo, at sa anak ng dalawa.
Nagpatuloy ang paghihiganti ng dalawang panig. Pagdating sa taong 2002 ay nasawi sa labanan si Charles kasama ang ilang kasamahan nito laban sa Nemesis.
At sa taong iyon ay nalipat ang pangangalaga ng TGA kay Charlie Thompson. Ang nag-iisang anak na lalaki ni Charles at nag-iisang apo ni Chris.
Sa pagdaan ng panahon ay mas lumawak ang kapangyarihan ng TGA. Mas naging matatag sila. At kasabay non ay ang paglagas ng mga membro ng Nemesis.
Magpahanggang ngayon ay hindi parin napapanatag si Charlie hangga't may isa pang membro ng Nemesis ang nakatayo.
Nagpatuloy ang mga illegal na gawain ng grupo at lumawak ito sa buong mundo, kinatatakutan rin sa Underground Society bilang at wanted sa lahat ng goverment agency lalo ng CIA at Interpol.
BINABASA MO ANG
TGA: The Lost Ultimate Hacker Assassin
PrzygodoweAfter that tragic war, she was no longer found and was declared dead. She was dead to the eyes of many, but she still exist. She just woke up one day remembering nothing and surprisingly she already had a husband and a child. Could this be true or j...