Chapter 21: Slate Meets Nyx

809 17 5
                                    


Maaga akong umalis sa condo at nagtungo sa TGA Mansion. Nag-iwan narin ako ng note para kay Summer sa mga bilin ko sa kanya at kay Farah.

"Glad you're back." Bungad sakin ni Nyx pagkarating ko sa TGA Mansion.

"Yeah. How's my jet?" I asked habang naglalakad papasok sa underground parking lot kung saan nandun nakalagay ang mga planes and different kinds of land vehicles.

"It's waiting for its pilot." Nakangiting sagot niya sakin habang sinasabayan ang lakad ko. "Mag-ingat ka ha? Umalis ka na buo kaya babalik ka na buo. Understand?"

"Yes, Frost!" Nangiting sagot ko at bahagya pang sumaludo sa kanya. "Saan ba ang misyon mo ngayon? Di na kasi kita halos makita dito, palagi kang lagalag."

"Galing pa akong Pinas, dinalaw ang mga Croft at Davids. Nangangamusta nga pala si Blaze. Saka malaki na din si Wade, marunong ng maglakad."

"Ganun ba. Hayaan mo, makakadalaw din tayong kompleto dun. Nyx, baka sakaling matagalan akong makabalik, kayo muna ang bahala kay Farah, kasama naman niya si Summer sa condo." Paki-usap sa kanya ng marating namin ang underground parking lot.

"Don't worry, magpapadala ako ng mga Knights sa condo para magmanman at magbantay. Undercover mission kumbaga. Haha."

"Thanks. I think I have to go. Bye!" Paalam ko saka pumasok na sa jet.

Inilibot ko ang tingin, nandito na ang lahat na gagamitin ko. Kelangan ko ng tapusin ang laban ko sa kanila. Masyado na silang naging sagabal sakin.

x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x

- Triton Slate's POV -

Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Dinampot ko ang cellphone sa bedside table kaya napadako ang tingin ko sa digital clock na nandun. Alas nuebe na pala ng umaga.

"Hello?" Bungad ko sa tawag. Hindi ko na natingnan kung sino.

"Hijo.. Kamusta ka na dyan?" Si ninong pala.

"Okay naman po. Kayo po dyan?" Sagot ko sa kanya.

"Mabuti kong ganun. Ayos lang kami dito. Wag mo na kami alalahanin dito, sarili mo dyan ang isipin mo. By the way, kumusta na ang pinunta mo dyan? May progress na ba?"

"Wala pa po, ninong. Masyado kasing mailap eh. Pero bigyan niyo lang po ako ng panahon, malulutas ko rin 'to. Kakasimula pa lang po kasi ng mga hakbang ko."

"Kung ganun ay sige, pagbibigyan kita. Pero gaano ba katagal? Hindi naman kasi pwede na magtagal ka pa dyan ng sobra. Nakatambak ang trabaho dito at marami ka pang kriminal na huhulihin."

"Naiintindihan ko po, masyado ng malaki para sa akin ang isang buwan, ninong."

"Siguraduhin mo lang. Baka naman kasi namamasyal ka lang dyan, hijo? Isipin mo na trabaho ang ipinunta mo dyan at hindi bakasyon."

"Ikaw talaga, ninong... Alam ko naman po iyon. Sige na po, kelangan ko na magpa-alam."

"Sige. Mag-iingat ka dyan. Delikado ang grupong tinututukan mo ngayon. Tawagan mo kami kung anong mangyari."

Ibinaba na ni ninong ang linya. Pumasok na ako sa banyo para mag-ayos at ilang sandali lang ay tapos na akong maligo at magbihis.

Lumabas na ako sa hotel na tinutuluyan ko saka sumakay sa kotse ko. Dumaan muna ako sa bakeshop para bumili ng pizza na dadalhin ko papunta sa condo nila Zeryll ngayon.

Nasa kabilang kanto lang naman ang condo na tinitirhan nila Zeryll kaya hindi masyadong matagal ay nakarating na ako. Nagdoorbell ako sa pinto nila at bumungad sakin ang walang kangiti-ngiting mukha si Summer.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TGA: The Lost Ultimate Hacker AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon