CHANEE MCFADDEN
ALFARO MEMORIAL COLLEGE
Year 2018
August 2018, flashback
Dalawang semester nalang... Dalawang semester nalang at makakapag-tapos na rin ako sa kolehiyo...
Jeez, nakakapagod talaga minsan mag-aral kapag sinusumpong ka ng katamaran.
Mabuti nalang at andiyan si crush HAHA siya lang talaga rason kung ba't ako nagkakaroon ng siglang pumasok araw-araw.
"Psst.." tawag sa'kin nang kung sino
Hindi ko na pinansin dahil alam ko naman kung sino yang mga yan
"Grabe pa peymus ang ulopong Jed oh at ayaw tayong pansinin." sabi ni Carlyn na biglang sumulpot sa tabi ko kasabay ni Jedrick
"Wala ka ata sa mood ngayon, Chaun?" tanong ni Jed sabay akbay sa'kin
"Tsk! Kulang nga ako sa tulog kaya wala ako sa mood pumasok ngayon." sagot ko sa kanya
"Ows hindi mo pa kasi nakikita si Vitamin Crush mo kaya ang tamlay mo." pang-aasar ni Carlyn
"Sira.! Puro ka kalokohan.."
Si Carlyn at Jedrick, ang dalawang nerd friends ko. Naging tropa ko ang dalawang 'to mula noong first year college. Kami lang ata tatlo ang nerd na hindi na bu-bully. At kami lang din yung nerd na sikat. O diba ibang klase.
Sabay na kaming tatlo pumasok sa first subject namin for this cycle and semester.
Pagpasok pa lang namin ng classroom ay ang maiingay na bunganga na ng mga kaklase namin ang bumungad.
Grabe parang hindi mga 4th year. Ang gugulo at mga isip bata pa rin.
"Hi, babyyyy. I miss youuuu.." salubong ni Crissanta sabay yakap at halik sa pisngi ko
Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to...
"Ang harot mo talaga Crissanta." napalingon kami sa mga kaibigan ni Criss matapos sabihin yun ni Shaira na isa sa mga kaibigan niya
"Inggit lang you." rebutt ni Criss kay Shai
Napa-sulyap ako sa gawi ni Isla na nakatingin din pala sa'min. Nang magsalubong ang mga mata namin ay inirapan niya lang ako.
Awts. Inirapan ako ni mahal... Nagseselos siguro yon.
"Baby? Are you busy later?" malanding tanong ni Criss sa'kin kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya
"Ah-" sasagutin ko na sana yung tanong niya nang biglang nagsalita si Isla
"Crissanta, stop flirting. Umagang-umaga oh."
"Hmp! Napaka-bitter nitong babaeng 'to." bulong ni Criss at padabog na bumalik sa upuan niya
BINABASA MO ANG
ALFARO MEMORIAL COLLEGE: The Reunion
Mystery / ThrillerIt's just a normal batch reunion of Class 2018... not until someone ruined it... - GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.