THIRD PERSON'S POV
Reunion Day 2
"Ano ba naman to?! Bakit walang signal?!" kinakabahang sambit ni Cadence at nagpapadyak na ng mga paa.
"Try mo ngang umakyat ng puno, Cad." suhestiyon ni Shaira
"Ano?! Eh ang taas niyan!" napasapo nalang si Shai sa naging sagot nito
"Jac, baka may paraan kang naiisip diyan?" baling niya kay Jac na ngayon ay pabalik-balik ang lakad dahil sa kabang nararamdaman. Umiling lang si Jac bilang sagot dahil kahit siya ay hindi niya na rin alam ang gagawin.
"Gusto kong ma contact si Hanleigh o kahit si Kien nalang para sunduin tayo dito." sabi ni Cadence
Maya-maya pa ay may narinig silang mga sigaw kaya mas lalo silang kinabahan. Si Cadence ay hindi na mapakali. She chatted her wife through messenger at nagbabakasali na ma send ito at mabasa ng kanyang asawa.
Sakto namang pag pindot ni Cadence ng send button ay may biglang humablot sa kanya at sinaksak siya sa leeg at nabitawan ang hawak niyang cellphone.
Napasigaw si Jac at Shai ng makita nilang nakahandusay na si Cadence na puno ng dugo.
Hindi na sila nagdadalawang-isip pa at kumaripas na ng takbo. Takot na takot na maabutan nung killer.
Sa isang banda, sakto naman ng mabitawan ni Cadence ang cellphone ay na send at na deliver yung message niya sa kanyang asawa.
______
Pagkatapos niyang pagpapaslangin ang mga taong pumasok sa kwarto ng isang caretaker ay hinubad na niya ang kanyang disguise. Completely revealing his/herself. At lumabas naman agad siya ng kwarto pagkatabos hubarin ang hoodie, cap at facemask niya.
Sakto rin na pumasok si Hannah at Gelatine ng mansyon para magtago. Wala na silang alam na dapat pagtaguan kaya sa mansyon sila pumasok.
Dumiretso ang dalawa sa bathroom at doon nagtago.
"Ano ba naman 'to?! Gusto lang naman nating magsaya pero bakit ganito ang nangyayari?!" umiiyak na sambit ni Gela
"Imbes na last night na natin dito, nagkaganito pa! Ayoko pang mamatay, Gel!" pati si Hannah ay umiiyak na rin pero tumahimik sila bigla nang may marinig silang tunog ng bakal na pababa ng hagdanan
"Ssshh ano yun?" bulong ni Hannah at doble-dobleng kaba na rin ang nararamdaman nila ni Gela ng marinig nila ang tunog ng bakal na papalapit sa kanilang pinagtataguan.
Si Gelatine naman ay tinatakpan ang kanyang bibig na umiiyak upang hindi makagawa ng ingay.
The killer plastered his/her devilish smirk ay dahan-dahan itong lumapit sa pinto ng bathroom.
Rinig na rinig niya ang mga paghinga ng mga taong nasa loob. Wala na siyang sinayang pa na oras at sinipa ang pinto ng bathroom na ikigulat ng dalawa na nasa loob.
"Huli kayo! HAHAHAHAHAHAHAHA!" panggugulat niya sa dalawa at tumawa pa na parang demonyo.
Napasigaw nalang sa takot ang dalawa lalo na ng lumapit ito kay Gela at agad na tinorture gamit ang martilyo.
Nagkaroon naman ng pagkakataon na tumakas si Hannah habang pinagpupokpok pa nito ng martilyo si Gela.
Malapit na siya sa may pinto o main door ng mansyon ng mahila siya nito at marahas na ibinalibag sa sahig dahilan na mauntog ang ulo niya sa cabinet.
BINABASA MO ANG
ALFARO MEMORIAL COLLEGE: The Reunion
Mystery / ThrillerIt's just a normal batch reunion of Class 2018... not until someone ruined it... - GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.