CHAPTER 25

700 15 0
                                    

'SEVILLA FAMILY'
a little throwback



Excited ang kambal na tumutulong sa paghahanda dahil darating ngayon sa isla ang kanilang Lola kasama ang kanilang Tito at tita.

"Aylin 'nak, kunin mo muna yung mga plato doon sa loob at dalhin mo dito." utos ng kanilang ina

"Kaylin tulungan mo rin kambal mo." dagdag nito at masigla namang sinunod ng kambal ang utos ng kanilang ina

Magkakaroon sila ng konting salo-salo dahil birthday ngayon ng nanay ng kambal.

Maya-maya pa ay dumating na rin ang tatlong tao na kanina pa nila hinihintay. Sa sobrang excited ay tumakbo ang kambal at sinalubong sila.

"Lola!"

"Tito Roro... Tita Neca.."

Agad din naman silang sinalubong ng mahigpit na yakap ng kanilang Tito at tita.

"Eyy... My babies..." sabi ni Hero ng yakapin niya ang kambal

Karga ni Hero si Aylin at kay Neca naman si Kaylin. At naglakad papunta sa kapatid at tiyahin nila.

"Happy birthday, gorgeous sistah.." bati ni Hero sa kanyang nakakatandang kapatid na si Jade sabay kindat.

"Happy birthday ate." bati rin ni Neca at hinalikan ito sa pisngi

"O siya, kumain na tayo at kanina pa nagugutom ang kambal." yaya ng kapatid kaya tuwang-tuwa ang mga anak niya ng marinig na kakain na.

"Kanina pa pala nagugutom ang babies ko? Kawawa naman.. pasensya na kayo ito kasing tita Neca niyo ang tagal matapos sa paghahanda." ani ni Hero sa kambal sa malambing na boses.

"Anong ako? Ikaw kaya... Daig mo pa babae kung kumilos." pagpalag ni Neca sa kapatid niya.

Rerebutt pa sana si Hero kaso sinapak siya ng ate niya at sinabing, "wag mong aawayin si bunso." sabi nito na parang may halong pagbabanta sa boses kaya natawa nalang ang kambal.

"Kinukulit ka pa rin ba ng tatay nitong kambal, ate?" biglaang tanong ni Hero sa kapatid.

"Oo." sagot nito

"Tsk! Hayaan mo na nga yun at wag na wag mo ng papasukin ulit sa buhay mo. Kaya mo naman na buhayin itong kambal na wala ang tarantadong iyon. Atsaka isa pa, andito naman ako. Handa akong maging tito slash daddy sa mga pamangkin ko." mahabang sabi nito na ikinangiti ng kapatid

"Mas bagay sayo maging Lolo ng kambal, Kuya. Kesa maging daddy." pang-aasar ng bunsong kapatid

"Aaaayyyyy.... Ikaw ha, namumuro ka na..."

Marami pa silang napag-uusapan o kwentuhan. Si Hero at Neca ay nakikipagkulitan sa mga pamangkin at ate nila.

______________________________________

THIRD PERSON'S POV


Makalipas ang isang buwan ng paglilitis ay lumabas na 'guilty' si Hero at hinatulan ito ng 'murder' at makukulong ito sa loob ng 20-40 years. Ganun din ang kanyang apat na accomplices.

ALFARO MEMORIAL COLLEGE: The ReunionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon