Description
The Class 2018 of Alfaro Memorial College ay kilala bilang pinaka-pasaway na batch noon. Nasa batch na'to ang mga hambog, bullies, mga anak mayaman, mga famous, nerds at higit sa lahat ay ang anak ng may-ari ng paaralan ay kabilang din sa kanila. This batch consisted of 40 students.
Fortunately, they still graduated despite of their bad records in school. They became successful in life. Some of them became successful businessmen and women running their own companies, some are working in a big companies with high position and high salary, and some of them already have their own family and are happily married with their partners.
They are happy with their life now. But, ONE of them is definitely not happy with all of the achievements they achieved in their life. ISA sa kanila ay kinamumuhian sila. Kinamumuhian niya ang buong batch 2018 ng Alfaro Memorial College.
Para sa kanya, hindi deserve ng mga kaklase niya dati ang lahat ng narating nila ngayon. Gusto niyang maghiganti sa kanila dahil matagal na niyang gustong magkaroon ng hustisya ang nangyari sa pinaka-importanteng tao sa buhay niya.
Gusto na niyang maghiganti at hinihintay niya lang ang tamang panahon para magawa niya ang plano niya.
Until the time comes when a notification pops out suddenly. It is a message. An announcement that AMC's Batch 2018 will be having a reunion.
Ano nga ba ang dahilan ng kanyang paghihiganti? Ano nga ba ang kasalanang nagawa ng Batch 2018 5 years ago?
Well, it's just a normal batch reunion. Magkakasiyahan, bonding at mag-unwind para makaiwas muna sa nakaka-stress nilang mga trabaho. Not until, someone ruined it.
Ang pangyayaring magiging sukatan sa kanilang pagkakaibigan at samahan.
Sino sa kanila ang nagpapakatotoo? Sino ang peke? Sino sa kanila ang totoong kaibigan? Sino sa kanila ang traydor at may tinatagong baho? At ano nga ba ang pangyayaring pilit nilang kinakalimutan?All of them can be a suspect...
But, there's only ONE culprit...
One of them still remember the horrifying past...
Three of them are the witnesses...
And four of them are the reasons behind...______________
Prologue
Limang taon na ang nakalipas mula noong mawala siya sa akin, sa amin. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako dahil sa nangyari sa kanya. Nasasaktan ako sa tuwing naiisip kong wala man lang akong nagawa para mailigtas siya. Sobrang sakit sa pakiramdam nang makita ang kanyang kalagayan sa mga oras na iyon. At galit na galit ako dahil sa mga kababoyang ginawa nila sa kanya.
Patawarin mo ako, bunso.
Sana mapatawad mo ako kung wala akong nagawa para mailigtas ka sa kamay ng mga hayop na ‘yon.
“Pero huwag kang mag-alala… igaganti kita…” bigkas ko habang tinititigan ang puntod ng kapatid ko
“Pinapangako ko ‘yan sa iyo…” iyan ang huli kong sinabi bago magpaalam sa kapatid ko at mabilis na nilisan ang sementeryo
Pagkatapos ng limang taon… maipaghihiganti ko na rin ang kapatid ko… makakamit niya na rin ang hustisya na nararapat sa kanya…
Humanda kayo sa’kin dahil ibabalik ko sa inyo ang mga kahayopang ginawa ninyo sa kapatid ko…
© 𝟐𝟎𝟐𝟑 | 𝐀𝐥𝐥 𝐑𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 𝐑𝐞𝐬𝐞𝐫𝐯𝐞𝐝
𝓚𝓪𝓷𝓰𝓬𝓱𝓮𝓸𝓵
BINABASA MO ANG
ALFARO MEMORIAL COLLEGE: The Reunion
Mistero / ThrillerIt's just a normal batch reunion of Class 2018... not until someone ruined it... - GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.