ISLA CELLENHA
Reunion Day 1
Natapos ang unang laro namin na tug of war at ang team namin ang nanalo. Buti nalang talaga at napalakas ang hatak ni CJ kanina kaya ayun napasalampak sa tubig ang kabilang team.
It was so funny. Their faces earlier were so hilarious. Literal na nakainom sila ng tubig dagat. Narinig ko pa ang hagalpak na tawa ni Chanee kanina kaya mas lalo akong natawa.
Second game is centipede walking. Medyo nahirapan kami sa larong ito lalo pa't kailangan hawakan nung nakasunod sayo ang paa mo, yung ankle part mismo.
Ang sakit lang sa paa. Nakakangawit sobra. Ilang beses din kaming nagpabalik-balik dahil kapag mabitawan ng kasama ko ang paa na hinahawakan niya ay kailangan bumalik sa starting line.
Alam siguro ng tukmol na yon na ganito ang larong mangyayari kaya hindi siya sumali.
Ang kabilang team ang nanalo sa second game. Samantalang kami heto muntik ng mawalan ng malay dahil sobrang sakit ng mga hita, binti, at paa namin.
Napahiga nalang kami sa buhanginan sa sobrang pagod. Pero agad namang lumapit si Chanee sa akin at binuhat ako papunta sa bench pero sa lap niya lang ako umupo hehe magpapalambing muna ako.
"You did great, Mahal." pagpuri niya sa akin sabay halik sa noo at labi ko. Napangiti at kinilig ako sa ginawa niya. Kaya mahal na mahal ko 'to eh.
"Grabe! Napagod din naman ako, sumakit din ang paa at binti ko pero bakit walang bumuhat sa akin para pakandungin sa lap at sabihan na You did great, Mahal sabay halik sa noo at labi." ungot ni baklang CJ
Nakita siguro nila ang ginawa namin ni Chanee kaya heto sila nagpaparinig. Natawa nalang kami ni Chanee sa sinabi ni CJ.
Mga inggiterong ungas!
"Sus! Inggit ka lang vaks wala ka kasing lablayp." rinig naming kantyaw ni Hero sa kanya
"Edi ikaw na may jowa! Hiwalayan mo nga yan, Jac!" napangisi lang si Hero sa sinabi ni CJ
Nagpahinga lang kami ng 30 minutes bago nag proceed sa next game which is volleyball. Pero ang sabi ni Jac ay ang boys lang daw ang maglalaro at ang girls naman ay magchi-cheer lang daw.
Ang maglalaro sa team namin ay sina Jeymar, Given, Klent, MJ, Jedrick at Kiel. Sa kabilang team naman ay sina RJ, Rex, Paco, Franklin, Ronnie, at Rico.
Maganda ang unang round ng laro at lamang ang team namin with 2 points. Kanina pa kami panay ang hiyawan dahil yun lang naman ang ganap naming girls dito ngayon, ang mag-cheer sa kanila.
Todo din ang pagche-cheer ng dalawang bakla at para pa silang mga cheerleader. Kabilang sa team namin si CJ while si Dave naman ay nasa opposite team. Kaya nagpapaligsahan din sila sa pagche-cheer. Parang mga engot 'tong mga 'to.
Yung mga kaibigan ko naman imbes na team nila yung iche-cheer nila pero heto sila nagtititili at sinisigaw ang pangalan ng ka-teammate ko na si Given.
Given Castro is a pro when it comes playing volleyball. Siya ang captain ng men's volleyball team ng AMC noon. At isa rin sa mga trabaho niya ngayon ay ang pagiging coach niya sa volleyball team ng AMC ngayon.
"GO, GIVEN!" mga traydor sa team nila HAHA
Magkakasama kasi sa kabilang team si Charity, Crissanta, Shaira, Lendie, Princess at Charlyn. Ako lang talaga ang naiba sa kanila.
"AAAACCKKK! GO! GO! GO! GIVEN!!!" sigaw nila ng makapuntos si Given
"HOY! MGA TRAYDOR! Dapat team natin ang chinecheer niyo!" sigaw ni Dave sa mga haliparot kong kaibigan na ikinatawa namin ni CJ
Sa kalagitnaan ng laro ay bigla nalang nagkagulo ang boys. Biglang itinulak ni RJ ng malakas si Given kaya napaupo ito sa may buhanginan.
"Ano bang problema mo?!" inis na tanong ni Given sa kanya
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" yung pagiging mayabang ni RJ 'di na talaga nagbago
"Masyado ka kasing pasikat, pre! Puro nalang na sayo ang attention!" hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit niya. Na iinis ba siya dahil hindi sila chineer ng mga ka teammates niya or nagseselos siya dahil nakay Given lahat ng attention ng girls.
Akma na sana niyang sugurin ng suntok si Given pero pumagitna si Charity sa kanila at itinulak siya.
"Will you please stop, RJ?! Wala pa rin talagang nagbago sa'yo, ang yabang-yabang mo pa rin.!"
"Wag kang makialam dito, Charity!"
"Umalis ka na nga! Sinisira mo ang reunion natin eh!" wala ng nagawa si RJ at kusa na siyang umalis.
As far as I know, may gusto si RJ kay Charity at niligawan niya ito dati. Pero ang gusto ng kaibigan ko ay si Given. Ayaw din ni Charity kay RJ dahil masyado daw pabibo at mayabang kaya ayun ni reject. Doon nagsimula ang alitan ni RJ at Given noon. Nalaman din kasi ni RJ na si Given ang gusto ni Charity.
"Are you okay, Giv?" nag-aalalang tanong ni Charity kay Given. Feeling ko talaga may gusto pa 'to kay Castro eh.
Hindi na rin natuloy ang laro dahil sa nangyari pero kami ang nanalo sa larong yun. Umalis din si Given pagkatapos. Sana lang at hindi sila magkasalubong ni RJ baka matuloy pa ang suntukan.
Lumilinga ako at hinahanap ng mga mata ko si Chanee. Nasaan na kaya ang tukmol na yon? Hindi ko siya napansing umalis kanina dahil sa gulo na nangyari. Hindi rin siya nagpaalam sa akin.
"Carlyn, nakita mo ba si Chanee?" tanong ko kay Carlyn pero nagkibit-balikat lang ito
Sunod kong tinanong si Jed. "Nakita mo si Chanee, Jed?"
"Namataan ko siyang umalis kanina nung nag-away sila Given at RJ. Baka bumalik sa kwarto."
"Okay, guys! Proceed na tayo sa next game. Wag nalang muna nating isali yung dalawa at hayaan nalang muna nating magpalamig sila. Sana naman ay hindi na maulit yung nangyari kanina. Andito tayo para mag-enjoy at hindi para mag-away." biglang salita ni Jac
Mamaya ko nalang siguro hanapin si Chanee baka napagod yun at nagpahinga muna sa kwarto.
Ang sunod na nilaro namin ay yung ping-pong ball na ipasa-pasa gamit ang kawayan. Medyo enjoy naman siya kahit papano. Natapos namin ang laro na kami ang nanalo HAHA nandaya kasi mga kasamahan ko at kami lang nakakaalam. Hindi rin namalayan ng ibang grupo at nila Jac.
Pagkatapos ng lahat ng laro ay yung ibang kasamahan namin ay naligo muna sa dagat. Gusto ko nga sanang maligo dahil niyaya ako nila Crissanta pero tumanggi nalang ako. Tinatamad na rin ako dahil sa pagod kaya sa banyo nalang ako maliligo. Kailangan ko pang hanapin si Chanee.
Pagkarating ko sa kwarto ay sobrang tahimik. Wala ring tao. I thought andito si Chanee pero wala pala. Na saan ba ang tukmol na yon?
'baka nambababae?' sabi ng isip ko
Gago! Wag niya lang talagang subukan dahil lulunurin ko siya sa dagat.!
Naligo nalang muna ako kasi sobrang lagkit na ng katawan ko dahil sa pawis.
After kong maligo at magbihis ay lalabas na sana ako para hanapin si Chanee kaso pagbukas ko ng pintuan ay ang taong kanina ko pa hinahanap ang tumambad sa harapan ko.
What happened? Bakit ganito hitsura niya? Para siyang may hinabol na tao at galing sa away. Ang haggard niya tignan, medyo magulo ang buhok at nadumihan rin ang puting polo niya.
© 𝟐𝟎𝟐𝟑 | 𝐀𝐥𝐥 𝐑𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 𝐑𝐞𝐬𝐞𝐫𝐯𝐞𝐝
𝓚𝓪𝓷𝓰𝓬𝓱𝓮𝓸𝓵
BINABASA MO ANG
ALFARO MEMORIAL COLLEGE: The Reunion
Mystery / ThrillerIt's just a normal batch reunion of Class 2018... not until someone ruined it... - GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.