THIRD PERSON'S POV
Reunion Day 2
Pagkalabas ni Shaira sa mansion ay may bigla namang humila sa buhok niya. Akma na sana siya nitong saksakin sa leeg pero nakapanglaban siya. Siniko niya ang dibdib nito kaya nabitawan siya.
Nang mabitawan siya ay hinarap niya ito at pinagsasampal sa mukha. "Mga hayop kayo! Mga kasabwat pala kayo ni Hero ha! May pa caretaker caretaker pa kayong nalalaman mga demonyo kayo!" galit na sambit ni Shaira habang pinagsasampal pa rin ang isa sa mga caretaker.
Umiiyak na ito sa galit habang patuloy pa rin sa ginagawa niyang pagsampal sa isang caretaker.
"Hindi mangyayari sa inyo ito kung hindi niyo ginawa sa pamangkin ko yung ginawa niyo 5 years ago!" gigil na saad ng caretaker nang mahawakan nito ang mga kamay ni Shai.
"What the hell are you talkin' about, bitch?!" galit na tanong ni Shai habang pinipilit na makawala sa caretaker.
Hindi siya nito sinagot bagkus ay mas lalo lang nito hinigpitan ang pagkahawak niya sa mga kamay ni Shai.
"Let me gooo!!!!" pagpupumilit pa rin ni Shai ngunit mas malakas ang caretaker kesa sa kanya.
"I swear pag nakawala ako si-" hindi na nito natapos ang sasabihin ng may biglang sumulpot sa likuran niya, hinawakan ng marahas ang kanyang buhok saka ginilitan sa leeg.
"Jade." tawag nung caretaker na may hawak sa kamay ni Shai kanina sa babaeng lumaslas sa leeg ni Shai.
"Let's go, tita." ani nung Jade
____
CHANEE MCFADDEN
"Batch, hindi pa tayo tapos sa ginagawa natin dun sa baba. Ano ba kasing gagawin natin? At teka, bakit ka nag-iimpake?" nagtatakang tanong sa akin ni Carlyn
"Where's Jedrick?" tanong ko sa kanya pabalik
"Bakit?" biglang sulpot ni Jed na parang kabuti na nagpaigtad kay Carlyn sa gulat.
"Gago! Para kang multo sumusulpot nalang bigla." nasapak ni Carlyn si Jed sa sobrang gulat
"We need to get out of this place asap." singit kong sabi sa kanila
"Mag-impake na kayong dalawa bilisan niyo." utos ko sa kanila
"S-sandali nga Chaun... Bakit ba at ano ang nangyayari? Kinakabahan na ako ha." tanong ni Carlyn kaya hinila ko sila ni Jed palabas ng kwarto at pumuntang terrace.
Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanila dun sa bonfire dahil hindi naman ito masyadong matanaw mula dito sa mansion.
"Look! Divin, Leizel, Dave and CJ are dead already. We are not safe in this place anymore. Lalo pa at isa sa mga kasama natin ang killer. That's why we need to get out of here as early as possible bago pa mahuli ang lahat. Ayokong mapahamak si Langlang." sabi ko sa dalawa
"Sabi na eh. Kaya masama kutob ko simula pa nung isang araw." si Carlyn na napakamot sa ulo matapos marinig ang sinabi ko
"Patay na rin si Ronnie. And batch, I think the caretakers of this resort are the killers." saad naman ni Jed pero umiling ako.
"Yes, they are. But they are not the main suspect. Mga accomplices lang sila ng totoong culprit. I know who's the real culprit pero hindi ko alam kung ano ang dahilan ba't niya 'to ginagawa." paliwanag ko
Magsasalita pa sana si Carlyn ng mapansin kong may nakatingin sa amin.
Nanlaki mga mata ko at tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan especially when he flashed his devilish smirk.
Napaatras ako at napahawak sa braso ni Carlyn ng lumabas ito sa pinagtataguan niya. Alam kong narinig niya lahat ng pinag-uusapan namin.
"Andito lang pala kayo? Kanina ko pa kayo hinahanap." nakakakilabot ang boses niya at para siyang sinapian ng masamang espiritu. May bitbit siyang martilyo at crowbar na may mga dugo pa.
Ito ba ginagamit niya sa pagpatay?!
Napalingon ang dalawa sa gawi niya at ramdam na ramdam ko ang matinding kaba na nararamdaman ni Carlyn.
"K-kuya Hero?" kinakabahang tawag ni Carl sa pangalan ni Hero
"He's the real culprit." bulong ko sa dalawa
Si Jed ang nasa unahan namin kaya kung may hahablutin man si Hero sa amin ay siya talaga una mahahablot.
"Umalis na kayo batch! Sige na! Ako na bahala dito! Alis na! Bilis! Hanapin mo si Isla batch. Kailangan niyong makaalis dito ng buhay. Kaya sige na! Umalis na kayo ni Carlyn!" mahabang saad ni Jed
Tinakpan niya kami ni Carlyn gamit katawan niya habang sinasabi niya iyon. Palapit ng palapit kasi si Hero sa amin bitbit ang crowbar niya. Nakakadagdag takot rin lalo na at hatak-hatak niya ito sa sahig na nagbibigay ng nakakatakot na tunog.
"Go and find Isla, batch. She's pregnant with your child." hindi ko na narinig pa ang huli niyang sinabi dahil hinila ko na agad si Carlyn at tumakbo na.
Ngunit sa kasamaang palad ay bigla akong natapilok pagbaba ng hagdan kaya nagpagulong-gulong ang katawan ko sa hagdanan.
"Chanee!" rinig kong sigaw ni Carlyn sa pangalan ko bago ako nawalan ng malay.
____
THIRD PERSON'S POV
Akmang isaksak ni Hero ang bitbit niyang crowbar kay Jed pero agad naman itong nakailag at mabilis na sinipa si Hero sa tagiliran kaya nabitawan ni Hero ang crowbar.
Susuntukin na sana ni Jed si Hero ngunit na unahan siya nito at mabilis siyang sinipa sa tiyan kaya siya natumba.
Hindi pa man siya nakatayo ay agad ng pumaibabaw si Hero sa kanya at pinagsusuntok ng malakas ang mukha niya hanggang sa puro na dugo ang mukha niya. Nahihirapan na rin siyang ibuka ang isa niyang mata dahil sinuntok ito ng tatlong beses ni Hero.
Hinila ni Hero ang damit niya at marahas siyang pinatayo saka sinuntok ulit ng malakas at natumba ulit sa sahig. Sumusuka na rin siya ng dugo. Pinipilit niyang tumayo at hinayaan lang muna siya ni Hero na makatayo.
Nang makatayo siya ay paika-ika siyang naglakad papunta kay Hero para sugudin ng suntok ngunit mabilis itong nakailag kaya dumiretso siya sa railings ng terrace.
Hinawakan siya ni Hero sa balikat at marahas na pinaharap sa kanya. Nang makaharap siya ay agad siyang sinakal ni Hero gamit ang crowbar.
Hinang-hina na si Jed at gusto niya nalang ipikit ang mga mata niya. Kaya nang maramdaman ni Hero ang panghihina ni Jed ay agad niyang inangat ang mga paa nito saka inihulog si Jedrick sa baba.
Sinilip niya ito at tuwang-tuwa siya ng makita ang sitwasyon ni Jed na nakaratay na sa baba at bali ang mga kamay at paa.
"HAHAHAHA! HAHAHAHA! HAHAHA!" tawa niya na parang demonyo
Dali-daling bumaba si Hero sa baba para sundan ang dalawa ngunit natigilan siya ng makita si Chanee sa pinakababa na hagdanan na nakahandusay at duguan ang ulo.
"Tanga! Hagdanan lang pala makakapatay sayo, McFadden." natatawang saad ni Hero bago lampasan ang nakahandusay na katawan ni Chanee.
_
A/N: Danghagang Chanee uy...
© 𝟐𝟎𝟐𝟑 | 𝐀𝐥𝐥 𝐑𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 𝐑𝐞𝐬𝐞𝐫𝐯𝐞𝐝
𝓚𝓪𝓷𝓰𝓬𝓱𝓮𝓸𝓵
BINABASA MO ANG
ALFARO MEMORIAL COLLEGE: The Reunion
Mystery / ThrillerIt's just a normal batch reunion of Class 2018... not until someone ruined it... - GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.