CHAPTER 12

515 19 0
                                    

ISLA CELLENHA

Reunion Day 2



"Tama na, please. Ayoko na." rinig kong iyak ng isang babae

Hindi ko alam kung sino siya dahil blurred yung mukha niya sa paningin ko.

"Parang awa niyo na." umiiyak siya habang nagmamakaawa

Sino ba to? Bakit blurred yung mukha niya? Hindi ko rin masyadong maaninagan ang ginagawa at nangyayari sa kanya. Basta ang alam ko ay nagmamakaawa siyang pakawalan habang umiiyak, basi sa boses na aking narinig mula sa kanya.

"Pakawalan niyo na ako." nagmamakaawa pa rin siya at parang may mga taong nakapalibot sa kanya na mukhang
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
sinasaktan siya?!

"Ano bang kasalanan ko sa inyo? Wala naman akong masamang ginagawa sa inyo." tanong niya sa kung sino mang nakapalibot sa kanya.

Anong meron? Ba't ako napunta sa ganitong sitwasyon?

"Malandi kang higad ka kaya dapat lang yan sayo." sabi ng kung sino





Wait! Bakit sobrang pamilyar sa'kin ang boses na iyon?!






"Lang, gising." yugyog sa'kin ng kung sino

Kaya bigla akong napabalikwas ng bangon.. Putek panaginip lang pala yon.

"Para kang binabangungot, mahal." puno ng pag-aalala ang mukha ni Chanee habang pinagmamasdan ako

"Are you okay?" tanong niya sa akin at mataman akong tinitigan

"Yes, love I'm okay. Nananaginip lang ako." pero sino naman kaya yung babae na yun? Ang weird ha.

"Anong oras na love?" tanong ko kay Chanee

"Quarter to 6 am na." sagot niya

"Batch, nakikita mo ba ang nakikita ko?" nagulat naman ako ng biglang magsalita si Jed. I thought he's still asleep.

Sinundan naman namin ng tingin ang tinitignan niya at ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata namin ng makita namin si Crissanta at Carlyn na...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
MAGKATABING MATULOG?!

What the?! Don't tell me, totoo talagang may relasyon sila?!

They looked like a couple sa posisyon nila ngayon. Yung braso ni Carlyn na ginawang unan ni Criss samantalang yung kamay ni Criss ay nakayakap kay Carlyn, yung isang paa niya na nakadantay sa hita at yung ulo niya na nasa dibdib ni Carl.

"Matutulog na muna ulit ako batch baka panaginip ko pa rin ito." saad ni Jed na hindi pa rin makapaniwala sa nakita. Kahit kami ni Chanee ay na shock pa rin.

Nang maka-recover si Chanee sa pagka-shock ay dali-dali niyang kinuha ang phone niya at pinicturan ang dalawa.

Umandar na naman kalokohan ng fiancee ko. Sabi pa niya, pang-blackmail daw sa dalawa.

Naalala ko naman ang mga pangyayari kagabi. Hindi ako makapaniwala na fiancee ko na ngayon ang tukmol na'to.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang singsing na bigay ni Chanee sa'kin kagabi. So precious and beautiful.

ALFARO MEMORIAL COLLEGE: The ReunionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon