CHAPTER 01

1.5K 33 0
                                    

CHANEE MCFADDEN


Nagising ako dahil sa ingay ng phone ko… Grabeng notification naman ‘to dinaig pa ang alarm clock… Binuksan ko nalang ang phone at nakita na in-add ako ni Jedrick sa isang group chat…

Ano nanaman ‘to?’ anang isip ko at binuksan ko nalang yung group chat dahil ang ingay


ALFARO MEMORIAL COLLEGE CLASS 2K18

Hero Sevilla added Isla Cellenha and 33 others to the group
Jedrick Corpuz added you and 2 others to the group

Jacinta Alfaro
[Announcement]
Hello, batchmates and friends…
We will be having a batch reunion
nga pala next week March 6, 2023.
So, kung sino yung gustong sumama
go and join us. Pero kung ayaw naman, okay lang din…

Shaira Velasco
OMG! Hindi pwedeng wala ako diyan

Lendie Best replied to Shaira
Syempre ikaw pa. Kahit nga hindi ka imbitado e pupunta ka pa rin

Shaira Velasco
Mukha mo Lendie, mukhang pwet ng manok

Charity Melendez
I’m in

Criss Dela Cruz
Finally! Mabuti naman at naisipan niyo ng magkaroon tayo ng reunion

Jacinta Alfaro
Actually, si Hero talaga nakaisip neto.
Pumayag nalang din ako dahil na miss
niya raw kayo at syempre namimiss
ko na rin pagmumukha niyo

Paco Navarro
Sanaol na miss

Criss Dela Cruz
I miss Chanee too. By the way, is
she coming?

Isla Cellenha
Bitch, back off. She’s mine. Btw, Jac
sa’n ang location?

Shaira Velasco
Luh selos yarn

Jacinta Alfaro
I dunno. Try to ask Hero. Siya yung
nakaka-alam ng exact location.

Isla Cellenha
@Hero Sevilla ?

Hero Sevilla
Sa Sevilla Island Resort. Dun tayo
magkita-kita lahat sa San Jose Port

Isla Cellenha
Okay

RJ Velasquez
Hoy guys pumunta tayong lahat…
Deserve nating mag-unwind at
mag-bonding lahat




Pagkatapos kung mabasa yung chats nila ay in-off ko na yung phone. Kahit naman hindi ako sasama ay makakasama pa rin ako dahil alam kung kukulitin ako ni Isla at hindi ako titigilan nun hangga’t ‘di ako sasama.

Atsaka mabuti na rin yun para naman makapag-unwind kami at na miss ko na rin yung dalawa kong kaibigan. I wonder kung ano na ang mga trabaho ngayon ng mga ka batchmates slash kaklase  ko dati. It's already been 5 years since I graduated in college at Alfaro Memorial College. Ang paaralan na pagmamay-ari ng mga magulang ni Jacinta Alfaro, ang kaklase ko at student council president sa batch namin noon. Alam kong ngayon si Jac na ang namamahala sa paaralan na ‘yon dahil siya lang naman ang nag-iisang tagapagmana ng mga magulang niya.

Dati noong nag-aaral palang ako, isa talaga akong nerd pero hindi naman ako nabubully dahil kahit nerd ako eh sikat naman ako… may dalawa akong kaibigan, si Jedrick at Carlyn na mga nerd din dati kagaya ko.. Pero hanggang ngayon nerd pa rin ang dalawang yun at walang nagbago pwera nalang sa mukha dahil nag glow up naman sila kahit papaano lalo na si Carlyn. Ang ganda na ng babaeng yun gagi hindi ko talaga akalain na mapapayag siya ni Isla para sa isang make-over…

And oh, speaking of Isla, the queen of my heart, the love of my life and my langga. She’s been my girlfriend for 4 years now. Hindi ko talaga akalain na mapipikot ko ang maldita na ‘yon HAHAHA… Niligawan ko siya before graduation namin noong college and sinagot niya ako after graduation... Akala ko nga wala akong pag-asa sa kanya eh pero meron pala HAHAHA… By the way, she’s also popular too noong college pa kami along with her friends…

Sobrang sikat ng grupo nila dahil syempre sobrang gaganda din naman nila. Mga maldita nga lang tsaka bully pa pero hindi naman siya masyadong bully at sinasabayan niya lang trip ng mga kaibigan niya… At pagdating naman sa akin sobrang babait ng mga kaibigan niya lalo na si Criss na sobrang clingy pagdating sa’kin tapos si Isla naman tinatarayan at binibigyan lang ako lagi ng cold treatment, ang dahilan kung ba’t ako nagkagusto din sa kanya… Hindi niya lang kasi matanggap dati na ang isang nerd na tulad ko ay sikat sa buong campus HAHAHAHA o diba ang galing…


“Love…” naputol ang aking malalim na pag-iisip nang tawagin ako ni Isla at tumabi sa akin sa kama. Magkasama na kasi kami ngayong nakatira dito sa condo ko at napag-desisyunan naming magsama last 2020 nung umuwi siya galing Italy at sakto ring pag-uwi niya nagkaroon ng pandemya.


Hayyss ang ganda talaga ng mahal ko


“Bakit?”

“Sama tayo sa reunion ha?” sus naglalambing ang maldita kong asawa

Asawa? Oo asawa ko na ‘to kahit ‘di pa kami kasal HAHAHA shut up nalang ang bibig dahil pala desisyon ako

“Kahit naman hindi ako sasama, e makakasama pa rin ako” aasarin ko muna ‘to

“So, ayaw mo? Parang pinapahiwatig mo na napipilitan ka lang eh.!” Napangiwi ako dahil sa lakas ng boses niya HAHAHA pikon na ang ferson

“Joke lang… eto naman ‘di na mabiro… Syempre sasama ako, andun sila Jedrick eh” sabi ko pero inirapan lang ako

“Tss… ewan ko sa’yo.!” Inis na sabi niya at padabog na tumayo sa kama saka iniwan ako at lumabas ng kwarto naming

O kitams! Nagalit siya HAHAHAHA

Napaka-maldita talaga ni misis HAHAHAHA... Napaka-bilis talaga mapikon nang isang yun.. Ipinaglihi siguro talaga yon sa sama ng loob habang pinagbubuntis pa siya ng mama niya...

Na alala ko tuloy noong nag-aaral pa kami. Pilit niya itinatanggi na wala daw siyang gusto sa'kin tapos nung nakita niyang sobrang clingy ng kaibigan niyang si Crissanta sa akin eh bigla nalang siyang nagalit.

Kinonfront pa niya ako noong time na yon at galit na galit talaga siya as in to the highest level galit niya that time. Sinabihan pa niya akong flirt daw atsaka womanizer. Kaya nung tinanong ko siya kung nagseselos ba siya eh sabi niya lang ay hindi at bakit naman daw siya magseselos. HAHAHA parang tanga lang.

Pero sa totoo lang, yung ugali talaga ni Isla ang dahilan kung ba't nagustuhan at minahal ko siya. Bakit? Wala lang HAHAHA masarap kasi talagang pagtripan yung mga babaeng may ganung ugali. Yung tipong kunting asar lang mapipikon kaagad.


Lalabas na sana ako para sundan si Langlang kaso naka-tanggap ako ng text message galing sa mommy niya.


Mommy Malensky
'nak punta kayo mamaya ni Isla dito sa bahay, ha? Dinner tayo dahil namiss namin kayo ni Daddy niyo. Your family will be here also. See you.



Pagkabasa ko nun ay nag reply lang ako ng 'okay po' at lumabas na sa kwarto para puntahan ang asawa ko na akala mo araw-araw may regla HAHAHA









© 𝟐𝟎𝟐𝟑 | 𝐀𝐥𝐥 𝐑𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 𝐑𝐞𝐬𝐞𝐫𝐯𝐞𝐝

𝓚𝓪𝓷𝓰𝓬𝓱𝓮𝓸𝓵

ALFARO MEMORIAL COLLEGE: The ReunionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon