THIRD PERSON'S POV
Reunion Day 2
"Waaahhhhhhhhh!!!!" napasigaw nalang si Chanee ng tuluyan ng napapikit si Isla.
Sobrang dami na ring dugo ang lumabas mula sa likod at bibig nito. Dahan-dahan niya itong pinahiga muna sa buhanginan at sa sobrang galit ay sinugod niya si Hero ng suntok.
"Hayop kaaaa!!!!" galit na galit niyang sigaw kay Hero at pinagsusuntok ito
Wala pang masyadong lakas si Hero na lumaban dahil sa lakas ng impact ng pagkapukpok ni Isla sa ulo niya kanina.
Basag na rin mukha ni Hero dahil sa mga suntok na natamo niya mula kay Chanee. Nang mapansin ni Chanee na hindi na lumaban si Hero ay tumayo ito at kumuha ng bato. Ipukpok na sana niya ito sa mukha ni Hero ngunit may biglang pumalo sa ulo niya gamit ang martilyo kaya nabitawan niya ang bato saka siya natumba at nawalan ng malay. May pulang likido rin na umagos mula sa ulo niya.
Natawa nalang si Hero dahil sa sinapit ni Chanee saka dahan-dahang tumayo. "Thanks Kaylin." pasalamat niya sa isang caretaker
"Walang anuman, Tito." sagot nito.
"O halika na dahil may isa pa akong dapat tapusin." sabi niya sabay akbay sa caretaker.
___
CRISSANTA DELA CRUZ
Nagtatago ako ngayon sa kwarto na tinutulugan nila Chanee. Ni lock ko ng mabuti ang pinto pati na rin ang mga bintana.
Tahimik akong umiiyak habang inaalala si Carlyn. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa babaeng mahal ko pero sana buhay pa siya.
Nagulat ako ng may biglang kumatok sa pinto. Hindi ko ito pinansin at pinagbuksan hanggang sa tumigil ang pagkatok.
Ngunit napaigtad ako ng biglang kumalabog ang pinto at nasira ang doorknob nito. Mas lalo akong natakot ng biglang pumasok si Hero kaya napasigaw ako.
"Ahhhhhhhhh!!!!" sigaw kk at tatakbo na sana pero nahuli ako nito at marahas na binalibag sa sahig.
Dahan-dahang lumapit si Hero sa akin at ako naman ay dahan-dahan ring umaatras.
"Ilabas mo yang tapang mo Crissanta! Ilabas mo yung tapang mo noon kagaya nung kung paano mo ginawan ng kawalang-hiyaan ang kapatid kong si Neca!" nagulat ako sa sinabi nito
Si Neca? Kapatid niya?
"So, siya ang dahilan kung bakit mo ginagawa 'to?!" singhal ko sa kanya
"Oo! At papatayin kita kagaya ng pagpatay mo sa kanya noon!"
"Hindi ko siya pinatay! Siya mismo ang pumatay sa sarili niya! Don't you know?! That she committed suicide?!" sigaw ko sa kanya pabalik.
"You bullied her! You even ordered Ronnie to raped her!"
"Nagawa ko yun sa kanya dahil ang landi niya! And correction, Sevilla! I didn't gave an order to Ronnie to raped her! Si Ronnie mismo ang may gusto nun! At hindi ko nga alam na hahalayin siya ni Ronnie eh!"
Nakita ko naman na mas lalong nag ngitngit ang mukha niyang nakatingin sa akin.
"And you did that because of Chanee right?! Pero anong napala mo ngayon?! Napasayo ba si Chanee, ha?! Diba hindi?!"
"I didn't made your sister's life miserable because of Chanee. I made horrible things to her because of Carlyn! Nang dahil sa kapatid mas lalong hindi na ako nabigyan ng atensyon ni Carlyn! Mas lalo lang niya akong hindi nagawang gustuhin at mahalin dahil sa kapatid mo! Sa akin lang dapat ang attention at pagmamahal ni Carlyn noon pero umeksena yang kapatid mo! At hindi ko alam kung anong meron sa kapatid mo at nagustuhan siya ni Carlyn.!" namumula na rin ang mukha ko sa galit
Ewan ko ba, sa tuwing naalala ko kung pa'no tignan ni Carlyn si Neca, kung pa'no ngumiti si Carlyn tuwing nakikita niya si Neca at kung pa'no niya ito alagaan ay nandidilim paningin ko. Ako dapat yun eh.
The fact na kay Neca lang pinapakita ni Carlyn yung magandang ngiti niya at hindi sa akin ay mas lalo akong nanggigigil sa galit.
Tapos ngayon na okay na kami ni Carlyn at nalaman na namin na mahal namin ang isa't-isa ay umeksena naman tong demonyong ito.
"Napaka-immature mo Crissanta!" singhal niya sa akin at sinakal ako.
Pinipilit kong alisin ang kamay niya sa leeg ko pero wala akong lakas na maalis ito. Konti nalang ay mawawalan na ako ng hininga buti nalang at binitawan niya ako.
Akala ko wala na siyang ibang gagawin sa akin ngunit hindi ko inaasahan na hahampasin niya ulo ko gamit ang martilyo.
Sobrang nahilo ako dahil sa impact ng paghampas niya. Ramdam ko rin na may likidong tumulo mula sa ulo ko. Umiikot rin ang paningin ko at ang susunod na nangyari ay hindi ko na alam.
___
THIRD PERSON'S POV
Nawalan na ng malay si Crissanta pero si Hero ay pinagsasaksak pa rin si Crissanta ng limang beses sa dibdib at tiyan bago ito tumigil. Maraming dugo ang nagkalat sa kwarto at si Crissanta ay parang wala na ring buhay.
Lumabas muna siya dahil dumating ang isa niyang tauhan dala ang bangka na sasakyan niya pabalik ng siyudad.
Nang masiguro niya na okay na ang bangkang sasakyan ay bumalik ulit siya kwarto kung nasaan si Criss. Binuhat niya ito at lumabas na. Ala cinco na ng umaga.
Pagkalabas niya ay dumiretso siya sa bangka habang bitbit pa rin si Crissanta. Nang makasakay sa bangka ay siya namang pagdahan-dahan nitong lumayo sa daungan.
Nang medyo malayo-layo na ay inihulog niya si Crissanta sa dagat. At saka nagpatuloy sa byahe pabalik ng siyudad.
Nagkaroon ng dugo sa dagat at dahil ito sa mga dugo na nagmula sa katawan ni Crissanta.
Habang nasa byahe si Hero ay naalala niya naman ang mga pangyayari. Tumingala siya sa kalangitan. "Naipaghiganti na kita, bunso." bulong niya sabay patak ng mga luha niya.
Bago pa siya makarating sa siyudad ay kumuha siya ng tubig-dagat at ginamit niya itong panligo. Sa bangka na siya mismo naligo. Sinigurado niya na mawala lahat ng dugo niya sa katawan.
At nang makarating siya sa siyudad ay kaagad siyang dumiretso sa bahay nila. Sinalubong naman siya ng nanay niya. "O anak, andito ka na pala? Kumusta ang reunion?" salubong na tanong ng kanyang ina
"O-okay lang, ma at masaya naman." sagot niya
"Kamusta naman ang tita, ate at mga pamangkin mo doon sa resort? Okay lang ba sila?"
"O-oo ma. Okay lang sila." yun lang ang naisagot niya saka dumiretso sa kwarto ng kapatid niyang si Neca.
"B-bunso, i-i'm sorry kung n-nagawa yon ni Kuya. Patawarin mo ako bunso." umiiyak niyang sambit sa harapan ng picture ng kapatid niya.
Pagkatapos ay lumabas siya sa kwarto ng kapatid niya at pumunta sa kwarto niya. Mas lalo lang siyang naluha ng makita ang picture nilang dalawa ni Jac na masayang magkasama.
"I-i'm so sorry, h-hon. I love you. I love you. I love you." paulit-ulit niyang sambit habang nakatitig sa picture nila ni Jac.
___
A/N: na dedz ang mga ferson🙂
© 𝟐𝟎𝟐𝟑 | 𝐀𝐥𝐥 𝐑𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 𝐑𝐞𝐬𝐞𝐫𝐯𝐞𝐝
𝓚𝓪𝓷𝓰𝓬𝓱𝓮𝓸𝓵
BINABASA MO ANG
ALFARO MEMORIAL COLLEGE: The Reunion
Mystery / ThrillerIt's just a normal batch reunion of Class 2018... not until someone ruined it... - GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.