CHAPTER 16

423 15 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Reunion Day 2



Nagkakagulo na ang lahat. Kaagad na nagsitakbuhan ang iba ng dambahin ni MJ ng suntok si RJ. Pati mga kaibigan nila na si Rico at Franklin ay nagsusuntukan na rin.

Habang nagkakagulo sila, hindi nila napansin na may mga taong nakamasid sa kanila at masayang-masaya sa kanila nakikita. The culprit even smirked seeing his/her batchmates na nagtatalo sa kung sino ang pumatay sa ibang kasamahan nila.

Ngayon pa lang ay nagbubunyi na siya sa kanyang kaloob-looban dahil alam niya na malapit niya ng makamit ang hustisya na matagal na niyang inaasam.

Ngayon ay palihim niya ring tinitignan ang apat na gunggong na nagsusuntukan. 'Hindi ko na pala kailangang patayin mga to eh dahil sila na mismo ang pumapatay sa sarili nila.' sabi niya sa sarili

Hindi nga nagtagal ay napatay ni MJ si RJ gamit ang malaking bato na ginamit niya sa pagpukpok nito sa ulo ni RJ ng maraming beses. Napatay din ni Rico si Franklin. At ng mamalayan ni MJ na tumayo si Rico at akmang aalis ay kaagad niya itong inambahan ng sapak sa ulo gamit pa rin ang bato na hawak-hawak niya. Ipinukpok niya ito ng paulit-ulit sa ulo ni Rico hanggang sa tuluyan ng mawalan ng buhay ang isa.

Aalis na din sana siya pagkatapos kaso may bigla namang pumaslang sa kanya mula sa likod. Sumuka siya ng napakaraming dugo bago siya mawalan ng buhay.

"Pa'no natin to ililigpit eh ang laki ng katawan ng mga taong ito?" tanong nung kasama niya

"Ewan muna natin to dito." sagot naman ng pumaslang.

___

Yung iba naman sa batchmates ay pumasok ng mansyon at dali-daling umakyat ng second floor upang humingi ng tulong sa mga caretakers. Nasa second floor kasi ang kwarto ng mga ito.

Hingal na hingal sila ng makalapit sila sa pinto ng kwarto.

"Tulong!"

"Tulong po!"

"Pagbuksan niyo po kami!"

Bumukas ang pinto at ang mukha ng isa sa mga caretaker ang bumungad sa kanila.

"Tulungan niyo po kami." pagmamakaawa ni Julius

"Ano ba ang nangyayari at bakit parang nagkakagulo kayo?" tanong ng caretaker

"Nalaman po kasi namin na yung ibang kasamahan namin ay namatay po at ang mga kasama din namin sa ibaba ay nagkakagulo na rin." paliwanag ni Rona

"O siya sige. Dumito muna kayo sa loob." sabi ng caretaker at pinapasok sila sa loob ng kwarto.

Nagulat sila ng pagpasok nila ay may isang taong nakaupo sa upuan na may hawak na bareta o crowbar at martilyo. Naka suot ito ng black na cap, facemask, at hoodie. At bigla din itong nag-angat ng ulo saka dahan-dahan na tumayo sa kanyang kinauupuan.

Sa sobrang takot ay tumalikod sila upang lumabas na ng kwarto kaso pagtalikod nila ay siya namang paglabas ng caretaker sa kwarto at isinara ang pintuan. Narinig din nila ang pag click nito hudyat na ini-lock din nito ang pinto.

Agad silang napasigaw ng makalapit na sa kanila ang taong may hawak na crowbar at isa-isa silang pinagpapaslang nito. Nanlaban sila pero wala isa sa kanila ang nanalo. Isa ang modelong si Jeymar Reyes ang napaslang sa loob ng kwartong iyon.

Mula sa labas, rinig na rinig naman ng caretaker ang mga sigawan at paghingi ng tulong ng mga tao na nasa loob ng kwarto. Napangisi siya sa nangyari bago umalis.

___

Sa kabilang dako, magkasamang tumakbo ang magkasintahang Kiel at Lendie. Hindi nila alam kung saan sila pupunta ang importante ay makahanap sila ng lugar na maaaring pagtataguan.

Pero sa kakatakbo nila ay hindi nila namalayang wala na pala silang aapakan na lupa. Kaya sa huling hakbang ni Lendie ay nalaglag siya ngunit nahawakan ni Kiel yung kamay niya kaya hindi siya tuluyang bumagsak. Ang kababagsakan ni Lendie ay isang sapa pero kapag tuluyan siyang malaglag ay hindi sa tubig ang bagsak niya kundi sa naglalakihang bato. Medyo mataas-taas rin ang kababagsakan niya kaya kinakabahan na siya.

"Babe, kapit lang." sabi ni Kiel sa kanya pero umiling lang siya.

"Hayaan mo na ako rito. Umalis ka na. Tumakas ka na please. Humanap ka ng paraan na makalabas sa lugar na ito. At kapag nakalabas ka, humingi ka ng tulong. Babe, balikan mo mga kaibigan ko lalo na si Isla kapag nakahingi ka ng tulong okay?" naiiyak niyang sambit sa kasintahan

"Hindi.. hindi kita iiwan dito. Sabay tayong lalabas sa lugar na to. Basta kumapit kalang ng mahigpit dahil hihilahin kita ng dahan-dahan okay?" pati si Kiel ay naiiyak na rin

Nakadapa si Kiel at tatayo na sana siya ng may bigla humila sa mga paa niya dahilan para mabitawan niya ang kamay ni Lendie.

Nahulog ng tuluyan si Lendie at bumagsak ito sa malaking bato. Dumanak ang mga dugo niya pababa sa tubig ng sapa. Bali-bali ang mga kamay at paa.

Si Kiel naman ay inambahan agad ng saksak pagkaharap nito sa taong humila sa mga paa niya. Pinagsasaksak siya nito ng maraming beses saka hinila ulit at dinala doon sa area kung saan nakalibing ang mga kasama niya.

___

Si Klent at Paco ay magkasama na nagtago sa madilim na parte ng maliit na kubo. Pasimple rin silang sumisilip dahil baka bigla nalang sumulpot ang killer.

"Naniniwala ka ba na si Jedrick ang nasa likod ng pangyayaring ito?" bulong ni Paco kay Klent

"Hindi ko rin alam eh. Ang gulo kasi." sagot ni Klent

"What if si Isla pala? Naalala mo yung itsura ng mukha niya ng sabihin niya na baka mapatay niya si RJ? Nakakatakot dre." bulong ulit ni Paco  at nanlaki naman ang mga mata ni Klent ng maalala niya ang itsura ni Isla kanina

"Tapos magkasabwat silang apat.? Magkakasama pa naman silang apat sa iisang kwarto. Narinig ko rin na si Isla mismo ang nakiusap kay Jac na isama silang apat sa iisang kwarto."
sabi din ni Klent

"Gagi..." ang tanging nasabi lamang ni Paco

"E on mo nga flashlight ng cellphone mo." utos nito kay Paco at tumalikod para sumilip sa labas.

Pero ang hindi alam ng dalawa ay may tao na pala sa likuran nila. Palihim itong tinakpan ang ilong at bibig ni Paco at hinila ng dahan-dahan.

Nagsalita si Klent pero hindi niya alam na wala na pala sa likuran niya ang kinakausap niya. "Hoy Paco sabi ko sayo e on mo ang flashlight ng phone mo." sabi niya

"Napakatagal mo nam---" natigilan siya ng paglingon niya ay wala na si Paco.

"Nasaan na ba ang taong yun?" bulong niya sa sarili.

Dahan-dahan siyang tumayo at aalis na sana siya sa pinagtataguan niya pero bago pa man siya makalabas ng tuluyan sa maliit na kubo ay may sumalubong na sa kanya.

Hindi niya makita ang mukha dahil nakayuko siya pero kitang-kita niya kung ano ang dala nito. Isang kutsilyo.

Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya at pag-angat niya ay bigla siya nitong sinaksak sa leeg...


_

A/N: ang bilis naman ata nung killer👀









© 𝟐𝟎𝟐𝟑 | 𝐀𝐥𝐥 𝐑𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 𝐑𝐞𝐬𝐞𝐫𝐯𝐞𝐝

𝓚𝓪𝓷𝓰𝓬𝓱𝓮𝓸𝓵

ALFARO MEMORIAL COLLEGE: The ReunionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon