CHAPTER 10

529 17 0
                                    

ISLA CELLENHA

Reunion Day 1




"Love, what happened? And why is your face like that?" tanong ko sa kanya

"H-huh?! Ah w-wala." ba't parang nauutal to

"At saan ka naman galing? Kanina pa kita hinahanap, bakit bigla ka nalang nawala?"

"Ahm, a-ano mahal ah n-naghahanap lang ng kahoy k-kasi diba magkakaroon ng bonfire b-bukas?" hindi ako kumbinsido... kapag kasi nauutal to, ibig sabihin may nagawa tong hindi maganda.

"Oh, okay. Maligo ka muna at magbihis dahil 6pm daw magsisimula ang party." sabi ko sa kanya at nagmadali naman siyang pumunta ng banyo.

Grabe hindi man lang ako binigyan ng halik...

_______

Pagkalabas namin ng mansyon ay bumungad kaagad sa amin ang malakas na musika. Grabe ang bilis naman ata nilang nakapaghanda parang naliligo pa yun sila kanina sa dagat ah.

Ay! Tumulong din pala ang mga caretakers sa paghahanda at pag dedesign.

Floral dress ang suot ko ngayon then Chanee's outfit is hawaiian polo na pinaresan niya ng short. Yan din kasi ang dress code na sinabi ni Jac sa amin.

Andito na rin pala ang mga kaibigan ko pati na rin mga kaibigan ni Chanee.

Magkahawak kamay kaming dalawa na lumapit sa kanila. "Hi, bitches." bati ko sa mga haliparot.

"Hi babe." bati ni Crissanta at akma na sanang lalapit ito kay Chanee pero pinigilan ko.

"Subukan mo lang. Bibigwasan kita." banta ko sa kanya na ikinaikot ng mga mata niya.

Natawa nalang ang iba naming kaibigan. "Better luck next time, bitch." pang-aasar ni Shaira

"Ah, mahal. Dun muna ako kina Jedrick ha?" paalam ni Chanee sa akin kaya ni lingon ko siya at nginitian.

"Okay sige." pagpayag ko. Nasa kabilang side lang din kasi sila ni Carlyn.

Pagkaalis ni Chanee sa tabi ko ay nagsimula namang magdaldalan mga kaibigan ko.

"Bakit antagal niyong bumaba ni Chanee? Nag jugjugan kayo noh?" malisyosang tanong ni Lendie

"Of course not. Hinintay ko lang siyang matapos maligo at mag-ayos." deny ko sa sinabi niya... totoo din naman, wala naman talagang nangyari.

"But I have something to tell you. May tiwala naman ako sa inyo kaya ko 'to sasabihin pero wag niyong sabihin kahit kanino ha, secret lang natin. Hindi ko pa din 'to nasabi kay Chanee, sa inyo palang. Kaya wag kayong maingay ha?" naintriga naman sila sa sinabi ko kaya seryoso silang nakikinig.

Pag chismis talaga pag-uusapan, lumalaki agad tenga ng mga ito.

"What is it?"








"I'm pregnant." nanlaki mga mata nila sa sinabi ko.

"WHAT?!" grabeng reaction, mga OA talaga. Napatingin tuloy sa gawi namin ang karamihan lalo na sina Chanee

"Sshhhh... Kakasabi ko lang na wag maingay eh."

"Ay sorry sorry. Naman kasi, bakit hindi si Chanee ang una mong sinabihan?"

"Plano ko kasing sabihin sa kanya to after ng reunion natin."

"Ilang months na ba yan?" Charity asked

ALFARO MEMORIAL COLLEGE: The ReunionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon