CHAPTER 13

463 17 0
                                    

ISLA CELLENHA

Reunion Day 2



"Guys, mag breakfast na daw tayo." tawag sa amin ni ate Badi

Iniligpit na namin yung blanket na inilapag namin at sumunod na kay ate Badi papasok ng mansyon.

Pagkarating namin sa dining area ay kompleto na ang lahat. Andun na rin si Crissanta at Carlyn.

Ano kaya reaction nila pag gising?

Habang kumakain kami ay panay lang sulyap ko kay Criss at Carl. Si Carlyn ay nakayuko lang habang kumakain. Magkaharap sila ni Crissanta kaya siguro hindi ito nag-aangat ng tingin.

"Crissanta, saan ka natulog kagabi?" tanong ni Shaira ngunit tinignan lang siya nito at ngumisi.

Nakita ko naman na pinamulahan ng mukha si Carlyn kaya napangisi rin ako ng palihim.

Sus! Kung alam mo lang Shai kung sino kinalantari niyan kagabi.

"Ano gagawin today?" tanong ni Hannah

"Wala tayo gagawin ngayon. Kayo na bahala kung ano trip niyo ngayon. Pwede kayong maligo ulit sa dagat." sagot ni Jac

"Leizel, Jeymar please get ready. May photoshoot tayo later at 8 am. Pakihanda nalang din ng mga gagamitin nila Cej." sabi ni Dave at nag thumbs up naman ang tatlo.

Matapos kumain ay nag volunteer ang boys na sila na daw ang maghugas ng mga pinggan dahil yung girls naman daw ang nagluto kanina.

Sinapian siguro ng mga masisipag na espiritu 'tong mga ito...

Kami naman ni Chanee ay bumalik muna sa kwarto namin para magbihis. Nagyaya kasi ang tukmol na maligo ng dagat.

_________

THIRD PERSON'S POV


Ngayong umaga ang tanging ginagawa lang ng iba ay naliligo sa dagat, yung iba gumagawa ng castle na gawa sa buhangin, meron ding busy sa pagkukwentuhan, nag-seselfie, nagvi-video at kung ano-ano pang ginagawa nila.

"Wala pa rin bang signal?" tanong ni Charlyn sa mga kaibigan niya

"Ano ka ba, wala naman talagang signal dito." sagot naman ni Shaira

"Try mo ngang umakyat dun sa mga puno Shai. Hanap ka signal tapos pag nakahanap ka na, chat mo parents ko." ito na naman ata simula ng bardagulan ng dalawa

"Inuutusan mo ako?! Ba't di ka nalang umuwi. Lumangoy ka nalang tutal mukha ka namang pating."

"Tumigil na nga kayo! Hindi na talaga natatapos yang bangayan niyo!" saway sa kanila ni Charity

Samantalang yung iba naman ay natawa sa mga pinag-gagagawa ni CJ at Jedrick. Nasa dagat sila ngayon naliligo. Kinarga kasi ni Jed si CJ na parang bata kaya pareho silang natumba lalo pa't mas malaki si CJ kontra kay Jed.

Magkasama naman ngayon si Chanee, Isla, Jac at Hero. Habang masayang nagkukwentuhan. They also talk about all the good memories nila before. At napapailing nalang sila nang maalala nila ang mga kalokohan ng Batch 2018 noon.

"Kamusta naman ang mga students ngayon sa AMC, Jac? Matitino ba?" tanong ni Chanee

"Mas matino talaga ngayon kumpara sa atin noon. Hindi sila sakit sa ulo sa totoo lang." natawa naman ang tatlo sa sinabi ni Jac

"Naalala ko pa kung gaano to ka na stress dati sa atin eh. Imbes na yung Dean at VPAA yung ma stress, siya yung na stress HAHA." natatawang saad ni Hero

ALFARO MEMORIAL COLLEGE: The ReunionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon