Episode 1: Familiar

412 18 0
                                    

ROBERT POV

"Unlike most humans, familiars are aware of the existence of vampires and choose to act as servants for their vampire master(s), in the hope that they will eventually be turned into a vampire themselves as a reward.

Many familiars will carry out tasks that can be difficult for vampires to do, such as covering up sunlight in their homes, helping them travel to distant places by shipping them, finding other humans for vampires to eat and hiding the evidence of victims."

Ito yung mababasa mong "meaning" ng salitang "vampire's familiar" sa mga aklat at sa internet. At sasabihin ko sa inyo ngayon na ang lahat ng ito ay totoo at walang halong palabok. Dahil ako mismo ay servant ng isang mataas na uri ng bampira at hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking isipan kung paano ba nagsimula ang lahat.

Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Robert Alexander Guillen, ngayon ay nasa edad na ako ng 25 at may taas na 5'9. Galing ako sa isang mahirap na pamilya at bago ako maging familiar o servant ng isang vampire ay nag t-trabho ako bilang isang waiter sa umaga at macho dancer sa gabi.

19 years old ako noong maging dancer. Ako yung pinaka star ng bar at lahat ng mga customers ay inaabangan ang paggiling ko sa entablado suot ang brief at nakabuyayang aking mura at magandang katawan. Well, wala naman talaga itong kinalaman sa kwento ko, sinabi ko lang ito para may idea kayo kung gaano ako kagwapo at ka-hot noong mga sandaling iyon. Priority sa akin ang magpaganda ng katawan at alagaan ang aking looks dahil dito ako nagkakapera.

Bata pa lang ako ay mahilig na akong magbasa ng mga aklat tungkol sa mga vampire katulad ng Dark Prince, Interview with the Vampire, The Vampire Diaries, Chosen at iba pa. Naadik din ako sa mga movies katulad ng Twilight, Dark Shadows, Underworld at kung ano ano pa na may kinalaman sa mga bampira. Para sa akin ay napaka sexy nila, mapang-akit, makapangyarihan at malayang gawin ang mga bagay na nais nila. Nakakalipad, nakakatakbo ng mabilis at nakakagawa ng mga milagro na parang isang nabubuhay na Diyos. Nakakapag-transform sila sa iba't ibang form, may hynoptic ability at mabilis silang makapang-akit base sa kanilang physical appearance. Ito yung mga bagay na gustong gusto ko sa kanila kaya't nangangarap akong maging isang vampire.

Ang akala ko noon ay fantasy lang ito, hanggang sa dumating ang pangyayari na babago sa takbo ng buhay ko. At iyon ay nagimula sa isang booking na isi-net up ng isang kaibigan.

"Sure ka ba dito pare? Sasayaw lang ako ha, baka maya maya may iyutan to?" ang tanong kay Emerson, regular na costumer sa bar kung saan ako nagt-trabaho.

"Oo pare sure yan, gusto lang nila ng entertainment. Ano pre, sayang iyan. Saan ka naman kikita ng 10k sa isang gabi lang," ang sagot ni Emerson.

"O sige pare, game ako dyan, basta safe to ha," ang tugon ko.

Tinapik ni Emerson ang balikat ko, "Oo pre, syempre safe ito dahil nandoon naman ako diba? Sasamahan kita kaya wag kang mag-alala."

At iyon ang set up, tinanggap ko ang raket na ibinigay ni Emerson sa akin. Maraming kumukuha sa akin sa mga bachelorette party at sa mga gay party para doon ay magsayaw at mag enterntain ng mga bisita. Kadalasan ay hinihimas-himas nila ang aking hubad na katawan habang gumigiling kasabay nito ang pag-ipit ng tip sa aking brief. Dito talaga ako nakakaipon ng malaki, pero hanggang doon lang iyon dahil hindi ako nagpapaunlak ng sex lang.

Pinuntahan ko ang address na ibinigay ni Emerson, medyo may kalayuan ito dahil nakailang transfer din ako ng bus bago makarating sa pinakaliblib na parte ng siyudad malapit sa kabundukan. Nagulat na ako na isa pala itong malaking mansyon na may kakaibang desenyo. Habang nakatayo ako sa lumang tarangkahan ay naalala ko tuloy yung nabasa kong libro, karaniwan ay sa ganitong lugar nakatira ang mga vampires suot ang kanilang magagarbong gothic dress at suit.

Medyo na excite ako at kinabahan rin at the same time. Parang napaka creepy ng lugar pero sobrang unique nito para sa mga katulad ko na mahilig sa mga weird na bagay.

"Pare, ano pang tinatayo mo dyan? Tara na! Aba late ka na," ang wika ni Emerson noong makita akong nakatyo sa gate.

"Pasensiya na pare, ang layo pala nito. Saka paano mo ba nalaman ang tungkol sa raket na to? Kakahuyan na to ah," ang sagot ko sa kanya habang pumapasok kami.

Noong makapasok kami sa bulwagan ng mansyon ay nagulat ako dahil magarbo pala talaga ito at mayroon mataas na hagdan sa gitna. Punong puno ng kandila at dim light na kulay pula sa paligid. Magarbo rin ang set up ng mga cocktail table sa paligid. Mayroon nang mga bisita sa loob ng bulwagan. Yung mga babae ay nakasuot ng sexy cocktail dress at yung mga lalaki naman ay nakasuot ng mga semi formal attire, long sleeves na pinatungan ng mga vest.

Sa gitna ng bulwagan ay mayroong entablado, dito ay umakyat na ang ilang lalaking dancer na nagsimulang gumiling sa itaas nito. "Gulat ka no, hindi lang ikaw yung dancer dito. Kumuha rin ako sa ibang bar. Nakakahiya naman kasi na papagilingin kita ng buong magdamag. Nga pala ipapakilala kita sa boss ko," ang wika ni Emerson.

Lumakad kami patungo sa isang lalaking nakasuot ng puting long sleeve, ngumiti ito noong makita ako, "Robert, siya si Lord Magnus ang boss ko. Kaarawan niya ngayon kaya nagpatawag siya ng party," ang pagpapakilala ni Emerson.

"Kumusta ka Robert? Alam mo naikwento sa akin ni Emerson na mahusay ka daw mag perform. Ilang beses ko na rin tinangka na panoorin sa pinagtatanghalan mo pero talagang busy ako. Siguro kung ang tanong mo ay kung bakit puro lalaki kayong dancer. As you can see, karamihan dito ay babae, gusto ko lang silang maentertain," ang nakangiting pagbati niya sa akin.

"Don't worry sir, gagalingan ko para matuwa sila," ang sagot ko sabay kamay sa kanya. Kakaiba ang lambot ng kanyang palad, bukod pa roon ay malamig ito na parang may yelo.

Muli kaming lumakad ni Emerson patungo sa likod ng entablado at dito ay nagsimula na rin akong maghubad ng damit at magpahid ng lotion at pampakintab sa aking katawan. "Ganda ng katawan mo pare," ang wika ni Emerson.

Ngumiti ako, "ito kasi ang puhunan ko kaya kailangan alagaan. Ikaw pre ha, di mo sa akin sinasabi na napakayaman pala nitong amo mo," ang biro ko.

"Oo pre, mayaman talaga siya at itong old mansion na ito ay nirentahan lang ng boss ko sa halagang 800k sa isang gabing party," ang sagot niya sa akin.

Alas 8 ng gabi noong magsimula akong umakyat sa entablado. Ang lahat ng ilaw sa paligid ay namatay ng ilang sandali at noong sumindi ito ay tumamang lahat sa aking katawan. Mga pulang liwanag na masakit sa mata ngunit ako ang naging sentro ng atraksyon noong mga sandaling iyon.


The Vampire's Familiar Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon