THIRD PERSON
"Nasaan ako? Anong nangyari sa labanan?" tanong ni Robert noong magising ito. Dito ay nakita niya ang gwapong mukha ng kanyang master.
"Tapos na ang labanan, nanalo tayo. Kaso nga lang ay nawalan ka ng malay kaya binuhat kita na parang isang asawa at dinala dito sa aking silid para gamutin, may masakit pa ba sa iyo?" tanong ni Alejandro. Pero hindi naman talaga siya ang nag-uwi kay Robert kundi si Carton, hinila siya nito na parang sako ng bigas pauwi sa mansyon at si Carton din ang gumamot sa kanya.
Ngumiti si Robert, "talaga master? Concern ka sa akin? Ang akala ko talaga ikaw ang naglagay ng pangalan ko sa box para mamatay na ako."
"Bakit ko naman gagawin iyon sayo?" ang tanong ni Alejandro.
"Dahil di mo naman talaga favorite si Robert, mas gusto mo yung familiar mo dati, ano na bang pangalan non, yung parang bulang biglang nawala. Ayun si Yang, mas gusto mo siya kesa kay Robert," ang sabad ni Felix.
"Hoy Felix, huwag mo nga akong gawan ng issue. Si Yang ay ang pinakahuling familiar ko bago ako makulong ng mahigit 45 years. Wala na akong balita sa kanya, basta ang alam ko ay hinalikan siya ni Baron Flanagan. Ang halik ni Baron Flanagan ay maaari kang pagkalooban ng imortalidad o kamatayan. Ewan ko sa dalawa," ang wika ni Alejandro.
"Nakikita ko ang lungkot sa mga mata mo pinsan," ang hirit ni Felix.
"Gago, doon ka na nga! Hindi ka pa ba nabubusog?" ang sagot ni Alejandro sabay sipa dito.
"Wala naman akong balak na maging vampire's favorite pet, ang mahalaga sa akin ngayon ay buhay ako at nakakatulong ako sa pamilya ko sa kabila ng kaliwa't kanang gulo na kinakaharap ko," ang bulong niya sa kanyang sarili.
"May masakit ba sa iyo Roberto?" tanong ni Alejandro.
"Wala master," ang sagot ng binata, sabay bitiw ng isang hilaw na ngiti.
Lumipas ang mga ordinaryong araw, balik sa normal ang lahat. Bumuti na rin ang lagay ni Robert at wala na ring mga werewolf ang gumugulo sa kanilang bakuran. Tuloy rin ang mga routine task bilang familiar. Dahil sa marami ng nawawalang mga adik at pokpok sa bayan ay nagpasya naman si Robert na lumipat na ng target area bago pa siya paghinalaan.
"Bakit ba kasi sumama ka pa sa akin master? Pwede ka naman maiwan doon sa kotse," ang wika ni Robert habang lumalakad sila sa maliwanag na siya. Malamig ang gabi at romantiko ito dahil sa magagandang ilaw sa paligid.
Pareho silang gwapo kaya't napapagkamalan silang mga mag shota o kaya naman ay parehong call boy na naghahanap ng customer. Napaka gwapo ni Alejandro sa suot na hoodie at fitted ragged jeans. Samantalang si Roberto naman ay nakasuot lang ng t-shirt at fitted jeans. Nagmumukha lang silang couple dahil pareho sila ng kulay ng rubbershoes na suot.
"Gusto ko lang maglakad, ayaw mo ba akong kasama dahil natatalo kita? O baka naman mayroon kang pino-pormahan dito kaya gusto mong mag-isa kang naglalakad ha Roberto?" tanong niya sa familiar.
"Wala master, baka lang mapagod ka," ang sagot naman ni Roberto.
"Kapag napagod ako, pwede mo naman akong pasanin diba?" nakangising wika nito.
"Ang laki mo kaya, mas matangkad ka pa nga sakin e," ang sagot ni Robert.
"Wooo, kapag kinakabayo nga kita kinakaya mo e," ang hirit ni Alejandro sabay akbay kay Robert at muli silang naglakad sa parke.
"Ay ang sweet naman nila, nakakalikig naman," ang wika ng mga babaeng nakakasalubong nila. Samantalang sumasakay naman si Alejandro at ngumingiti sa mga ito. Kahit paano ay ineenjoy niya ang night life na parang isang normal na tao.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Familiar Chapter 1
Vampiros"Unlike most humans, familiars are aware of the existence of vampires and choose to act as servants for their vampire master(s), in the hope that they will eventually be turned into a vampire themselves as a reward. Many familiars will carry out tas...