Episode 23: Ang Taktika ni Dale

118 8 1
                                    

Episode 23: Ang Taktika ni Dale

THIRD PERSON POV

Entry 13

Hindi ko alam kung ano ba talaga ako kay Master Alejandro, gusto ko siya at nahuhulog na ako sa kanya pero para sa kanya ay isa lang akong parausan. Ginagamit kung kailan niya naisin at wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. Ganyan ba talaga siya kalupit? O hindi lang talaga siya marunong magmahal?

Kung sabagay, tama naman siya dahil kaming mga tao ay tatanda at mamamatay. Sila ay habang buhay na lalakad sa mundo at makaka kilala ng iba't ibang tao.

Entry 14

Tuluyang naging magulo ang sitwasyon, ngayon nandito ako sa aking silid, nakatago sa loob ng cabinet. Sinalakay ng mga kampon ni Baron Flanagan ang mansyon at pinatay niya ang lahat ng mga kaibigang bampira ni Master Alejandro. Natatakot ako at hindi ko na alam ang gagawin ko, naririnig ang sigawan, ang mga kalampag doon sa labas. Kahit takpan ko ang aking tainga ay wala akong magawa para takasan ang takot sa aking dibdib.

Sa palagay ay ito na ang pinakahuling entry na maisusulat ko sa aking diary dahil ngayon ay masisira na ang pintuan ng aking silid makakapasok na sila dito.

Palakas na ng palakas ang kalabog hanggang sa tuluyan silang marating dito sa aking kinalalagyan at..

**Dugo***

(Puro patak ng dugo sa pahina)

******

Tahimik.

Natigilan si Robert sa pagbabasa dahil tapos na ang entry at ang confession ni Yang ay nauwi yata sa isang trahedya. Hindi niya akalain na ganoon ang nangyari sa dating familiar ni Alejandro kaya't magkahalong takot at awa ang naramdaman niya noong mga sandaling iyon.

Ilang minuto rin niyang hawak ang diary ni Yang at noong mahimasmasan ay ibinalik na lang niya ito sa cabinet. Kasabay nito ang pagkatok ni Alejandro sa kanyang pintuan. "Hoy, Roberto, bakit hinahayaan mo si Dale ang mag dispose ng mga bangkay doon sa labas? Tatamad tamad ka na ba talaga? Ilang taon ka pa lang sa akin ganyan na ang pakita mo," ang sermon nito.

Bumangon ang binata at humarap at humarap sa kangang amo, "ilang taon?" tanong nito.

"Ilang taon nga ba? Alam mong hindi na ako nagbibilang ng taon dahil wala rin naman itong epekto sa buhay ko," tugon ni Alejandro.

Natawa si Robert, "Yan, kasi wala kang pakialam sa mga familiar mo kaya di mo alam kung ilang taon na silang nagpapaalila sa iyo. At FYI matagal na ako dito nagpapaka tanga para sumunod sa mga gusto mo. Sa mga taon na iyon ay kinilala mo ba ako? Hindi naman diba? Kaya napakadali para sa iyo na maniwala sa pakitang tao lang ni Dale kaysa sa akin na matagal mo nang nakasama," wika ng binata sabay labas sa kanyang silid. Iniwanan niya si Alejandro na nakapako sa kanyang kinatatayuan.

"Hoy, wag mo nga akong tinatalikuran," ang napipikon na paghabol ni Alejandro sabay hawak sa braso ng kanyang familiar. "Tatalikuran mo lang ako kapag dinodoggy kita, maliwanag ba?"

"Sira, ano ba kasing gusto mo?" tanong ni Robert na may halong pagkainis.

"Dalawang bagay ang kailangan ko sa iyo, UNA ay huwag kang tatamad tamad at gawin mong mabuti ang trabaho mo para matuwa ako sayo at gawin kita agad na kalahi ko. IKALAWA, maawa ka naman kay Dale, halos siya na ang gumagawa ng mga trabaho mo," ang wika ni Alejandro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Vampire's Familiar Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon