Prologue

895 44 3
                                    

Makatapos ang buong araw na pagsunod at paglilingkod kay Alejandro ay lumapit siya sa akin na mayroong ngiti sa kanyang labi. Kaya naman ngumiti rin ako at lumapit sa kanya. "Roberto, ngayon pala ang ikalawang taon mo ng paglilingkod sa akin bilang familiar. Natutuwa ako sa hardwork at dedikasyon mo," ang wika niya sabay tapik sa aking balikat.

"Master, pang anim na taon ko na ito sa iyo," ang pagtatama ko na punong puno ng paggalang.

Natawa siya at napakamot ng ulo na parang nahiya. "Anim na taon na ba? Parang napaka bilis naman yata ang panahon. Happy anniversary sa iyo Roberto, at dahil dito ay mayroon akong inihanda para sa iyo."

Napaisip ako, ano kaya ang regalo ni Master sa akin? Siguro tutuparin na niya ang pangako niya na gagawin niya akong kagaya niya na isang vampire. Excited na talaga ako at handa na akong maging isang imortal!" ang wika ko sa aking sarili sabay alis sa butones ng aking collar shirt, inilabas ko ang aking leeg at inihain ito sa kanya. Pumikit ako at inihanda ko ang aking sarili sa kanyang pagpapataw ng pinakamagandang sumpa sa akin.

"Handa na ako master, kagatin mo na ako! Gustong gusto kong maging kagaya mo," ang bulong ko pa at mas inilabas ko pa ang aking leeg.

Maya maya ay lumapit siya sa akin at kinatukan ako sa ulo, "Ey, bakit ba nakaganyan ka Roberto? Mukha kang tanga, umayos ka nga ng tayo. "Eto na ang regalo sa iyo! TADDDAAA! Happy anniversary Roberrttooo!" ang wika niya sabay bigay sa akin dalawang cute na manika. "Ang cute diba, tayong dalawa iyan. Diba ang sweet ko? Idisplay mo ito sa kwarto mo para lagi mo akong maalala," ang hirit pa niya.

Napangiwi ako at medyo nadisappoint. Hindi naman ito yung gusto kong regalo. Pero wala naman akong nagawa kundi ang kuhanin ang bagay na ibinigay niya. "Salamat Master," ang tugon ko.

"Naku, wala iyon. Alam kong kinikilig ka dahil binigyan kita ng regalo. O siya, matutulog na ako, siguraduhin mong nakababa ang lahat ng kurtina dahil baka may pumasok na liwanag, ayokong nasisinagan ako ng araw maliwanag ba?" ang wika niya sabay akyat sa kanyang magarbo at gintong gothic coffin.

"Teka Master, alam kong hindi dapat ako nagtatanong pero gusto ko lang malaman kung kailan mo ba ako gagawing isang bampira? Kasi gustong gusto kong maging katulad mo," ang paghabol ko.

Napatingin siya sa akin at ngumiti dahilan para lalong sumingkit ang kanyang mata. Ginusot niya ang aking buhok at nagwika, "malapit na, huwag kang mainip okay?"

Humiga ito at ibinaba ang takip ng kanyang kabaong, "Good night Roberto, paki patay na rin yung mga kandila bago ka lumabas," ang utos pa nito.

Ako naman ay nakatahimik lang at nakatingin sa kanyang kabaong. Nakakainis ang abnormal na bampirang ito, taon taon na lang ay pinapangakuan niya akong gagawing katulad niya pero hindi naman niya ginagawa. Hanggang kailan ba ako aasa? Nakakatampo na talaga at nakakapikon din sa kabilang banda. Gayon pa man ay mayroong isang parte sa aking pagkatao na nagsasabing "maghintay lang ako" at huwag basta sukuan ang mga bagay na abot kamay ko na.

"Roberto, nandyan ka pa ba?" ang pagtawag nito sa loob ng kabaong.

"Opo master," ang sagot ko naman.

"Huwag mong kalimutang ikandado lahat ng pintuan sa ibaba, maliwanag ba?"

"Opo master," ang tugon ko sabay ihip sa mga kandila.

"Good night Roberto," ang pahabol pa niya.

"Good night din, master."


The Vampire's Familiar Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon