Episode 20: Bloodline

74 7 0
                                    

Episode 20: Bloodline

THIRD PERSON POV

"Roberto nandyan ka ba? Na stock yung pintuan ng kabaong ko, hindi ako makalabas," ang patawag ni Alejandro.

Maya maya ay pumasok dito si Felix, "Pinsan nandyan ka ba sa loob?"

"Oo Felix, tawagin mo nga si Roberto, ngayon din," ang sagot ni Alejandro.

Natawa si Felix naisip niya na ifeed si Alejandro sa pamamagitan ng pang iinis dito. "Pinsan, name that tune," ang hirit nito at kinatok na kinatok ang takip ng kabaong ni Alejandro, ginawa niya ito parang tambol habang humihimig sa tono ng totoy bibo.

Naasar si Alejandro, "Tangina mo Felix lumayas ka ng dyan! Roberto! Nasaan ka ba??!"

"Hindi mo ba talaga alam yung tune na to?" ang patuloy na pang aasar nito.

Dumating naman si Robert at pinaalis si Felix na parang bata. "Doon ka na nga Felix, wala ka bang balak matulog? Bampira ka ba o Zombie?" ang tanong nito.

"Wala akong idea na nakakapuyat pala talaga ang mag trabaho sa call center ng magdamag," ang sagot nito sabay hikab pero agad niya hinila ni Robert palabas ng silid.

Binuksan niya ang kabaong ni Alejandro at sumingaw ang malamig na hangin sa loob nito. Dumilat ito at inirapan ang kanyang familiar, "akala ko ba binabantay mo ako? Bakit nakakapasok dito yung gagong Felix na yun para mang asar?"

"Sorry po master, kinuha ko kasi sa delivery box itong result ng bloodline assessment mo. Tadaa," ang excited na wika ni Robert.

Ang bloodline assessment ay ginagawa upang madetermine o malaman kung sino ang iyong mga ninuno at kung saan ka nagmula. Malalaman din dito kung kaninong dugo ng iyong ninuno ang dumadaloy sa iyong katawan. At kung ilang ang kamag-anak o kalahi mo sa buong mundo. Kariniwan ang bloodline assessment ay ginagawa ng mga taong walang pamilya o yung mga taong inaalam kung saang angkan at kaninong dugo sila nanggaling.

"At paano mo naman nagawa iyan? Siguro ninakawan mo ako ng tamod tapos ibinigay mo sa mga witches! Tama ba?" ang asar na tanong ni Alejandro.

"Teka bakit parang hindi ko maunawaan? Resulta lang naman to ang ginawa kong assessment sa internet," ang tugon naman ni Robert.

"Ah e, Robert my dear, let me explain. Alam mo noong sinaunang panahon, ang mga witches ay nagnanakaw o kumukuha ng semen o tamod ng mga vampire na lalaki at dito ay nalalaman nila kung sino ang mga ninuno ng mga ito. Ito yung "old way" para naka konekta kami sa mga ancestral namin. Gets? Kaya ganon na lang ang reaksyon ni Lord Alejandro," ang paliwanag ni Quintin.

"Bakit ganyan ang reaksyon niya e kung saan saan lang naman niya isinusumpit yung tamod niya," ang bulong ni Robert sa kanyang sarili sabay tingin at ngiti sa kanyang master na parang nagpapasensya bagamat gigil na ito. "Master, kasi sabi mo nung nakaraang araw gusto mong malaman kung mayroon kang kadugo dito sa mundo kasi pakiramdam mo nag iisa ka na lang. Kaya kinuha ko itong bloodline assessment sa internet para malaman natin kung mayroon nga at kung kaninong lahi ka nagmula. Saka huwag kang mag-alala hindi ko ninakaw ang tamod mo para ibigay sa mga mangkukulam. Ang ginamit ko lang dito ay yun pangalan mo at yung apeliyido mo," ang paliwanag nito.

Tumingin sa kanya si Alejandro, "sigurado ka?"

"Oo master, sigurado ako," ang sagot ni Robert, "kinuhanan rin kita Quintin at ikaw rin Felix," ang dagdag pa nito.

"Wow, how sweet naman! Thank you!" ang tugon ni Quintin at binuksan niya ang resulta ng kanyang assessment. "Wow, tulad ng inaasahan nagmula ako sa bloodline ni Azumarie Beauséjour, isang ancient beauty queen at tinaguriang queen of the night. No wonder kaya naman pala ako queenly at very diva dahil ang bloodline ko ay isang rare beauty queen! At wait, marami akong kamag anak na beauty queens sa iba't ibang panig ng mundo! Winner! OMG relatives ko si Gazini Ganados!" ang hirit nito habang kinikilig pa.

The Vampire's Familiar Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon