Episode 12: Trespassing

152 21 0
                                    

ROBERT POV

"Ano ba yung alulong na iyon? May werewolf ba sa bakuran?" ang wika ni Alejandro at lahat kami ay lumabas para hanapin kung saan nagmumula ang malakas na atungal ng aso.

Kung totoong werewolf nga ito ay unang beses kong makakakita ng ganitong nilalang kaya hindi ko maisalarawan ang nararamdaman kaba at excitement. "hoy Roberto, bakit ba nangunguna ka pang maglakad? Dito ka nga sa likuran ko," ang wika ni Alejandro.

"Oh dun ka lang daw sa likuran ng master slash boyfriend mo Roberto," ang sagot ni Quintin na may halong pagkantiyaw.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay natagpuan namin ang isang taong lobo na nakadapa sa lupa at sa kanyang paa ay mayroong bitag na bakal na nakaipit. Ang itsura nito ay ganoon nga sa mga nakikita at napapanood sa mga pelikula. Iba nga lang ang pakiramdam kapag nakita mo ito ng personal at malapitan.

"Ang baho, ang sakit sa ilong!" ang reklamo ni Quintin.

"Bakit ba mayroong werewolf trap dito sa bakuran? Sinong naglagay dito?" tanong ni Alejandro. Nilapitan niya ang taong lobo at ikinumpas ang kanyang kamay. Makalipas ang ilang saglit ay tila tumigil ito sa pag atungal at saka marahang nakatulog. "Ginamitan ko lang siya ng hipnotismong pa tulog," ang dagdag ni Alejandro habang inaalis ang bakal na bitag sa paa nito.

Noong maalis ang bakal na nakaipit sa kanyang mga binti ay unti unti itong naging tao. Isang lalaking nakahubad at pantalon lamang ang suot. Nanatili itong nakadapa sa lupa ang walang malay.

"Bakit may werewolf trap dito? Sino sa inyo, Felix at Quintin ang naglagay nito dito?" tanong ni Alejandro.

"Wala akong agenda sa mga werewolf na iyan kaya 100% na hindi ako ang may gawa," ang sagot ni Felix sabay kibit balikat.

Lahat kami ay natingin kay Quintin dahil siya na lang ang remaining suspect, "Hoy Quintin, ikaw ba ang naglagay nito?"

Natahimik si Quintin, "Okay FINE! Ako nga naglagay niyan. Hindi niyo ba alam kung nasaan tayo? Nandito tayo sa Quintin's Garden!" ang hirit nito sabay turo sa karatulang naka kabit sa puno.

"Hardin ni Quintin."

"Hindi niyo ba alam na dito ako nagpapatubo ng mga violet roses na inilalagay ko doon sa bulwagan ng mansyon para maging si Guinevere na ako! Tapos kanina habang namimitas ako ay may naamoy akong hindi kanais nais! Ayoko na ngang mga explain ng todo! Roll VTR na lang!"

FLASH BACK

Kanina matapos lumubog ng araw ay lumabas ako dito para mamitas ng mga violet roses suot ang aking sexy gothic outfit na pang sexy maid cosplay. Habang naglalakad ako dito dala ang basket ay kumakanta kanta ako.

"Tigidong tigidong tigidong! Nagsalsal na si Dodong! Mula ng makita ang butas ko at kweba. Ganyan ang dalaga lalo kung mayroong regla!"

Tigidong by Ali Soto, search niyo na lang sa youtube, mga putangna mag eexplain pa ba ako kung ano yung kinanta ko? Anyway tuloy tuloy akong naglakad hanggang sa makarating ako dito sa Quintin's Garden.

Habang namimitas ako ng flowers ay may naamoy akong isang masangsang na amoy. Tapos nasira pa yung ilang pananim ko sa baho nito! "Sniff, sniff, putang ina ihi! Ihi ito ng taong lobo! Dito pa talaga umihi sa hardin ko? Trespassing na nga namerwisyo pa!" ang galit kong salita sa aking sarili.

Lalo ko pang inamoy para makasigurado. "Pwe! Putang ina ihi nga! Pakshet to the highest level!" ang dagdag ko pa.

Dito ay nagdecide ako na kumuha ng werewolf trap at ilagay ito sa lugar kung saan umihi ang taong lobo. So gagawin nilang banyo ang garden ko? No way! Never! Over my dead sexy body!"

The Vampire's Familiar Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon