Episode 16: Ang Diary ni Yang

120 11 0
                                    

Episode 16: Ang Diary ni Yang

THIRD PERSON POV

"Pinsan, sa susunod na magsex kayo ni Robert pwede ba akong manood?" ang tanong ni Felix.

"Salahula, bakit naman, hindi ka pa ba nakakakita ng dalawang lalaking nagkakantutan? Gusto mo bang ipakantot kita kay Roberto ngayon?" tanong ni Alejandro, wala lang sa kanya ito. Yung parang tungkol lang sa kendi ang usapan.

"Dahil hindi pa ako nakakatikim ng energy mula sa dalawang nilalang na nagsesex. Sabi nila masarap daw ito at kakaiba sa pakiramdam," ang kaswal na sagot ni Felix.

"Echusero, ang sabihin mo gusto maranasang mabottom at mapasukan ng batuta sa pwet. Teka bakit ba ganyan ang itsura mo Felix?" tanong ni Quintin noong lumabas ito sa bulwagan ng mansyon.

Nakasuot si Felix ng corporate attire. "Ah oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa inyo na mayroon na akong work sa isang call center company, ang saya diba? Oh paano, aalis na ako dahil first night ko ngayon."

"Hala, good luck na lang sa mga kawork mo. Sigurado akong gagawing living hell ni Felix yung opisina nila. Poor people," ang sagot ni Quintin.

"Nasaan ba si Roberto? Ang sabi ko bilhan niya ako ng bagong t-shirt, hoodie at rubber shoes dahil gusto kong mag lakad mamaya. Para personal na humanap ng makakain."

"Alam mo gusto ko rin maglakad at mag night life! Sama naman ako sa inyo," ang hirit ni Quintin.

Samantala, hindi pa lumalabas si Robert ng kanyang silid, dito ay hawak niya ang diary ni Yang na dating familiar ni Alejandro at nagsimula siyang basahin ang mga pahina ng mga sinulat nito. Sobrang curious si Robert kung anong klaseng buhay ang mayroon si Yang noon bilang isang familiar ni Alejandro bagamat sa loob ng 250 years na pagiging imortal nito ay napakarami na ring familiar ang dumaan sa kanyang kamay simula pa noong 17th century.

Napansin din ni Robert ang dating ng mga entry, hindi ito araw araw dahil minsan ay linggo ang pagitan ng date bago ulit magsulat si Yang ng panibagong confession.

****

Entry 1

Ang aking buong pamilya ay nilapa ng mga taong lobo, isinalba lamang ako ni Lord Alejandro at ginawang alalay niya. Isang "familiar" kung tawagin.

Hindi ko alam kung masaya bang maging familiar, hindi pa rin ako nasasanay pumatay at humanap ng tao para ihandog kay Lord Alejandro. Yung unang dalawang kaklase kong dinala ko sa kanya ay minumulto pa rin ako hanggang ngayon. Halos tatlo gabi na akong hindi nakakatulog na maayos at hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito kakayanin.

****

Entry 2

Nagalit sa akin si Lord Alejandro dahil dinalhan ko siya ng usa at mga baboy ramo na nakuha ko sa bayan. Ang akala ko kasi pwede na itong pamalit sa tao. Mayroon kasi akong naririnig na kwento na mayroong mga vampire na hindi umiinom ng dugo ng tao, bagkus mga hayop lang ang kanilang binibiktima bilang pamalit sa kanilang pagkauhaw. Pero ngayong araw ay napatunayan ko na hindi totoo ang balitang iyon dahil halos sakalin ako ni Lord Alejandro sa matinding galit.

Kaya humanap na lamang ako ng taong pwedeng dalhin sa kanya upang kainin. Wala akong ibang target kundi yung lalaking nakilala ko sa plaza. Sana lang ay makita ko siya mamayang gabi.

****

Entry 3

Ngayon ay humanap ako ng dalawang virgin na tao, mabuti na lang at may nakilala akong dalawang nerd na estudyante na gustong makapasok sa mansyon para makita nila ang loob nito.

Ngayong araw ay darati ang isang espesyal na bisita, ang tawag nila dito ay Baron Flanagan. Isa makapangyarihang ancient vampire na kalahi nila Lord Alejandro. Virgins ang bloodlust ni Baron kaya dalawa ang pinapahanap sa akin upang ihandog sa kanya.

Natuwa sa akin si Lord Alejandro kaya't binigyan niya ako ng kwintas bilang pasasalamat sa aking ginawang pagdadala ng pagkain para kay Baron. Kung man yung nangyari doon sa dalawang nerd ay hindi ko na alam. Basta kinabukasan ay wala na silang buhay at ako na mismo ang nagtapon sa kanila sa hukay.

(NOTE: May mga sex scenes dito sa confession ni Yang, di ko lang sinama dito at sobrang conservative ng mga readers ko, baka mapagsabihan na naman akong "DISGUSTING!" lol. Bilin niyo na lang ang full pdf!)

****

ROBERT POV

"Hoy Roberto, lalabas tayo ngayon kasama si Quintin. Bakit ba nandyan ka sa kwarto? May problema ba? C'mon two weeks na magbuhat ng patayin ko yung butanding mong kaibigan. Nag iinarte ka pa ba?" boses ni Alejandro sa pintuan kaya naman initigil ko ang pagbabasa ng diary ni Yang at muli ito isinaulo sa cabinet.

Habang binabasa ko ang entry niya ay para bang nag t-time travel ako sa kanyang panahon. Bagamat ang tagal ng pagitan ng kanyang mga entry. Halimbawa yung "Entry 1" ay naka-date ng March 16. Ang kasunod na "Entry 2" ay nakadate naman ng April 10. Medyo tamad yata siyang mga entry o yung mahahalagang bagay lang ang kanyang isinusulat. Dito ko rin napag alaman na close pala si Baron Flanagan at Alejandro dati.

"Lalabas na master. Nag ayos lang ako ng mga damit ko," ang wika ko naman.

"Bilisan mo Roberto, alam mo namang ayaw na ayaw ko ang pinaghihintay ako diba?" reklamo nito.

Paglabas ko ng silid ay bumulaga sa akin ang gwapong itsura ni Alejandro. Hindi na siya mukhang bampira dahil mukha na siyang isang korean heart throb. Nakasuot ito ng hoodie at fitted na pants at mamahaling branded na rubber shoes. Kung pagmamasdan ko siya ngayon ay parang hindi siya yung Alejandro na binabanggit ni Yang sa kanyang diary.

"Oh bakit ganyan kang makatingin? Gwapong gwapo ka no? Siguro nalilibugan ka na ulit sa akin ngayon?" ang tanong nito.

"Bakit ba ganyan ang nasa isip mo master? Hindi lahat ng tao ay nalilibugan sa iyo. Yung paghanga na walang halong pagnanasa ay ang pinaka mataas na uri ng pagtangi," ang tugon ko naman.

"Nye nye nye, who cares!" ang pang aasar nito na parang bata.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang paglabas ni Quintin sa bulwagan. "Boys, I'm ready!" ang hirit nito. Suot niya ang itim na pants at bra na itim na mayroong baril. Nakasuot din ito ng wig na blonde at sapatos na mataas ang takong.

"Hoy Quintin, bakit ba may baril pa iyang suso mo? Ano naman ang ibig mong palabasin ngayon?" tanong ni Alejandro.

"Ano ka ba, ninakaw ko lang itong set ng damit na to kay Lady Gaga. Tayo na nga sa labas, namimiss ko na yung night life. Teka Robert, gusto namin ni Alejandro na maki-blend in lang sa mga tao. Wala kaming balak na mag-stand out sa crowd," wika ni Quintin.

Eh paano naman kaya mag b-blend in sa mga tao yung dalawa nato, sobrang gwapo ni Alejandro, halatang hindi na tao. At itong si Quintin may baril pa sa suso na paminsan minsan ay naglalabas ng ilaw na animo lusis. "Sure kayo, gusto niyong magblend in sa tao?"

"Yeah, kaya nga simple lang itong damit namin diba?" ang sagot ni Quintin.

Hindi na ako kumibo, patuloy lang akong nagdrive patungo sa siyudad. Well, kung tutuusin ay okay na rin yung suot nila na ganito. At least hindi yung gothic suit na parang sinaunang bampira ang datingan. At sana naman ay walang masamang mangyari ngayong gabi.

I mean, obviously may masamang mangyayari kasi nga hahanap sila ng pagkain pero sana wag naman yung kakilala ko dahil ayoko na maramdaman yung sakit na naramdaman ko noong mawala si Kenny.



The Vampire's Familiar Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon