Episode 8: Ang Hari at ang Alipin

202 18 0
                                    

ROBERT POV

Ang mga familiar ay parang mga best friend ng vampires.. okay mali.. slave. Kami ang mga best friend na alipin nila.

Ang trabaho ng isang vampire familiar ay hindi madali, mapanganib ito at nangangailangan ng matatag na sikmura. Sa paglipas ng mga araw ay tila nakakasanayan ko na rin ang ganitong gawain, madalas ay tumatambay ako sa bayan at nag iinvite ng mga taong pwedeng i-lure para gawing pagkain ni Alejandro. Kadalasan ay mga lalaki at bading ang naaakit sa akin, mayroon di namang mga babae pero bilang lang sa kamay.

Gumawa rin ako ng malaking hukay sa liblib na parte ng lupain ni Alejandro, dito ko hinihila at itinatapon lahat ng bangkay na nilalantakan ng mahusay kong amo at pagkatapos ay dito ko na rin ito sinusunog para walang ebidensiya. Yeah, I know masama ako pero ito yung trabaho ko bilang familiar. Ayon na rin sa nilagdaan kong kontrata bagamat hindi ko talaga ito naunawaan.

"Hoy Quintin, mga kaibigan mo ba tong mga to?" tanong ni Alejandro noong pumasok ito sa loob ng bulwagan ng mansyon at dito ay nakita niya ang ilang lalaking bampira naglalaro ng baraha.

Nagbigay galang ang mga ito, "Uy, si Lord Alejandro, kumusta po," ang pagbati nila.

"Huwag niyo nga akong pino-po. Hamak baby face ko sa inyong lahat. Sa inyo ba yung mga bangkay doon sa gilid?" tanong nito.

"Ah e, oo. Pinagsalu-saluhan namin kanina," ang sagot ni Quintin.

"Oh, anong balak niyo doon? Wala ba kayong mga familiar? Wala bang mag d-dispose ng mga pinagkalatan niyo? Saka pwede kung kakain kayo ay uubusin niyo muna yung isa bago lumipat sa bago. Linisin niyo ng yung mga bangkay dun sa gilid, napaka unhygienic nyo," ang sermon ni Alejandro.

"Ah e, Roberto pwede bang linisin mo muna yung mga nandon?" utos ni Quintin sa akin.

"Hindi susunod si Roberto sa inyo dahil familiar ko siya. Kayo na mismo ang maglinis ng mga bangkay don. Bilis na," ang utos ni Alejandro sabay panhik sa hagdan. Samantalang ako naman ay nakasunod lang sa kanya. "Hoy Roberto, ako lang ang susundin mo maliwanag ba? Kapag nalaman kong sinusunod mo ang utos nila ay malilintikan ka sa akin. Akin ka lang naiintindihan mo ba?"

"Opo, master," ang sagot ko naman. Pumasok kaming dalawa sa kanyang silid at tinulungan siyang alisin ang kanyang damit. Tila ba sanay na rin akong nakikita ang kanyang makinis at matipunong katawan. Kapag naliligo siya ay ako pa rin ang nagpupunas ng kanyang kahubaran. Kung minsan nga ay napapansin kong mas maputi pa ang bayag niya kaysa sa balat kong moreno.

"Roberto, may mga parte dito sa mansyon na dapat ay walang araw na pumapasok dahil si Quintin ay hindi naman immune sa sikat ng araw. Kaya nga sa umaga ay tulog iyon at nakakulong lang sa kanyang ataul. Minsan ay bisitahin mo yung mga parteng iyon at siguraduhin mong walang pumapasok na liwanag," ang bilin nito at tinulungan ko siyang humiga sa kanyang magarbong ataul.

"Opo master. May ipag uutos pa po ba kayo?" tanong ko sa kanya.

"Wala na, matutulog na ako at ayokong maistorbo. Kung may lakad ka ngayong araw ay siguraduhin mong babalik ka bago ako magising. At ihanda mo na rin yung pagkain ko, ayoko ng matanda at ayoko ng lalaki," ang dagdag pa niya.

"Yung matutulog ka na lang pero ang dami mo pang utos, gusto ko na lang isara agad itong kabaong mo para mashut down na yung bibig mo kaka mando sa akin," ang bulong ko sa aking sarili.

"Opo master, good night," ang sagot ko na lang.

"Good night," ang sagot niya at marahan kong isinara ang takip ng kanyang gothic style na kabaong.

Kapag tulog ang aking amo ay may libre akong oras para lumabas. Kung minsan ay naglilibot ako sa bayan at tumatawag kila inay para hindi sila mag-alala sa akin.

The Vampire's Familiar Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon