Episode 22: New Familiar

67 4 0
                                    

Episode 22: New Familiar

ROBERT POV

"Noooo! Carlito!" ang malakas na pag iyak ni Quintin noong mahulog ang sa itaas ng mansyon ang kanyang gwapong familiar dahilan para mamatay ito.

"Pang apat na familiar mo na itong namamatay ngayon linggo, saka Carlo ang name niya," ang wika ko sabay takip sa mukha nito.

"Bakit ganon? Lahat sila namamatay agad? Yung unang familiar ko ay nakuryente, yung ikalawa ay napatay ng shota ng target niya, yung ikatlo ay inatake sa puso habang nakikipagsex sa akin, sobrang sikip daw kasi at ang husay kong mag muscles control. Tapos heto ngayon patay na rin si Carlito, ni hindi ko man lang siya na harvat. At sa sobrang gwapo niya ay pinangakuan ko pa naman siyang maging vampire sa loob ng one week para magsama na kaming dalawa. Poor Carlito, ngayon ay tataihan na lang siya at iihian ng aso sa lupang pagbabaunan niya," ang wika ni Quintin sabay sign of the cross dahil parang umusok ang kanyang katawan.

"Seryoso? One week lang gagawin mo na agad siyang vampire? Bakit ang bilis naman?" tanong ko naman.

"Yeah, sana kung hindi siya nategi. Alam mo Roberto my dear, nasa mga masters ang desisyon kung gusto niyang gawing vampire ang familiar niya agad agad. Kaya kung bet kang gawing vamps ni Lord Alejandro kahit noong araw na magkita kayong dalawa ay kaya niya itong gawin," ang wika ni Quintin.

Napatingin kaming dalawa kay Alejandro na noon ay nagbabasa ng aklat. Tumingin din siya sa amin at napakunot noo, "at bakit?" tanong niya.

"Wala po master, sobrang gwapo niyo lang po," ang tugon ko naman.

"I know, right. Ang pinakamaganda ay ichop chop niyo na lang ang katawan ni Carlito at saka niyo ipakain sa mga buwaya diyan sa lawa para nakatulong pa siya sa kalikasan."

"Maganda idea nga iyan, sige Roberto ikaw na ang tumadtad diyan sa katawan ni Carlito at pagkatapos ay dalhin mo doon sa lawa. Maliwanag ba? Hay, nasaan na kaya si Carton? Nakakamiss din pala yung matanda na iyon at least never siyang pumalpak sa mga task niya," ang tugon ni Quintin, lungkot na lungkot ito.

At iyon nga ang set up, dinala ko ang bangkay ni Carl sa likod ng mansyon at ako na mismo ang tumadtad nito para ipakain sa mga buwaya doon sa lawa. Ang ibang mga familiar ay literal na nag aapply sa mga vampire. Yung apat na namatay na familiar ni Quintin kasama itong si Carl ay nag appy lang din sa kanya dahil pangarap ng mga ito na maging bampira. Nakakalungkot lamang dahil malagim din ang kanilang mga naging katapusan. Minsan nga naisip ko, paano si Quintin ang naging master ko? Baka vampire na rin ako ngayon ay may sarili na rin akong familiar na nagpapakamatay para gawin siyang katulad ko.

Makalipas ang ilang araw ay mayroon na namang isang lalaking dumating dito sa mansyon at nag apply na familiar ni Quintin. Ang pangalan ay si Dale, 21 years old, maputi at medyo chubby. Nasa 5'6 ang taas at overloaded ang credentials sa kanyang resume.

"Sigurado ka bang familiar ang gusto mo at hindi position ng Miss Universe? Ang dami mong charity events oh," ang tanong ni Quintin.

"Sure po ako, pangarap ko po talaga kasi na maging vampire. Bata pa lang ako gusto ko na maging katulad niyo," ang wika niya habang nakangiti.

"Okay sige, maging masipag ka at masunurin, malay mo months pa lang maging vamps ka na agad," ang wika ni Quintin.

At iyon ang set up, na hired si Dale bilang familiar ni Quintin. Binigyan rin siya ng silid dito sa itaas malapit mismo sa aking silid. Inutusan rin ako ni Quintin na ibriefing ito sa mga do's and dont's bilang isang familiar. Since wala naman akong choice edi ginawa ko na rin ito. Idiniscuss ko sa kanya ang paglalagay ng tabing sa bintana dahil priority na walang papasok liwanag sa silid ni Quintin. At maarte rin ito sa damit dapat ingatan niya ang pagsasalansan ng mga ito.

The Vampire's Familiar Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon