Episode 3: Dugo

212 20 0
                                    


THIRD PERSON POV

Walang kamalay malay si Robert na malalagay sa alanganin ang buhay niya noong tanggapin niya ang imbitasyon ng kaibigang si Emerson.

Ang isang magandang raket ay nauwi sa isang madugong gabi. Si Emerson ay familiar ng isang vampire na ang pangalan ay Magnus sila ang nag imbita kay Robert at sa ibang dancer para gawing pagkain at pulutan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan na ginanap sa isang lumang mansyon.

Maayos naman ang pagsisimula ng party hanggang sa makalipas ang ilang oras ay biglang nagbago ang ihip ng hangin. Dito nila napag alaman na set up lamang ang lahat at noong magsimulang mabulgar ang nakakakilabot na katotohanan ay sumabog rin ang matinding kaguluhan sa loob ng lumang mansyon.

Hindi makapaniwala si Robert na ang lahat ng guest ay mga bampira ngunit hindi ito katulad ng mga napapanood niya sa telebisyon o yung nababasa niya sa mga aklat. Ang lahat ng ito ay malulupit, walang awa at walang kabusugan. Takot na takot man ay walang ibang pamimilian ang binata kundi ang lumaban at ipagtanggol ang kanyang sarili.

Aksidente niyang napatay si Magnus noong mahulog ang katawan nito sa matutulis na baitang ng nasirang hagdan. Aksidente rin niyang napatay ang bampirang si Viola noong iwasan niya ang pag atake nito at tumama ang katawan sa nakausling matulis na bagay sa pader.

Ngunit hanggang kailan siya susuwertihin lalo't marami pang kalaban sa paligid na maaaring sumunggab sa kanya anumang oras.

Nanatili si Robert na nakasiksik sa isang sulok, halos wala na siya sa wisyo dahil nilamon na siya ng matinding takot. Noong makita niyang palapit na sa kanyang ilang kalaban ay agad siyang kumilos at gumapang sa sahig. Nangangatog ang kanyang buong katawan dahil sa matinding takot. Gusto niyang manghingi ng tulong at sumigaw pero hindi niya magawa dahil tila nawalan na rin siya ng boses sa pagkabigla.

Patuloy siyang gumapang hanggang sa bigla siyang hilahin sa paa at kaladkarin sa sahig. Ramdam niya ang pagbaon ng kuko sa kanyang binti. "Saan ka pupunta baby boy? Ayaw mo bang magsayaw para sa amin?" ang tanong nito.

"Ayoko naaaa! Mga halimaw kayo!" ang sigaw ni Robert nagpumiglas ito, wala siyang pakialam kahit na magdulot ng malalim na sugat ang pagkakabaon ng kuko sa kanyang binti, ang mahalaga ay makatakas at makawala sa mahigpit na kapit ng tiyak na kamatayan.

Habang nagwawala ay may napaka siyang lighter sa sahig, marahil ay gamit ito ng isang dancer kanina. Agad niya itong sinindihan at iwinasiwas ang apoy sa harapan ng pambirang umaatake sa kanya. Kitang kita niya ang nanlilisik na mata nito pati ang bibig na punong puno ng dugo!

Patuloy siyang gumapang ng mabilis at dito ay may nakapa siyang isang pintuan sa sahig. Hindi na siya nagdalawang isip pa, agad niya itong binuksan at dito ay mabilis siyang pumasok.

Sinindihan niya ang lighter dahil masyadong madilim sa loob. Dito niya napagtanto na isa itong under ground na lagusan. Sumagi rin sa kanyang isipan na baka daan ito palabas upang makatakas siya sa loob ng lumang mansyon na kinalalagyan. Nagdesisyon si Robert na lumakad ngunit dito ay biglang kinalampag ng mga bampira sa itaas ang pintuan sa sahig dahilan para masira ito.

Bumagsak dito ang mga bampira, ngayon ang underground passage ay naging literal na hunting ground para sa mga nilalang na uhaw sa dugo.

Nagsimulang kumilos si Robert at magtatakbo, wala siyang idea kung saan siya dadalhin ng lagusan gayon pa man wala ng balikan ito. "At saan ka pupunta baby boy? Huwag ka na tumakbo dahil mamamatay ka rin naman," ang wika ng bampirang humila sa kanyang kanina.

Hindi kumibo si Robert, patuloy siyang tumatakbo, paminsan minsan ay sinisindihan nya ang lighter para maging tanglaw sa kanyang daraanan.

Ilang minuto rin siyang tumatakbo hanggang sa makarating siya sa hangganan ng lagusan. Dahil madilim ang paligid ay hindi niya makita ng mabuti ng itsura nito, basta para itong isang lumang kweba na wala ng lusutan.

The Vampire's Familiar Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon