Episode 15: Vampire X Familiar Quarel

364 27 6
                                    

ROBERT POV

Ngayon ko lang nakitang nawala sa sarili si Alejandro. Nawalan ito ng control at mabilis na sinunggaban na parang hayop si Kenny. Kapwa sila gumulong sa lupa at dahil sa bilis ng pagyayari ay tila natulala ako ng ilang sandali.

Halos para akong nag block out. Noong bumalik ang aking ulirat agad kong nilundag si Alejandro na noon ay nakakagat kay Kenny. Hinila ko ang ulo niya palayo sa aking kaibigan. Nakita ko pang puro dugo ang bibig niya at nakalabas ang kanyang matulis na pangil. Samantalang nagsisigaw si Kenny habang gumagapang palayo. "Tulong!" ang sigaw nito pero walang makakarinig sa kanya dahil walang bahayan sa paligid.

Buong lakas kong niyakap si Alejandro, "master tama na! Huwag si Kenny! Kaibigan ko iyan! Tama na master! Maaawa ka sa kanya! Humanap na lang tayo ng iba! Please!" ang sigaw ko habang nakakapit sa kanyang katawan.

Pero sadyang hayok na hayok si Alejandro, wala na talaga siya sa kanyang sarili at tuluyan na siyang nilamon ng gutom at pananabik. Hinawakan niya ang aking mukha at kinalmot ako dahilan para magdugo ang aking pisngi. Hinablot din niya ang aking katawan at parang papel at itinapon sa damuhan.

Literal na lumipad ang aking katawan sa ere na parang isang suspended animation. Habang nasa ere ay nakita kong muling sumunggab si Alejandro hanggang sa mangisay na ang katawan ni Kenny at mawalan ito ng buhay. Masahol pa sa halimaw si Alejandro, ganito pala siya kapag nagugutom

Sumadsad ang aking katawan sa lupa at bumulandra ako sa batuhan dahilan para panandalian akong mawalan ng ulirat. Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari, basta ang alam ko lang ay kumirot ang puso ko at sumagi sa aking isipan ang lahat ng ala-alang pinagsamahan namin ni Kenny. Parang hindi ko yata kayang tanggapin na ako ang nagdala ng kamatayan sa kanya. Ako mismo ang nagpahamak sa kanya.

Tahimik.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nawalan ng ulirat, pagdilat ng aking mata ay natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga pa rin sa damuhan at nakatayo sa aking harapan si Alejandro, sa tingin ko ay nagbalik na siya sa normal dahil nalamanan na ang kanyang ng pinaka paboritong putahe.

Kinalabit niya ako ngunit gamit ang kanyang paa, "Hoy, bumangon ka na dyan uuwi na tayo. Ako na ang nagtapon sa kaibigan mo dahil nakakahiya naman sa iyo," ang wika niya pero di ako kumibo.

Naglakad kami pabalik sa sasakyan ng walang imikan, kahit sa pagddrive ko pauwi ay wala rin akong salitang sinabi sa kanya. Bagamat paminsan minsan ay sinesermunan niya ako. "Hindi ko gusto yung ginawa mo kanina, pambabastos iyon. Ayokong binabastos ako habang kumakain. Parang tumitigas yata ang ulo mo Roberto? Dahil dyan dadagdagan pa kita ng dalawang taon para maging familiar ko."

Hindi ako kumibo, iprineno ko ng malakas ang sasakyan dahilan para masubsob siya sa front seat. Bumaba ako at dumiretso sa loob ng mansyon. "Oh napano yang mukha mo?" pagsalubong sa akin ni Quintin.

"Wala to," ang sagot ko naman sabay akyat sa aking silid.

Maya maya ay pumasok naman si Alejandro pero sinita siya ni Quintin, "Bakit naman sinasaktan mo yung familiar mo? Malaki ang ambag nila sa buhay natin diba? Parang very bad naman yata yung ginawa mo na yun," ang wika nito.

"Kasalanan niya dahil nagiging pasaway siya habang tumatagal. Sa lahat ng naging familiar ko ay siya lang ang lumalaban sa akin," ang narinig kong tugon ni Alejandro.

"Sana hindi mo na lang pinatulan, kawawa naman si Robert. Hindi niya deserve na itrato ng ganito. You're road! Napaka road mo!" ang wika ni Quintin.

"Baka rude ang ibig mong sabihin," pagtatama ni Alejandro.

"Whatever! You are road! Sobrang road mo!" ang sagot pa ni Quintin sabay walkout sa kanyang harapan.

"Sige kampihan mo si Roberto, kaya lumalaki ang ulo niyan e," ang sigaw pa ni Alejandro. Pero hindi na ako nakinig, pumasok na lang ako sa aking silid.

The Vampire's Familiar Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon