Episode 2: Pulang Gabi

235 21 0
                                    

ROBERT POV

Hindi ko alam kung anong reaksyon ng mga tao sa aking paligid, basta ang alam ko lang ay ginagawa ko ang trabaho ko bilang isang.. isang.. okay.. macho dancer. Habang tinatamaan ako pulang liwanag ay mas pinaghusayan ko pa ang aking paggiling. At makalipas ang ilang sandali ay sumampa na rin ang iba pang dancer sa entablado at sumayaw sa aking likuran. Para kaming mga isda na nasa loob ng isang aquarium na pinagmamasdan at pinapanood sa aming paglangoy.

Tumagal ng ilang minuto ang aming pagsasayaw, noong makatapos kami ng tugtog ay pansamantala kaming pinababa ng entablado at dito ay binigyan kami ng maiinom. Nag-abot sila ng mga baso na mayroong mamahaling alak bilang tagay. Hindi ko naman ugaling uminom ng alak habang nagsasayaw dahil madali akong mahilo kaya't ibinigay ko na lang ito sa iba. May baon akong tubig sa bag at ito na lamang ang aking ininom para mapatid ang aking uhaw.

Maya maya ay umakyat ang amo ni Emerson na si Magnus at nagsalita ito sa entablado. Samantalang nagbubulungan naman ang mga kasamahan kong dancer, "bakla iyan pare, tingnan mo nga yung mukha sobrang kapal ng foundation," ang hirit ng isa, si Magnus ang tinutukoy.

"Sinabi mo pa pre, alam mo ba kanina noong dumating ako inamoy niya ako, pati kili kili ko ay inamoy rin tapos parang libog na libog pa siya," ang sabad ng isa.

Tawanan sila.

Samantala ay patuloy sa pagsasalita si Magnus, "Ang lumang mansyon na ito ay pag aari lamang ng isang kaibigan na inupahan ko sa malaking halaga upang magamit natin sa espesyal na gabing ito. Sinubukan ko nga itong bilhin kaso ay ayaw nung katiwala. Anyway, ngayon espesyal na gabing ito ay inihain ko ang pinakamasasarap na putahe para sa inyong lahat. Alam ko naman ang inyong bloodlust ay mga gwapo at hunk na lalaki. Hmmmm, amoy na amoy niyo ba ang kanilang mga katawan? Katulad niyo ay kanina pa ako nananabik, kaya naman simulan na natin ang high light ng gabing ito. Let the blood feast commence!" ang wika nito kaya naman nagtaka na kami.

"Ano bang pinagsasasabi ng gunggong na iyan?" ang tanong ng lalaki sa aking likuran.

"Ewan ko ba sa bakla na iyan pare. Bigyan lang ako ng malaking tip niya titirahin ko yan sa pwet e," ang sagot ng isa.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla na lamang sumara ang lahat ng mga bintana, pintuan at lugar na pwedeng daanan palabas dahilan para magtaka na rin ang mga kasamahan kong dancer.

Maya maya ay lumapit sa akin si Emerson, "Sorry pare, kailangan ko tong gawin para sundin ang kalooban ng aking amo. Isa nga pala akong familiar at si Magnus ang aking pinaglilingkuran. Dinala ko kayo dito upang ialay sa mga bisita. Alam kong medyo mahirap maunawaan pero sana ay mapatawad niyo ako," ang wika nito at dito ay bigla na lamang tumalon ang isang babaeng nakasuot ng pulang bestida sa aming kinalalagyan, dinagit niya ang isang lalaking dancer sa aking likuran at sinimulan niya itong kagatin.

Shock na shock kaming lahat sa bilis ng pangyayari. Ako naman ay hindi makapaniwala na may mga nabubuhay na totoong mga bampira sa dilim at ang pangyayaring nasaksihan ng aking mga mata ang patunay dito. Pero kung kailan naman nalaman ko ang katotohanan ay baka ito na rin ang pinakahuling sandali ng aking buhay.

Noong mga sandaling iyon ay nagsimula na ring sumugod ang iba pang guest sa amin. Hindi ako makapaniwala na ang lahat dito ay mga halimaw na hayok sa dugo. Nagkagulo sa buong paligid, kanya kanya rin kami ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngunit nagtagpuan ko ang aking sarili na umaakyat sa itaas ng hagdan at pilit na tumatakas mula sa isang bangungot bagamat imposible ito.

"Pare, sorry talaga. Mapapatawad mo naman ako diba? Pero kailangan kitang patayin dahil nangako ang amo ko na kapag nagawa ko ng maayos ng misyong ito ay gagawin na niya akong isang bampira," ang wika Emerson habang umaakyat ito sa hagdan hawak ang patalim sa kanyang kamay.

The Vampire's Familiar Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon