Episode 7: Tahanan

169 15 2
                                    

ROBERT POV

"Saan tayo pare? Actually first time ko talaga sa threesome. Nasaan ba yung kasama mo?"

"Nandoon lang sa loob ng sasakyan, medyo mahiyain kasi iyon," ang sagot ko sabay turo sa aming sasakyan sa di kalayuan.

"Pare top din ba yung tropa mo? Hindi ako nagpapatira ha. Chupa lang ako saka jakol trip. Kung gusto mo pwede kayo mag kantutan tapos side na lang ako. Taga dila ng utong saka taga chupa," ang sagot niya.

"Chilax lang pare. Enjoy lang, magsaya lang tayo dito sa car fun," ang sagot ko habang nakangiti. Dito ay binuksan ko ang pinto ng sasakyan at kitang kita ko ang kilig sa kanyang mata noong makita si Alejandro sa loob nito.

"Melvin pare, nice meeting you! Gwapo mo pala ah. Tangna sarap!" ang wika nito sabay pasok sa loob ng sasakyan. Agad siyang naghubo ng short at saka inilabas ang kanyang naglalaway at matigas na ari.

"Nice," ang wika ni Alejandro sabay sarado sa pintuan ng sasakyan.

Nanatili akong nakatayo sa labas at maya maya ay biglang sumigaw si Melvin at kasabay nito ang mga kalabog sa loob ng sasakyan. Hindi na kailangan pang itanong kung anong nangyayari dahil malinaw na malinaw pa ito sa sikat ng araw.

Makalipas ang ilang sandali ay bumukas ang pinto at nahulog ang katawan ni Melvin na nakamulagat ang mata. Wakwak ang leeg at wala na ring buhay. "Ayos, itapon mo na iyan at pagkatapos ay linisin mo itong loob ng sasakyan dahil puro dugo," ang utos ni Alejandro, pumiraso pa ito ng daliri saka kinagat kagat na parang tooth pick.

Hindi naman ako kumibo, agad kong hinila ang katawan ni Melvin at ibinalot ito ng garbage bag saka itinapon sa gilid ng kalsada. Siya ang ikalimang biktima na na-lure ko para maging pagkain ni Alejandro. Mula kay Manica, sinundan ito ng isang babaeng holdaper, isang tomboy na emo na gusto nang mamatay dahil iniwan ng gf, isang batang beki na gusto akong chupain at isang alter sa social media na mahilig sa car fun at ito nga si Melvin.

Madali lang naman palang humanap ng biktima. Iyon nga lang ay gabi gabi akong hindi nakakatulog ng maayos dahil napapanaginipan ko ang mga mukha nila na para bang hina-haunting ako ng paulit ulit.

"Huy, Roberto, gising, ano bang nangyayari sa iyo?" tanong ni Alejandro sa akin, ginising niya ako mula sa bangungot na kinasasadlakan.

Bumangon ako sa higaan at napatingin ako sa kanya, "wala po master," ang sagot ko.

"Shhh, ganyan talaga kapag minumulto ka at kinu-konsensiya ng mga kasalanang nagawa mo. Pero makakasanayan mo rin iyan," ang wika nito, hindi ko alam kung seryoso ba siya o nang-aasar.

Tumingin ako sa kanya, "bakit napaka bwiset mo," ang tanong ko.

"Nakakatawa ka kasing inisin, halika dito. Tabi na lang tayong matulog," ang hirit niya sabay hila sa akin pahiga at tumabi rin siya sa akin. Bakit ba kasi naisipan pa naming mag check in sa motel kung pwede naman kaming matulog sa loob ng kotse. Ang arte kasi niya, pina disinfect pa yung likod ng sasakyan dahil hindi daw ito hygienic. Eh siya naman ang may kasalanan ng lahat.

Humarap ako sa kanya at humarap din siya sa akin, pareho kaming nakatagilid. "Saan ba talaga tayo pupunta? Pagod na pagod na akong magdrive ah."

"Doon sa totoong tirahan ko. Nandoon na tayo bukas kaya huwag kana magreklamo. Sa lahat ng familiar na nakasama ikaw lang ang bukod tanging reklamador."

"Nasaan na sila? Yung mga familiar mo?"

"May kanya kanya na silang buhay dahil mga vampire na rin sila. Alam mo Roberto tumutupad ako sa pangako ko. Kaya pag igihan mo para maging kalahi na rin kita," ang nakangiti niyang sagot.

The Vampire's Familiar Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon