Episode 13: Labanan Sa Kakahuyan

165 17 0
                                    

THIRD PERSON POV

"Bakit dinadawit niyo pa ako sa kalokohan nyo? Kapag namatay ako dito sana ay huwag kayong patulugin ng konsensya niyo," ang galit na salita ni Robert habang ikinakabit ang isang bakal na armor sa kanyang katawan.

"Hindi ko akalaing magagamit pa yung itong armor ni Baron Flanagan matapos niyang sakupin ang mamamayang bayan ng Shalala," ang tugon ni Quintin.

"Tingnan niyo na, hindi niyo na iginalang si Baron Flanagan, pati itong lumang gamit niya ipinasuot niyo pa sa akin," ang reklamo ni Robert.

"Huwag ka ngang matakot. Kapag napatay ka nila ay ipaghihiganti kita. Papatayin ko rin silang lahat," ang tugon ni Alejandro.

"Gago, wala ka ba talagang nararamdamang pagpapahalaga sa akin? Talaga bang alipin lang ako at parausan mo?" ang tanong ng binata sa kanya.

"Huwag kang mag-alala dahil hindi ka naman mamamatay. Saka kasama mo naman si Felix, kahit ganyan iyan ay hindi ka naman niya pababayaan," ang tugon ni Alejandro, samantalang napangiwi na lang si Robert noong mapatingin kay Felix na noon ay parang may sariling mundo. "Para yatang walang pag-asa," bulong nito sa kanyang sarili.

"Huwag kayong mag-alala, sure win naman ito dahil hindi naman makakapag transform sa tao lobo yung mga iyan dahil naging maulap at nawala yung buwan diba? Saka di naman full moon ngayon!" ang hirit ni Quintin.

Sa kalagitnaan ng gabi, lahat sila ay nagtungo sa malawak ng kakahuyan para isagawa ang duelo. Noong mga sandaling iyon ay inihanda naman ni Alejandro ang kanyang sarili na baliin ang rules KUNG sakaling malagay sa dehadong sitwasyon sina Robert at Felix. Hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa dalawa kahit na siya mismo ang pumatay sa mga kalaban ay gagawin niya pa rin. Samantala, akala naman ni Robert ay walang pakialam sa kanya si Alejandro, tahimik lang kasi ito at hindi nagseseryoso sa mga mahahalagang bagay.

"Ngayon ay masasaksihan natin ang labanan sa pagitan ng dalawang kuponan. Mula sa Team Wolf Gang ay sina Percus at Papart! Samantalang mula naman sa Team V ay sina Robert at Felix!"

Natawa ang mga taong lobo noong makita si Robert na bigat na bigat sa kanyang suot na battle armor. Natutumba pa ito kaya inaalalayan siya ni Felix para makatayo ng maayos. "Makikipag gerahan ka pre?" ang tanong nila.

Lumakad si Percus sa gitna at lumakad din ang kasama niyang si Papart. Si Percus ay kasing tangkad lang ni Robert at Felix. Pero si Papart ay malaking tao, nasa 6'4 ang taas nito at malaki pa ang kanyang katawan!

"Mandaraya, hindi naman yan si Papart kanina!" ang reklamo ni Quintin.

"Ako talaga si Papart," ang sagot ng kalaban sabay pakita sa kanyang ID.

"Ok fine! Anyway wala namang full moon kaya di kayo makakapagpalit ng anyo bilang taong lobo!" ang hirit pa ni Quintin.

"Iyan ang akala mo! Para malaman mo, ang matandang paniniwala na iyan ay hindi na uso!" ang sagot ni Percus, kapwa lumubo ang katawan nilang dalawa ni Papart at dito ay nagsimula silang mga transform bilang mga werewolf. Nawasak ang kanilang mga damit, humaba ang kanilang mga nguso, ang kanilang mga likuran ay lumapad at mas lalo pa silang tumangkad.

"Ang baho naman, ang sakit sa ilong," ang wika ni Quintin sabay labas ng facemask. Binigyan rin niya si Alejandro saka nila ito isinuot, dahil para sa kanila ay iba talaga ang amoy nito. Pero walang naaamoy si Robert, lalo siyang kinabahan noong mga sandaling masilayan ang mga werewolf sa flesh and blood nitong porma.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Robert kay Felix.

"Well, mag sstick tayo sa plano," ang sagot nito.

Maya maya ay isang malakas na alulong ang isinalubong sa kanila ng dalawang kalaban. Parehong nanlilisik ang mga mata nito. Ang kanilang mga kasamahan ay nag c-cheer naman sa kanilang likuran. "Sige, balian niyo ng mga buto iyang dalawang patpatin na iyan!" ang sigaw nila.

The Vampire's Familiar Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon