My Lucky Charm ☆ Part 3

17 1 0
                                    

Ayaw ni Kate na makikihalubilo sa usapan ng matatanda.Kaya niyaya niya sina Blare at Jen na maligo na lang sa pool.Pati sina Krizzy,Katherine at Danielle sumama kay Kate sa pool.Si Kate lang ang nakatwo piece bikini.Kahit ayaw iyon ni Don Ordeza talaga.
"Kumpare chill model si Katelyn kaya ok lang iyon.Sobrang makaluma ka pala pare."natatawa si Don Willston sa kaibigan niya.Model din ang apo niyang si Rixel.Kaya naintindihan niya ang ugali ni Kate.
"Bilang lolo ng puro babaeng apo.Ayoko talagang maexpose ang katawan nila.But sobrang tigas ng ulo ni Katelyn.Pagmomodelo pa ang piniling career."hinihilot ni Don Ordeza ang batok niya.
"Modelo din ang apo kong si Rixel kumpare.Noong una tutol ako pero narealize ko na masaya siya sa ginagawa niya.Kaya sinusuportahan ko lang.Sana ganun din ang trato mo kay Katelyn.Lalo siyang rerebelde kung kokontrahin mo lage siya."ani ni Don Willston pero nagulat siya ng biglang lumapit si Dominic kay Katelyn na nakahiya sa bench.Binalot nito ng tuwalya ang nagbibilad sa araw na dalaga.
Dali daling nilapitan ito ni Daniella si Dominic.
"Dominic what are you doing.?"tanong ni Daniella sa anak.
"Binigyan ko lang siya ng tuwalya Mommy."seryoso ang mukha ni Dominic.
"Sobrang conservative mo Dominic anak.Paano kung maoffend si Katelyn.?"binulungan pa ni Daniella si Dominic at nilayo na sana niya ang anak sa dalaga.
"Naooffend lang po siya pag ginising po.She is sleeping right now.Pagod po siya sa hectic na schedule namin po."nakangiting ani ni Blare na may dala ng drinks at makakain.Kasunod naman nito sina Rixel at Jen.
"Blare what happen.?"naalimpungatan naman si Kate.
"Wala naman kinumutan ka lang ni Mr.Willston ng tuwalya girl."nakangiti na ani ni Jen.
"Ah ok thank you.Join us parang bored ka yatang kausap si Kathrina right.?"Yaya naman ni Kate kay Dominic at binigyan pa ng maiinom.
Lalong humanga si Daniella sa idol niya.Isnabera ito sa harap ng camera.Pero magaling itong makisama pag off cam pala.
"She said she is busy."walang pakialam naman si Dominic kay Kathrina.
"Really I don't think so."makahulugan na sabi ni Kate sa binata.Alam niyang iniiwasan lang ni Kathy si Dominic.Ayaw ng mga ito makapag asawa ng nakawheelchair.She feel pity to him either.Racist ang tatlong pinsan niya pero syempre di pinapakita sa iba ang tunay na ugali ng mga ito.Alam niya alibi lang iyon ni Kathy.
Samantalang nasa kwarto lang pala niya si Kathy.Nong araw na iyon inutos kasi ni Don Odeza sa kanilang lahat na sa mansion lang sila buong araw.Total wala naman amor sa kanya kanina pa si Dominic.Kaya nag excuse na lang siya.
"Kathrina bakit iniwan mo si Dominic doon.?"pinasok na ni Klarisa ang anak sa kwarto nito.
"Mommy seryoso ka ba talagang ipaasawa mo ako sa lumpo na iyon.?Mommy ayoko pagtawanan sa mga kakilala ko.!"reklamo ni Kathy as If gusto siya ni Dominic na asawahin.
"Yong isang apo ni Don Willston ba ang gusto mo.?Paano mo makukuha ang gusto mo Kathrina kung papatay patay ka.Maunahan ka pa ng mga pinsan mo.Lalo na ni Katelyn kaya pumunta ka na doon sa pool area.Magsuot ka din ng two piece.Patatalbog ka ba sa Katelyn na iyon anak.?"ni minsan di itinuring anak ni Klarisa si Katelyn.Anak ito sa kabit na secretary ni Rolando.Tinakot ni Don Ordeza kaya si Kate lang ang iniwan nito sa mansion.Ang alam ni Kate patay na ang Ina nito.Pero buhay na buhay pa ito.
Nagpanic naman si Kathy baka maunahan pa nga siya.Lalo na kay Kate na rumored gf ni Rixel Willston.Nagtwo piece din siya kahit may bilbil pa siya.Tamad siyang mag gym kaya ganun ang katawan niya.Pero over confident si Kathrina na rumampa sa pool area.
"Ew yong pig lumusong na sa pool."ngumingiwi pa na sambit ni Krizzy kaya hagikgik ang dalawa pang teenagers.
"Kathrina ano ba iyang suot mo.?Baka susundin ka pa ng dalawa pang pinsan mo.?"sigaw agad ni Rolando na nasa malapit lang.
"Daddy di mo nga pinagsabihan si Katelyn.Bakit di ako pwede magsuot ng two piece."reklamo ni Kathy dahil napapahiya siya.
"Nakatshirt si Katelyn can't you see.?Umahon ka dyan magbihis ka doon kay sagwa ng suot mo Kathrina Odeza.!"maawtoridad na utos ni Rolando dahil may mga binata silang bisita.
"Rolando kanina nagtwo piece si Katelyn.Bakit si Kathrina lang sinisigawan mo ngayon.?"to the rescue naman si Klarisa sa anak.
"Klarisa kung may mali ang anak mo.Bakit dinadamay mo ang anak ko.?Si Kathrina ang pinagsasabihan ko.Pero gusto mong isali talaga si Katelyn ha.?"galit na talaga si Rolando sa misis niya.
"Dahil sobrang unfair mo kasi Rolando.!"giit pa ni Klarisa.
"Kanina binigyan ko ng tshirt si Katelyn kaya Ayan nakatshirt na.Wag mong sabihan na unfair ako.Dahil kayong lahat unfair sa anak ko.Anak ko man sa labas si Katelyn.Wag mong kalimutan na may dugo siyang Odeza Klarisa.!"pinagtatanggol na talaga ni Rolando ang anak.
Umiiyak naman si Kathy na pumunta uli sa kwarto niya.Sobra ang kahihiyan niya dahil sinigawan siya ng ama niya.
"Klarisa at Rolando tumigil na kayo nakakahiya sa bisita ko.!"awat na ni Don Odeza sa mga ito.
"Isa pa kayo Dad kaya di umuuwi sa Katelyn dito sa mansion.Dahil sobrang strikto mo sa anak ko.Kung di ako makapagpigil pati ako lalayas sa pamamahay na ito.Doon na lang ako titira sa condo niya.Dahil di ninyo talaga gusto makasama ang anak ko sa labas right.?Uulitin ko na anak ko si Katelyn period.!"ang ibig sabihin ni Rolando di niya talaga anak si Kathrina.Pero sila lang nakaalam noon.Kahit yong mga kapatid niya walang alam sa bagay na iyon.Buntis na si Klarisa ng maikasal sa kanya.Pero pinilit pa rin siya ng ama na si Klarisa ang mapapangasawa.Ang mahal niya talaga ang Ina ni Katelyn na si Anna.Ngayon nasa California na ito pero tuloy pa rin ang secret contact nila ni Rolando.Nag update si Anna lage sa kalagayan ng anak nila.Pangako ni Rolando di niya pababayaan si Katelyn.Syempre mahal niya ang sariling anak.Kesa sa anak ng iba ang totoo walang dugong Odeza si Kathrina.
"Daddy calm down mahighblood ka niyan.Hayaan mo ng magtwo piece ang pig na iyon.Pinapahiya niya ang sarili niya.Daddy doon tayo let's drink para lumamig ulo nyo."hinila na ni Kate ang ama alam niyang siya paboritong anak nito.At spoiled siya nito dahil lahat ng gusto niya makukuha niya.Will CEO lang naman ang Daddy niya sa Odeza company.At panganay na anak ni Don Odeza.Kaya malakas din ang loob ni Kate na Suwayin lage ang lolo niya.
Natahimik si Don Odeza at si Klarisa pag ganun na magsalita si Rolando.Ayaw nilang sabihin nito ang katotohanan sa pagkatao mismo ni Kathy.Baka din masira ang image ni Don Odeza .Tiyak na sasabihin ng lahat bias siya sa di niya apo.Pero kay Katelyn sobrang strict niya.Narealize niya na sobrang layo ng loob ni Kate sa kanya.Dahil nga lage niya itong napupuna.Tama si Rolando yata na unfair siya sa apo niyang si Kate.Gusto niyang bumawi dito kaya kung gusto ni Dominic si Kate maging fiancee.Di na niya ipipilit si Kathy dito.
"Katelyn kung maliligo ka sa pool.Wag kang mag two piece anak.Gusto mo bang mausog or kabagan.?Tapos navigation ka pa ng buong araw dito sa bench.Lage kitang kinukumutan anak."concern na ani ni Rolando sa anak habang tumutungga ng mild na alak.
"Daddy kay laki nitong tshirt mo naman.Paano ako makalangoy nito.?Nga pala Daddy kung lalayas ka sabihan mo lang ako susundiin kita."makulit na saad ni Kate sa ama iniiba niya ang topic.
"No need alam ko naman pw code mo doon sa condo mo Baby girl."sinabayan ni Rolando sa kakulitan ang anak.
"So magkasundo pala kayo ng anak mo Rolando.?Buti naman ei yong asawa ko ang ginawa lang lage nagpapadami ng pera.Namatay na lang siya nagkulang siya ng time sa mga anak ko.Kaya ngayon on hands ako sa kanila."nakangiting kwento ni Daniella sa lahat.
"Mommy malaki na kami ni Danielle.Mag 18 yrs old na iyan get a life Mom ok.Pwede ka naman mag asawa ulit if you like."yon ang laging sinasabi ni Dominic sa Ina niya.Dapat mag enjoy lang ito sa buhay.Dahil di naman sila salat sa pamumuhay.Kaya niyang iprovide ang pangangailangan ng Ina financially.
"I rather mag alaga ng apo kesa maglakwatsa Dominic."ani ni Daniella sabay tingin kay Kate na walang alam sa nangyayari.Nakita niyang nagblush ang mukha ni Dominic.Ibig sabihin may interest ito kay Katelyn Odeza.?

My Lucky CharmWhere stories live. Discover now