Napangiwi si Kate dahil maalat ang salad niya.Si Jen mismo naghahanda sa pagkain niya pag may photo shoot or Rampahan siya.Strict ang diet niya kumpara kay Rixel.
"Jen buntis ka din ba bakit kay alat ng salad ko.?"reklamo ni Kate sa kinakain niya.
"What tikman ko nga ok naman iyan kanina.Matabang pa nga iyan sa taste bud ko."tinikman agad ni Jen siya din napangiwi dahil sobrang alat nga ito.Sabay tiningnan niya si Jasmine bingo umiiwas ito ng tingin sa kanya.Sinabi na lang niya na gagawan ng salad ulit si Kate.
"Ok mabilis ka naman gumawa no problem.Thank you mwah mwah."nagflying kiss pa si Kate kay Jen.Di niya alam palpak ang plano ni Jasmine.
Binulungan ng isang katulong si Jen na si Jasmine ang gumawa noon.
"Jasmine simula ngayon wag ka ng gumawa sa kusina.Nga pala ipapahatid na lang kita sa driver namin."klarong pagtataboy na lang ni Jen sa babae.Dahil si Kate ang may final say kung mananatili ba si Jasmine na assistant PA.Mag iingat na lang sila sa susunod baka lagyan ng lason pa nito ang kinakain ng alaga nila mahirap na.
"Akala ko ba Jen dito na ako titira simula ngayon.Malaking maleta ang dala ko."reklamo ulit ni Jasmine.
"Pinapunta lang kita dito remember.?Wala akong sinabing dito ka na titira.Kelangan mo ng ilang damit yon lang sinabi ko diba.?"medyo nainis na si Jen kay Jasmine sa totoo lang.Kalmante siyang nilalang pero may limitation din pasensya niya.
"Tse PA ka lang naman kala mo naman sobrang close na kayo ni Maam Kate."padabog na nagwalk out si Jasmine.Wala pa siyang laban kay Jen ngayon.Pero kukunin niya ang loob ni Kate.Tapos tutuklawin siya patalikod ito.Gagawin din niya ang pinapagawa sa kanya ng pamilya Ordeza.Di niya alam mahirap maplease si Kate.
"Jen sabihin mo lang kung inaaway ka nong babae na iyon.Para lulunurin natin sa pool agad."simpatya ng mayordoma sa bahay nila Dominic.
"Sa tingin ko alam ni Kate di mapagkakatiwalaan si Jasmine.Watch na lang kayo kung paano magtataray si Kate sa taong ganun din naman ang ugali.Mabait si Kate sa atin lahat dahil gusto niya tayo.Pero iwan ko lang iyang Jasmine na iyan.Sa tingin ko di iyan tatagal sa ugali ni Kate."napapailing na lamang si Jen sa future ni Jasmine.
"Ay gusto ko yan kung paano magtaray si Maam Kate."excited naman ang tatlong kasambahay na kinuha talaga ni Daniella galing pa sa kaanak nila sa probinsya.Pinapaaral nito ang mga anak nila.At mga future daw na employee sa company ng mga Hillston.Di pa nila nakitang nagtaray si Kate.Strikto at perfectionist si Dominic.Pero pinagtatanggol sila agad ni Kate sa mismong amo talaga nila.Itong si Dominic pag galit na si Kate tikom na din ang bibig agad.
Naleaked nga ang issue tungkol sa pag aasawa ni Rixel at ang manager nila Kate ang asawa nito.Di inaasahan ni Blaire na maganda ang feedback matatanggap niya mula sa mga fans ni Rixel.Maliban sa kampo nila Kathrina at Karina.Binabashed nila si Blaire mismo at nangunguna pa si Karina sa bashing.Nagalit si Kate at sinugod niya talaga ang pinsan niya.
"Karina bakit tinawag mong hampaslupa lang si Blaire.Lahat ng meron siya pinaghihirapan nila iyon.Tang ina ka babaliin ko talaga iyang retokada mong ilong.!"duro agad ni Kate kay Kara na may mga kaibigan pa na dinala sa mansion.
"Calm down Kate nagsasabi lang naman ako ng totoo.Di siya nababagay kay Rixel at ako dapat ang inasawa ni Rixel Hillston sa totoo lang."pang aasar pa ni Kara.
"Damn you insultuhin nyo na ako lahat lahat wag lang mga kaibigan ko."sinabunutan talaga ni Kate si Kara.
"Wait itigil na ninyo ito mga bata kayo ano ba.?"inawat ni Jessica agad ang dalawa.
"Wag kang makialam dito Mommy.!"malakas na tinulak ni Kara ang Ina mismo.Dahil nakaheels ito ng medyo mataas.Napilayan ang paa talaga nito.
"Magtigil na kayo ano ba.?Mahal ok ka lang ba.?"nag alala si Randell sa asawa niyang ngumingiwi sa sakit.
"Paluin mo iyang anak mo.Tinulak ba naman niya ako mahal.Aray masakit ang paa ko."di makatayo si Jessica kay binuhat siya ng mister.
"Sorry Tita pero sobra na si Kara.Ininsulto niya si Blaire sa social media.Pag di daw siya titigil kakasuhan daw siya mismo ni Rix."umiiyak si Kate nasasaktan siya dahil buntis pa ngayon si Blaire.Di ito makaresbak sa kampo nila Karina.
"Pag kinasuhan iyan di ako papagitna.Tang ina Kara ako Ina mo tapos tinulak mo ako kanina lang.Lumaki na talaga ulo mo Leche ka.!"walang preno ang bunganga talaga ni Jessica.
"Mommy stop it nandito mga friends ko."reklamo naman ni Kara.
"Pauwiin mo na sila kundi di mo gugustuhin ang gagawin ko Karina.Aba napilayan na itong Ina mo.Tapos aware ka pa sa sasabihin ng mga kaibigan mo.Deserve mong murahin ka ng Ina mo.Ito tandaan ninyo kahit lumaki na kayo kami pa rin ang magulang ninyo.Di iyon magbabago Karina.!"sermon naman ni Randell sa anak habang nilalagyan niya ng first aid ang paa ng misis niya.
Dali dali namang nag Alisan ang mga bisita ni Karina.Sinisi pa rin ni Karina si Kate dahil napahiya daw siya.Pero wala siyang pakialam kung pinahiya niya si Blaire sa social media.Inayos naman ni Rolando at Randell ang gulo ng mga anak nila.
"Katelyn ano ba ang problema.?Bakit bigla mong sinabunutan daw si Karina.?"tanong ni Randell dahil anak niya din ang sinaktan ni Kate.
"Nangunguna siya sa pagbash sa bff ko na si Blaire.Sobrang sakit ng mga sinabi niyang Salita.Sinabi naman nila Blaire na hayaan ko na lang daw ang opinion nila.Pero bilang kaibigan ni Blaire masakit iyon for me Tito.I don't care kung insultuhin nila ako forever.Pero sa tingin ko walang kasalanan si Blaire kina Karina po."umiiyak talaga si Kate sensitive talaga siya pag nasaktan ang mga mahal niya sa buhay.
"Ano naman nakain mo aber ha Karina.?Kay tanda mo na my god tapos nagbabad ka pa sa social media.?Ano naman mapapala ninyo sa ganung bashing aber.?"nakapameywang pa si Jessica dahil para sa kanya childish ang bashing ng ginagawa ng mga kabataan ngayon.
"Duh Mommy katuwaan lang naman namin iyon.Masyado naman sensitive si Kate.Papatayin niya kami dahil lang sa mga kaibigan niya.Sana di na lang siya naging Ordeza."malditang sagot ni Karina sa Ina.
"Tama ka sana di na lang Ordeza ang apleyido ko.Dahil nadadamay sina Blaire at Jen lage dahil lang sa ayaw ninyo sa akin.Ayaw ako ni lolo din maging apo dahil kahihiyan lang naman ako sa pamilya na ito diba.?Pero bakit ninyo kelangan saktan ang mga kaibigan ko.?"impit na sumbat ni Kate sa mga pinsan niya.
"Karina luhod right now.Wala kang karapatan sabihin iyon sa pinsan mo.!"galit na hinugot ni Randell ang belt niya dahil kelangan ng matinding disiplina ang kanyang mga anak pala.
"D-daddy sasaktan mo ba ako dahil lang kay Kate.?"napaiyak bigla si Karina dahil sa takot sa ama niya.
"Di mo na ginalang ang Tito mo na nasa harapan mo pa ngayon.Kaya luhod sabi Karina Ordeza.!"bulyaw na talaga ni Randell.
"Randell di mo kelangan gawin iyon.Kasalanan ko kung bakit di ko na lang nilayo si Katelyn sa pamilya na ito.Kahit alam kung nahihirapan na siya lage.Nangunguna si Papa sa pagpapahirap sa anak ko.Ito lang masasabi ko sa inyong lahat.Blessings si Katelyn sa buhay ko.Kung di dahil sa kanya di ko na din sana gustuhin mabuhay pa.Katelyn wag mo nang isipin na may koneksyon pa tayo sa pamilyang ito.Kung kelangan kakalimutan ko din na isang Ordeza ako gagawin ko iyon.!"triple ang sakit na nararamdaman ni Rolando ngayon.
"Ano ba Karina bakit mo ba sinabi iyon ha.?Rolando away lang nila iyan bakit nadadamay na naman ako.?"hugas kamay naman si Don Ordeza.
"T-tito sorry galit lang ako kay Kate po.D-di ko na uulitin iyon."narealize ni Karina na foul iyon para din sa Tito Rolando niya.
"Sawang sawa na ako sa mga sorry ninyo.Tama si Daddy bakit ba ako mag iisip na myembro ako ng pamilya na ito.Ito ang tatandaan ninyo patahimikin ninyo ang mga kaibigan ko.Dahil di na ako magdadalawang isip na kalabanin kayong lahat."yon lang at nagwalk out na si Kate hilahila ang Daddy niya na umiiyak din.Di nito kasalanan na ipinanganak siya sa mundo.As long as mahal siya ng Daddy niya.Sapat na iyon for her.Wala na siyang pakialam sa ibang bagay pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/354600039-288-k858535.jpg)
YOU ARE READING
My Lucky Charm
Humordahil sa tinatawag si Katelyn ng karamihan na illegitimate child...Kaya malayo ang loob niya sa pamilya niya mismo..gumawa siya ng pangalan pero di iyon sapat para maacknowledge siya na isa siya Ordeza.May pag asa pa bang makita niya ang lucky charm...