My Lucky Charm ♡ Part 4

22 1 0
                                    

Kinabukasan nakagayak na ang lahat para sa kani kanilang trabaho.Sina Krizzy at Katherine na lang nag aaral.Gusto na rin ni Danielle doon sa skul ng mga ito mag aaral daw.Dahil mabilis naging magkaibigan ang tatlo.Kaya sasamahan ni Daniella na magpaenroll ang anak.Si Rixel naman gaya ni Kate na bakasyon.Kaya siya na magpresenta na samahan si Dominic sa mansion buong araw.May lakad ang dalawang matatanda.Therefore maiiwan sila doon.
"Ako na ang bahala sa mga bisita."boluntaryo ni Klarisa dahil pinili nitong maging plain housewife na lang.Para makasipsip talaga sa matandang Ordeza.
"Natural dahil ikaw naman ang mayordoma sa mansion na ito right Jenna.?"ayaw ni Jessica ang ugali ni Klarisa dahil naghari harian lage sa mansion.Manugang din  naman sila ni Jenna.Pero wala silang boses sa mansion na iyon.Bumukod na lang sila ng tirahan.Kesa mag away sila lage ni Klarisa.2 weeks lang sila doon pero suffocated na sila sa aura ni Klarisa.
Natatawa talaga si Kate pag pinagtutulungan ng dalawang Tita pa niya ang step mother niya.Dahil nawawalan ito ng sasabihin lage.
"Katelyn wala ka bang gagawin ngayon.?"gustong ibaling ni Klarisa ang inis niya sa step daughter niya.
"Bakit di ba ako welcome sa pamamahay mo Madam Klarisa.?"sarkastikong tanong ni Kate dito.
"I'm just asking bakit sobrang pilosopo kang bata ka.?"inis na ani ni Klarisa sa anak ni Rolando sa labas.
"Ganito ako pinanganak di ka pa ba nasanay ha.?"di nagpapatinag talaga si Kate sa madrasta niya.
Gigil naman si Klarisa bago pa siya mawala sa sarili.Padabog na siyang nagtungo sa kusina.At natakot siya sa banta ni Rolando kagabe.Kung pakikialaman daw niya lage si Kate.Ibubunyag na nito ang totoong pagkatao ni Kathy.Ayaw niyang mangyari iyon masira ang future ng anak niya.Kaya hanggang maari magpipigil siya sa ugali ni Kate.Samantalang kung walang ginagawa si Kate.Doon sa garden niya siya nagpupunta.Garden iyon ng lola niya at napanatili ang ganda nito.Maraming mga bulaklak doon at mga orchids din.Kaya dinagsa ng mga paru paro iyon.Dinala niya ang mga bisita niya sa paradise na mundo daw niya.May fountain pa sa gitna na sobrang ganda.
"Maganda dito din pag gabe pinalagyan ko kay Daddy ng mga ilaw.Para laging pasko ang ambience dito.Pwede magdinner date dito Blare.!"malawak ang harden na iyon at pwede malibot libot nga.
"Dito tayo magdinner mamaya.Gusto ko makita ng personal yong pinost mo sa IG  dati."ani ni Blare na nabusog na ang mata sa magandang tanawin.
"Oo naman bawal si Kathy dito dahil allergic daw siya sa bulaklak.Tapos yong dalawa kay arte ayaw ng mga insects daw.Sila Krizzy at Katherine lang madalas maglaro ng taguan dito.Marami kasing halaman diba madaming pagtaguan.?At para kay Lolo sacred ang lugar na ito."tuloy ang kuwento ni Kate.
"Pareho pala kayo ni Dom mahilig sa halaman Kate.If ever ba na ikaw ang ireto sa pinsan ko papayag ka ba.?"deretsahang tanong ni Rixel kay Kate.
"Ang tanong papayag ba itong pinsan mo.?"makulit na umupo bigla si Kate sa hita ni Dominic.
"Babae tumayo ka nga dyan.Di mo ba alam boss natin iyan.?Under tayo sa contract nila."pinatayo agad ni Blare ang alaga nakakahiya ito.
"Ei gusto ko lang sumakay sa electric wheelchair niya.Kahapon pa ako curious talaga.Tamad akong maglakad diba.?Seryoso pagbigyan mo na ako Blare."parang bata si Kate na humingi ng laruan kay Blare.
"Sure try it."biglang tayo ni Dominic at inalalayan siya ni Rixel maupo sa bench doon.Para sa kanya mababaw lang kaligayahan pala ni Kate.Natigilan naman ang pinsan niya.Dahil di siya ganito sa ibang babae maliban sa Ina at kapatid niya.
Tuwang tuwa naman si Kate na sumakay sa wheelchair ni Dominic.Mayamaya pa doon na sila sa gazebo.Hinahatiran sila ng mga katulong makakain doon.Para nagpicnic na sila doon.
"Rixel kelan mo ba ipublic ang relasyon ninyo ni Blare.?"seryosong tanong ni Dominic pag maengage na sila ni Kate.Kelangan sabihin ng mga ito na walang namagitan sa kanilang dalawa.Oo may Napili na siyang papakasalan si Katelyn Ordeza iyon.
"Kawawa si Blare retarded ang mga fans ni Rix."kontra ni Kate agad habang kumakain.
"Ei kung maengage na tayo masisira din ang image mo."biglang sabi ni Dominic na kinabigla ni Kate.Naibuga nito sa mukha niya ang nasa bibig nito.Tawang tawa naman si Rixel sa itsura ng pinsan niya.
"I'm sorry lumundag ang heart ko.Seryoso ka Manong na ako ang Napili mong fiancee.?Ayaw nong tatlo maengage sayo.Oh my god ako lang ang available pala.Mag isip isip ka muna Mr.CEO.Magugulo ang mundo mo dahil sabi nga nila weird daw ako.!"gusto ni Kate na pag isip ng mabuti ni Dominic ang bagay na iyon.
"Sino may sabi sayo na weird ka.?"di mapigilan ni Dominic ang di mangiti sa sinabi ni Kate.Normal lang reaksyon nito.Out of the blue ang proposal niya.Wala siyang alam sa romantic na gagawin.Gusto niya direct to the point lang naman.
"Silang dalawa mismo.!"turo pa ni Kate kina Blare at Jen na kinatawa nila lahat.Pati si Dominic na mahirap patawanin natatawa talaga sa kakulitan ni Kate.
"Pinsan are you serious.?"seryosong tanong ni Rixel na talaga.
"If papayag si Kate alam kong ayaw sa akin nong Kathy na iyon.Ayoko din naman sa kanya."direct to the point at prangka talaga si Dominic.
"Ok lang ba gagawin kitang Sugar Daddy.?I'm so expensive you know Mr.CEO.Di ko malaman na chossy pa si Kathy.Sobrang yaman mo na big deal ba iyong nakawheelchair ka.?If di ka pwede sa kama at gusto mong magkaanak.Pwede naman humingi sa sperm ni Rix diba.?Takot ako sa karayom pero kung makuha sa negotiation papayag akong magkababy."advance mag isip si Kate.
"Hoy Kate fiancee pa lang ang gusto ni Mr.CEO di asawa.Hay naku wala ka talagang alam sa mundong ibabaw.At yong imagination mo umabot na sa outer space."saway naman agad ni Blare.
"Bakit ayaw mo bang hingin ang sperm ni Rix ha Blare.What friends are for Blare diba.?"nakasimangot naman si Kate sa isiping iyon.
"Kate seryoso yata si Mr.CEO."seryoso naman sabad ni Jen na siyang pinakatahimik sa tatlo.Sina Blare at Kate lage nagbabangayan dahil lage kontra si Blare sa iniisip ni Kate.Pero gusto lang ni Blare iguide si Kate.Dahil private manager siya nito at ang boss nila ni Jen ang Daddy mismo ni Kate.Sila ang babysitter ni Kate kumbaga.
"Seryoso din ako ayaw ni Kathy maengage kay Mr.CEO.Yong dalawa mas picky iyon gusto nila yong tipo ni Rix.At teenagers pa sina Krizzy at Katherine.Malamang ako ipaengage ni lolo kahit if ever di ko gusto."explanation naman ni Kate at may point naman siya.
"Di mo ba ako gusto I mean pati ikaw ayaw sa lumpo.?"malungkot na tanong ni Dominic.
"Wala akong sinabi ng ganun ha.Dominic Willston you are capable na magkaroon ng asawa.Bakit nag self pity ka.Will pasalamat ka available ako ngayon.May rumored bf lang ako si Rixel Willston.Pero sila lang naman ni Blare ang naglalampungan off cam.Audience lang kami ni Jen.Therefore no big deal iyon sa akin.!"nakangiting ani ni Kate kay Dominic.
"Sa tingin mo ba papayag ang Daddy mo.?"desidido na si Dominic na maengage kay Kate na talaga.Para makauwi na ang lolo at ang Mommy niya sa Spain.Ayaw niyang patagalin pa iyon.Ngayon nakapili lang siya.
"Spoiled ako ni Daddy ko wag lang daw ako pumili ng adik na bf.Wala iyong pakialam sa lovelife ko.As long happy daw ako yon ang mahalaga.Dahil arrange marriage sila nong witch na si Klarisa.Ayaw ni Daddy maranasan ko ang naranasan na niya noon.!"casual na sagot ni Kate.
"Hahay magpublished na ako na di totoo ang rumored natin Kate.Bahala na si batman basta pakasalan ko talaga si Blare.Kahit tumutol pa ang universe.!"bumuntonghininga na si Rixel sa wakas interesado na si Dominic sa pag aasawa.Thanks to Katelyn Ordeza nagbago ang pananaw nito na maging matandang binata na lamang.18 yrs old itong naaksidente dahil car racer noon si Dominic.Napuruhan ang right leg nito at pinutol ang paa talaga.Kaya artificial na paa ang gamit nito.Di ito makakalakad pa.
"Tse sinabi ko bang pakasalan kita.?What if matapobre ang Mommy mo Rixel.?"yon ang inalala ni Blare dahil ang alam niya ulila ng ama si Rixel.
"May family na siya at kay lolo ako lumaki naman.Wala akong pakialam kung kontra man siya sa atin dalawa."mahigpit na niyakap ni Rixel ang gf niya.4 yrs na sila ni Blare di man sila lage nagsasama.Pero atleast buo ang tiwala nila sa isat isa.

My Lucky CharmWhere stories live. Discover now