My Lucky Charm ♡ Part 5

15 1 0
                                    

Kinausapan na ni Dominic ang mga Senior sa gusto na niyang mangyari.
"May Napili na ako na magiging fiancee ko."deretsahang saad ni Dominic.
"Sino iyon iho.?"gulat na tanong ni Don Ordeza.Dahil tatlong araw pa ang mga bisita nila doon.Inaasahan niyang si Kathy ang pipiliin nito.Dahil mas bagay ang age gap ng mga ito.
"Wag mong sabihin na atat ka na Dominic sa engagement natin.?"over confident na umiismid naman si Kathy sa lumpo na nakawheelchair.Kay taas ng tingin niya sa sarili niya.At gusto niya si Rixel Willston ang magiging fiancee niya hindi si Dominic.
"Dont worry hindi ikaw ang pipiliin ko."sarkastikong ani naman ni Dominic kay Kathy.Namutla ito sa pagkapahiya on the spot.
"Dont tell me isa sa amin ni Karina.?"kinabahan naman ang magkapatid na Karolina at Karina.
"Di pa kami pwede ni Katherine po kuya Dominic."makulit na biro naman ni Krizzy na kinatawa nina Kate.
"I will choose Kate dahil siya lang ang hindi humusga sa akin."seryoso ang mukha ni Dominic.
"A-ano di mo ba alam na immature iyang bata na iyan.?Sakit iyan sa ulo namin.!"kontra agad ni Don Ordeza.
"Kumpare di naman ang maengage.Tanungin natin si Katelyn kung papayag.!"tumingin si Don Willston kay Kate.
"Will kung kapangyarihan ang pagbabasehan.Malamang papayag ako sa engagement.CEO na si Dom sa dalawang company.Marahil makakatulong siya sa career ko."casual na sabi ni Kate.
"Kumpare kita mo na di sineseryoso ni Katelyn ang engagement.Mas bagay sina Kathrina at Dominic talaga."giit ni Don Ordeza ayaw niyang mapahiya sa pamilya Willston.
"Madaling kukulubot ang noo mo.Kung seryoso ka sa lahat ng bagay.Tingnan ninyo ako lolo fresh na fresh ang mukha.Di tulad ng paborito mong apo.Tila pinaglihi sa sama ng loob.!"malditang ani ni Kate sa lolo niya.
"Wala talagang manners.Lolo ang totoo ayokong maengage kay Dominic.Pwede pa si Rixel po."gustong unahan ni Kathy ang dalawang pinsan niya.
"No thanks my gf na ako.!"deretsahang tanggi naman ni Rixel.
"Kumpare madidisappoint ako kung kokontrahin mo ang engagement nina Dominic at Katelyn."baling ni Don Willston sa kaibigan.
"T-tanungin mo si Rolando kumpare.B-bata pa kasi si Katelyn."alibi ni Don Ordeza.
"Katelyn tawagan mo ngayon ang Mommy Kenna mo.Kelangan niyang malaman ang desisyon mo."Para kay Rolando as long as di napipilitan ang anak nila ni Kenna.Papayag talaga siya mas advantage iyon kay Katelyn.
"Rolando bakit kelangan pa ang opinion ng babae na iyon.?"inis na tanong ni Klarisa.Pero matalim lang siyang tiningnan nito.Kaya agad natahimik si Klarisa tulad ng anak niya.
Tumalima naman si Kate at loudspeaker pa iyon para marinig ng lahat.
"Hello sweetheart what's wrong.?Don't tell me inaapi ka na naman nila.?"may himig na pag aalala si Kenna sa kabilang Linya.Nasa China na siya nakatira ngayon.Naging interpreneur na din siya sa isang jewelry bussiness doon.Ginamit niya ang perang suhol ni Don Ordeza para lumayo sa mag ama niya.
"Nope Mommy di naman nila ako kaya you know that.Ganito yon Mommy papayag ka bang maengage na ako.?"deretsong tanong ni Kate.
"H-ha diba yong Kathrina daw ang maengage.?Kaya pinapunta ka nila sa mansion.?"gulat na tanong ni Kenna sa anak.
"Gusto ni Dominic Willston na maengage sa akin.Syempre tinanggap ko na di na ako mahirapan pang maghanap ng DOM  tulad mo Mommy noon."makulit na hagikgik ni Kate sabay tingin sa ama.
"30 yrs old pa iyong Daddy mo noon ng nabuo ka namin.Di iyon DOM sweetheart."ani ni Kenna na tumatawa sa kakulitan ng unica iha niya.
"Kay dami mo pang sinasabi Kenna Mendez.Ang tanong lang naman papayag ka ba.?"galit na sabad ni Klarisa dahil tila naiinsulto siya dahil nakangiti din si Rolando sa kulitan ng mag inang ito.
"Oo basta ako ang magprepare sa engagement ng anak ko.Sweetheart I will be there in 1 week.Deretso na ako sa condo ninyo anak ok.!"yon lang ang demand ni Kenna pala.Kaya kay saya ni Dominic pero di niya ito pinapakita.Kaugali ni Kate ang Ina nito pala.Madaling kausap lang at walang arte arte sa katawan.
"Hay naku pag naengage na ako sa boss ko.Bibilatan ko kayong tatlo tiyak na maabot ko na ang tuktok sa career ko.Ang maging A-List model.Di ninyo alam na sobrang yaman ng CEO na inayawan ninyo.Dalawang company ang alam ko minamanage niya.Ei si Rixel tulad ko B-List artist pa."tinatawanan ni Kate ang tatlong pinsan niya.Na nagulat sa sinabi niya.
"Will ayaw namin makasal na nakawheelchair ang groom."biglang umandar ang pagiging immature ni Karina.
"Iniinsulto ninyo ba ang apo ko.?Siguro kumpare turuan ninyo ang mga apo ninyo.Na maging humanity malamang di ko na ireto si Rixel isa sa kanila."nadismaya ng husto si Don Willston sa tatlong mga apo nito.
"Karina mag apology ka kay Dominic right now.!"utos agad ni Don Ordeza kala niya si Kate ang magpapahiya sa kanya.Itong tatlo pala ang harapan na insultuhin ang bisita niya ngayon.
"S-sorry Dominic.!"napipilitan magsorry si Karina nakalimutan niya ang poise niya.Minus point na siya sa paningin ni Don Willston.
"No need but you must to call me Mr.Willston.I hate people calling me by my name even I am not close to them."malamig ang aura ni Dominic kaya tinablan ng hiya si Karina Ordeza.
Binilatan naman ni Kate ang tatlong mga pinsan.Lalong umuusok ang ilong ng mga ito.Kung nakakamatay pa ang mga tingin ng tatlo.Bumulagta na si Kate kanina pa.Masaya si Daniella at Danielle dahil di si Kathrina ang magiging fiancee ni Dominic.Kundi ang idol mismo nilang si Katelyn Ordeza.Sila pa rin ang may last say.Dahil manok nila lalake.
Sinisi nina Jessa ang mga Anak nila.Dahil di daw naging practical na lamang tulad ni Kate.Naging Bobo ngayon ang dalawang anak nila.
"Mommy at Daddy don't worry.May Rixel pa naman diba po.I like him sobra.!"kinikilig pa si Karina.
"Jessa kausapin mo itong mga anak ko.Sumasakit tuloy ang batok ko.?"saad ni Randell sa misis niya.
"Sa tingin mo ba may good impression sayo si Don Willston.?Malamang ako pipiliin ni Rixel.Ngayon confirm na hindi sila nong higad na Kate na iyon."gustong makikipag compete si Karolina kina Karina at Kathrina.
"Mommy oh si ate Karol hindi mag give way."sumimangot naman si Karina.
"Sa pagkakataon na ito di tayo bati Karina.!"determinado si Karolina na maging fiancee ni Rixel Willston daw soon.
"Ay ewan tama ang Daddy ninyo sakit kayong dalawa sa ulo.!"nagwalk out na lamang si Jessa naririndi siya sa bangayan ng mga anak niya.None sense lang naman lage ang mga ito.
Sa kabilang banda masaya si Jenna.Dahil sa wakas may worth na daw si Kate.Naawa siya talaga dito dahil bastarda ang bansag sa mga tao nito dito.
"Tama pero nagulat ako na di kumontra si Katelyn kanina.Pero kung practical lang si Kathrina.Malamang di maambunan ng mana sina Krizzy at Katherine.You know what I mean Darling right.?"practical din si Rogelio about kung pera ang pag uusapan.
"Kaya nga kung yumaman ng husto si Katelyn.Malamang maambunan sina ang kambal natin.Di gaya nong tatlo selfish kumbaga."sang ayon ni Jenna sa asawa niya.
Kinabukasan nagshopping sila Kate at Dominic.Kasama sina Jen at Blare at nakamask na si Rixel.
"Babae wear your mask properly.Baka makilala ka ng mga fans mo."inayos agad ni Blare ang mask ni Kate.
"Its so hot sa face kasi Blare."iritableng tinanggal ni Kate ang cap niya.Dahil naiinitan talaga siya sa bansang Pinas.Tulad ng inaasahan nila maraming nakakilala kay Kate.
"Katelyn Ordeza wow sa wakas nakita ka na rin namin.Mga aspiring models kami.Pahingi ng autograph.!"halos tumitili ang grupo ng mga teenagers.
"Sure."magiliw si Kate sa mga fans niya.Pero Tigre sa mga bashers niya syempre.
"Ms.Katelyn totoo po ba na kayo talaga ni Rixel Willston.?"biglang tanong nong isa habang pumipirma si Kate sa notes ng mga ito.
"No."matipid at binigyan ni Kate ng hint ang mga ito.Bigla siyang umupo na naman sa lap ni Dominic.Sa pagkakataon ito di na siya pinatayo ni Blare.Napagkasunduan nila na sabihin ang totoo sa pagitan nila ni Rixel.Bahala na sila Blare at Rixel magtago sa kanilang relasyon.Lihim naman napangiti si Dominic.Talagang di na ackward sa kanya si Kate.

My Lucky CharmWhere stories live. Discover now