Naging interesado si Don Willston kay Katelyn dahil parang walang problema ito sa katawan.
"So single ka pa ba iha.?"tanong ulit ni Don Willston kay Kate.
"Papa stop it personal na ang ang tinatanong mo.Isang public figure si Kate Ordeza.Para ka namang reporter niyan."awat na ni Daniella sa ama.
"I guarantee to you kumpare kung mag aasawa man ang mga apo ko.Ako pipili sa mapapangasawa nila."sabad na ni Don Ordeza ayaw niyang mapahiya sa Amigo niya.At para sa kanya ang bagay sa apo nito si Kathy hindi si Kate na easy go lucky lang.Para sa kanya di matayog na career ang pagmomodelo nito.Lahat ng mga apo niya nagtatrabaho sa opisina.Si Kate lang ang ayaw sa patakaran niya.
"Except me lolo diba.?Don't bother my lovelife at all.Unahin mo si Kathrina dahil matanda na."pang aasar pa ni Kate sa kapatid na 28 yrs old na.
"Hey I'm 28 yrs old pa Katelyn di pa iyon matanda.!"kontra agad ni Kathy na tila nagiging childish na rin.
"Stop the both of you mahiya kayo sa bisita natin.Ganito na lang Dominic iho kilalanin mo muna ang mga apo ko.But para sa akin perfect match kayo ni Kathrina."ani naman ni Don Ordeza.
"Lolo how about Karolina or Karina.?Pwede na silang mag asawa din naman."pinasa na ni Kathrina sa mga pinsan ang binatang nasa harapan niya.Syempre ayaw niyang mag asawa ng lumpo.
"Isama mo nang banggitin sina Krizzy at Katherine."tawang tawa talaga si Kate sa kapatid ang tinutukoy niya ang mga teenagers pa niyang mga pinsan na kasundo niya kahit papaano.Yong dalawa pa kaugali iyon ni Kathrina.Sa kasamaang palad puro mga babae ang apo ni Don Ordeza.Wala siyang mapiling pamanahan ng company.Kaya hinanapan na niya ng mapapangasawa ang panganay na anak niya.
"Iha ikaw ba ano ang tingin mo kay Dominic namin.?"deretsahang tanong ni Don Willston dahil para sa kanya gahol na sa oras si Dominic.
"He is gentleman not bad.Hinipan niya ang paa ko kanina na naatrasan ng gulong ng wheelchair niya.At sobrang gwapo niya di ko alam kung bakit chossy pa si Kathrina po."casual na sagot ni Kate sa matanda.
"Ok noted iha."may puntos na si Kate sa standard ni Don Willston.Di big deal nito ang kapansanan ni Dominic.At gulat siya sa sinabi ni Kate na gentleman daw ang apo niya.?Baka nagkakamali lang ito.Opposite ang ugali ni Dominic buti na lang gwapo ang apo niya.Yon lang ang assets na maipagmamalaki niya dito.Masama ang ugali nito towards woman.Marami pa namang time syempre final desicion si Dominic mismo.
Kiniwento ni Kathrina sa mga pinsan kung anong klase na lalake si Dominic Willston.Nandiri naman sina Karolina at Karina sa sinabi ni Kathrina.Syempre gusto nila yong walang kapansanan.
"Bagay iyon kay Katelyn diba.?Kesa naman pumatol siya sa isang DOM."bulalas ni Karolina sabay tawa.
"Kaso ang problema gusto ni lolo ako ang mag asawa na bago kayo.Paano ko maconvince si lolo.?"feeling naman ni Kathrina gusto siya sa pamilyang Ordeza.
"Simple lang iyan Kathy dapat di ka magpaimpress sa pamilya Willston.Pati tayo Karol di pwede mapangasawa ko isang lumpo noh."ideya ni Karina talaga.
Darating daw ang pamilya Willston sa mansion ng Ordeza.Kaya abala ang tatlong manugang ni Don Ordeza para sa bisita nilang darating.
"Rolando dapat pauwiin mo muna si Katelyn dito.Utos ni Dad na dito muna si Katelyn sa mansion.2 weeks lang naman iyon Rolando."ani ni Klarisa sa asawa kahit di niya gusto ang bastardang anak nito.
"Pangako mo Klarisa wag mong pahiyain ang anak ko.Para di magwala si Katelyn."stubborn ang anak ni Rolando at alam niyang may pagkukulang siya sa bunsong anak niya.Kaya naintindihan niya ang pagkarebelde nito sa kanila.
"I will try my best di papatulan ang kamalditahan ng anak mo Rolando.Ayoko din mapahiya sa pamilya Willston."ismid ni Klarisa sa mister.
Kasama ni Don Willston pati ang sister ni Dominic na si Danielle at si Rixel ang pinsan ni Dominic.Sila daw ang kililatis kung sino ang bagay maging asawa ni Dominic.Napansin nilang may private van din pumarada sa malawak na garage ng mansion na iyon.Maraming sasakyan ang nakaparada doon ibat ibang klase.Bumaba doon sina Kate,Blare at Jen na may mga maleta ding dala.Para di na kukulitin daw si Kate ng lolo at Daddy niya.Total vacation niya ng 1 month.Kaya ok lang umuwi siya sa mansion ng 2 weeks.
"Blizzy saan ang Punta mo.?"pusa iyon ni Blare na bigay ni Rixel Willston.Syempre kilala nito ang amo niya.Tumakbo ito kay Rixel pero mas komportable yata ito sa hita ni Dominic.
"Kuya allergic si Kuya Dominic sa pusa.!"gilalas na ani ni Danielle sabay kuha sa pusa.
"Sorry magaslaw kasi itong si Blizzy.Doon ka muna sa Mommy mo ha.Papaliguan ko muna Tito Dominic mo."nandun ang pamilya ni Rixel kaya binigay niya ito kay Kate mismo.
Naningkit ang mata ni Dominic ibig sabihin na gf talaga ni Rixel si Kate Ordeza.?Sa banyo di mapakali si Dominic gusto niya malaman ang totoo mula sa bibig ng pinsan niya.
"So gf mo talaga si Kate Ordeza.?"tanong ni Dominic kay Rixel.
"Honestly hindi yong manager niya pinsan.But di pwede malabas ang identity niya.Pumapasok na din ako sa showbiz.Ayaw ni Blare mabash siya sa mga fangirls ko daw.Pero iba pag si Kate ang rumored gf ko.Walang kontra ang mga fans ko."honest na sagot ni Rixel sa pinsan niya.
"So willing si Katelyn na maging shield ninyo ni Blare.?"naglaho ang inis ni Dominic gusto nga niyang sipain ang pusa ni Rixel kanina lang.
"Pinsan kelan ka ba naging chismoso.?Will matalik na magkaibigan ang tatlo.Yes parang ganun na nga pinsan.Iba ang magiging fiancee mo yata.Si Kate 24 yrs old pa lang.10 yrs age gap ninyo pinsan maghunusdili ka.At childish si Kate di pasok sa standard mo.But kung ako tatanungin sa apat na dalaga na apo ni Don Ordeza.Lamang si Kate sa pag uugali.Weird man siya pero magaan kasama kumbaga."chismoso itong si Rixel at alam niya ang ugali ni Kate talaga.
Magaan na ang aura ni Dominic ng lumabas sila ni Rixel sa kwarto nila.Deretso na sila sa dinner area.Nagpapacute agad sina Kathrina,Karolina at Karina kay Rixel.Dahil nga hot model ito at actor na din.
"Saan ba si Katelyn may bisita ba siyang kasama.?"tanong ni Don Ordeza kay Klarisa.
"Yes Dad yong manager at PA niya daw po.Kumain na tayo di yata sila sasabay sa hapag."kibit balikat ni Klarisa ayaw niyang makisalo si Kate sa kanila para iwas disaster.Piloposo ito at taklesa.
"Tatawagin namin sila lolo."presentation ng kambal na si Krizzy at Katherine.Kaya walang nagawa si Klarisa sa bagay na iyon.
"Nga pala Rix Willston totoo bang kayo ni Katelyn.?"biglang tanong ni Karina dahil ito ang pinakaflirt sa lahat.
"Di mo ba tinanong sa pinsan mo mismo.?"sarkastikong tanong din ni Rixel dito.
"Dont get Me wrong Rix fangirl mo ako.Kaya curious lang ako sa inyo ni Katelyn."pamimilit ni Karina feeling close ito.
"No comment."sabi na lamang ni Rixel dahil ayaw niyang maging rude sa apo ni Don Ordeza.
"Kuya naiirita ako sa kanila.Chismosa ang mga froglets thumbs down ako sa kanilang tatlo."bulong naman ni Danielle sa kuya Dominic niya.Sobrang picky nito parang kaugali din niya.Kaya napangiti talaga si Dominic.
"Tama na yan Karina di ka naman reporter right.?Bakit curious ka sa amin ni Rix.?"dumating si Katelyn kasunod sila Blare at Jen na nahihiya sa kanilang lahat.
"Feel at home mga ate don't bother them ok."magiliw na welcome ni Katherine sa mga bisita ni Kate.
"For us mas bagay sina ate Katelyn at si Mr.Dominic.Sa pocketbook mas perfect match yong mature at immature diba Katherine.?"biro ni Krizzy na kinatawa nina Blare at Jen.
"So agree kayong dalawa.?Tse di ko na kayo bati."pabirong hinila ni Kate ang pisngi ng nagtatawanan mga kaibigan niya.
"They are so enjoyable to watch.Gagaan yata ang pag stay namin dito."natutuwa talaga si Don Willston sa ugali ni Kate.Walang halong pagkukunwari ito.
Lihim na ngumiti naman si Dominic.Wala yatang dull moment pag kasama si Kate lage.Ngayon lang siya nagkainteres sa isang babae.Samantalang sambakol ang pagmumukha ng tatlong kontrabida.Dahil bumibida daw si Kate at baka totoo ang rumored na gf ito ni Rixel Willston.
YOU ARE READING
My Lucky Charm
Humordahil sa tinatawag si Katelyn ng karamihan na illegitimate child...Kaya malayo ang loob niya sa pamilya niya mismo..gumawa siya ng pangalan pero di iyon sapat para maacknowledge siya na isa siya Ordeza.May pag asa pa bang makita niya ang lucky charm...