Nakaligtas sa bingit ng kamatayan si Don Ordeza.Ayaw ni Kathrina maging mahirap.Kaya aalagaan niya ang real father niya.Sabi ni Karla wag ni Kathrina na sayangin ang mamanahin niya balang araw daw.Kaya kakapit siya sa tunay na father niya.Tunay na Ordeza siya kaya lumakas ang loob niya.
"Kathy ano ba ang itatawag namin sayo Tita na ba.?"mapang asar na tanong ni Karina sa prinsesa noon subalit madumi pala ang pinanggalingan nito.
"Karina maghunusdili ka isa akong tunay na Ordeza.Kaya di na ninyo ako matatawag na sampid."mayabang pang saad ni Kathy.
"Sorry ka na lang dahil nagpalit na tayo ng position.Sabi ni Tito Rolando ako ang papalit sa pagiging head executive director."ngising aso si Karina dahil di na pabor kay Kathy ang nangyayari ngayon.
"Ate Karina anak siya ni lolo.Baka mapaano pa ulit si lolo.Kakalabas lang niya ng ospital ano ba.?"saway na ni Karol sa kapatid niya.
"Pasalamat ka takot ako kay Daddy din.Pero ito lang masasabi ko sayo.Talunan ka na kay Kate diba.?Buti pa si Kate walang balak makipag compete sa akin sa company.Pero close naman tayo pero di ka talaga magive way sa akin minsan tse."ismid naman ni Karina kay Kathy.
"Karina titingnan natin kung makakaya mo ba ang position ko.Baka nga wala ka pang taon mapapaalis ka na ni Mr.CEO."si Dominic na kasi ang CEO sa Company.At alam niya na perfectionist itong tao.
"Kasalanan mo din dahil di ka na lang pumayag maging asawa kay Dominic Willston.Sana di ka aapakan ngayon ni Kate."tuloy tuloy ang pang aasar ni Karina kay Kathy.
"Ate tama na yan baka mapalo ka pa ng sinturon ni Daddy.Ipakita natin sa babae na iyan na mas angat tayo sa kanya.Kahit pabor pa lage si lolo sa kanya."hinila na ni Karol ang kapatid niya.Parang pinandidirihan na nga nila si Kathy.Mas ok pa ang pinagmulan ni Kate dahil anak ito ni Rolando Ordeza talaga sa babae na minahal nito.
Nagngitngit man ang kalooban ni Kathy.Pero ok lang dahil itinago pa ng buong pamilya ang tunay na pagkatao niya sa publiko.Tuloy ang buhay lalo pa anak pala siya ni Don Ordeza.
Dahil wala na si Karla sa mansion.Umuwi na si Rolando sa mansion.Pero may bago siyang pinakilala na babae.Buntis na ito at anak daw niya ang pinagbubuntis nito.Medyo bata ito ni Rolando ng mahigit 10 yrs daw.Step mother ni Kate daw.
"So pinalayas at nakikipag annulled ka kay Mommy.Dahil may babae ka palang dadalhin dito sa mansion.?"di makapaniwalang sambit ni Kathy.
"R-Rolando siya ba si Katelyn.?Di yata niya ako gusto."nahihiyang ani ni Madelene isang simpleng nurse lang ito.30 plus na ito at blessings sa kanila ang pinagbubuntis nito.Secret ang affairs nila dahil nga baka di siya magustuhan ng anak ni Rolando na si Katelyn Ordeza.
"Nope siya ang anak sa labas ni Karla.Dont bother yourself to her."malamig ang pakikitungo ni Rolando kay Kathy.Di din nila kilalanin na bunsong kapatid ito nina Randell at Rodrigo.
"Kuya baka magalit si Katelyn sayo.Di mo sinabing may anak ka na pala."gulat na ani ni Randell.
"Sana hindi magalit dahil gusto naman ni Katelyn noon pa ang magkaroon ng kapatid."umaasa si Rolando matanggap na ni Kate ang nagpatibok ulit sa puso niya ngayon.
"Naku maldita pa naman si Katelyn kuya Rolando.Paano iyan di naman pwedeng pabayaan ang magiging asawa mo din."segunda naman ni Jessica.
"K-kung di ako matanggap ng anak mo Rolando.Di yata ako pwede tumira dito."kinakabahan na ani ni Madelene yon ang kinatatakutan lang naman niya.Ang di siya tanggapin ng anak ni Rolando Ordeza.
"Talagang di ka welcome dito babae ka.!"galit na saad ni Kathy.
"Gusto mo bang paduguin ko bunganga mo Kathy.?Pasalamat ka pa pumayag pa kami tumira dito.Jessica kunin mo ang belt ko.Papaluin ko itong babae na ito para manahimik na lang.!"galit din banta ni Randell kay Kathy.
Natakot naman agad si Kathy umakyat na lang ito sa kuwarto ni Don Ordeza.Baldado na ang kalahating katawan ng matanda.Di na siya maipagtatanggol nito ngayon.
"Daddy I'm here na.Guess what Daddy secretary na ako ni Dom.Nagtatrabaho na ako sa company natin.Gaya ng wish mo na maging office girl ako."masayang pagbabalita ni Kate sabay lambitin sa ama niya.
"Good job pero talaga bang titigil na kayo sa pagiging artista at model.?"sobrang mahal na mahal ni Rolando ang anak niya.Dahil sobrang malambing ito sa kanya until now.Kahit may asawa na ito.
"Ang ganda pala ng anak mo Rolando.Kesa sa step daughter mo."na starstruck si Madelene kay Katelyn Ordeza.
"Daddy sino siya gf mo.?Kaya mo ba ako pinapunta dito.?"excited ang reaction ni Kate ng makita si Madelene.
"Sweetheart gusto kong itira at pakasalan si Madelene.Dahil may baby sibling ka na soon."pagbabalita ni Rolando sa anak.
"Oh my god talaga but Daddy I'm 24 yrs old na.So tatawagin ako ng baby sibling ko ng Tita.?"nanlaki pa ang mata ni Kate iniimagine niya tawagin siya ng kapatid na tita daw.Halagpak tawa nina Dominic sa reaction niya talaga.
"Madelene isip bata ang anak ko.Kahit may asawa na noh."pati si Rolando natawa sa itsura at sinabi ng anak.
"Anyway if baby girl dapat niya Kailyn nickname niya baby Kai.Tapos pag baby boy naman Karlo diba maganda iyon Tita Madelene.?Manang ihanda na ninyo ang mesa.Kakain na ang Tita ko ng lunch."nakaabresyete bigla si Kate kay Madelene.
"Rolando kay bait pala ni Katelyn."nakahinga na ng maluwag si Madelene.
"Siguro gusto ka niya dahil namimili ng tao siyang lalapitan."nakangiti na si Rolando wala palang problema ang anak niya.
"Kasi Daddy tinuruan ako ni Dom na maging mabait at sensitive sa mga taong nakapaligid sa akin.Kaya simula ngayon maging mabait na ako kina Tita Jessica at Tita Jenina."malaking ang pagbabago ni Kate nang maging asawa niya si Dominic.Dahil nabawasan ang pagiging Bratty niya sa totoo lang.
"Katelyn mas mabait ka pa at Galante kina Karina at Karol.Diba last birthday ko niregaluhan mo ako ng kotse.?Yong Tita Jenina mo unlimited jewelry set box.?"sincere na tao si Jessica wala naman silang problema kay Kate sa totoo lang.
"Mommy ang mahal ng kotse na regalo ni Kate sayo.We can't afford your luho."reklamo naman ni Karina.
"At Mommy mayaman ang artista kesa sa amin na office girl lang."segunda naman ni Karol.
"Ang sabihin ninyo mas mahalaga pa sa inyo ang mga barkada ninyo kesa sa amin ng Tita Jenina ninyo.!"realtalk naman ni Jessica sa mga anak niya.
"Dont worry mahal ngayon nandito na ako name what ever you like ok."malambing na ani ni Randell sa asawang namiss niya nong lage siyang nasa ibang bansa nadestino.Marine military siya at mataas ang katungkulan niya bago mag Retiro.Bumabawi lang si Randell sa pagkukulang niya sa misis niya.
"So cringe talaga kayong dalawa as in."di maipinta ang mukha ni Karina sobrang sweet talaga ng parents niya.
"Karina pasalamat ka nga sweet ang parents mo.Gusto mo bang laging nag aaway sila.?"kumunot naman ang noo ni Kate.
"Kaya nga ate pag may asawa na ako.Gusto ko kagaya kami nina Mommy at Daddy."kinikilig na saad naman ni Karol.
"Madelene ipakilala ko pala silang lahat.Una syempre ang anak ko si Katelyn.Tawag namin sa kanila buong pangalan.Pero Kate ang nickname niya daw.Si Karina at Karolina mga anak ng kapatid kong si Randell.Asawa niya si Jessica.Sina Krizzlyn at Katherine kambal nina Rodrigo at Jenina naman.At yong nasa taas si Kathrina step daughter ko."ayaw sana ipakilala ni Rolando si Kathy pero syempre magtataka naman si Madelene.
"Lolo mag aasawa daw agad si Daddy.Ei di pa naman naaprubahan ang annulment naman nila ni Mommy diba.?"sumbong pa ni Kathy sa matanda.
"Pakialam mo ba Kathy aba di mo naman real father ang Daddy ko.Kaya wala kang pakialam kung mag aasawa siya.Tita Madelene nasa malapit lang bahay namin.Habang buntis ka doon ka muna sa amin.May kinuha kami nurse naman mag aalaga sa inyo ni Blaire.Para maiwasan mo ang stress na iyan."tukoy ni Kate kay Kathy na stress daw ito sa mga taong nakapaligid dito.Totoo naman iyon dahil ang totoong bratty talaga si Kathrina Ordeza.Dahil pampered ito madalas sa dalawang matandang Ordeza lage.

YOU ARE READING
My Lucky Charm
Humordahil sa tinatawag si Katelyn ng karamihan na illegitimate child...Kaya malayo ang loob niya sa pamilya niya mismo..gumawa siya ng pangalan pero di iyon sapat para maacknowledge siya na isa siya Ordeza.May pag asa pa bang makita niya ang lucky charm...