Part 1

581 8 0
                                    



Bea


Pagdating ko sa bahay ay naligo na ako agad.   At nagbihis.  Kahit basa pa ang buhok ko ay umalis na ako at nag drive papunta sa Ateneo.

Whew!  Late na ako.

Pagka park ko at tumakbo na ako papunta sa moro.  Doon ang meeting ng mga management economics students.

God Is really on my side.  Kakasimula pa lang nila.

Umupo na ako sa pinakadulo para di ako mapansin ni prof.

Maddie :  Your late.  Saan ka ba galing?

Bea :  Batangas.

Nagbubulungan kami ni Maddie para di marinig ni prof.

Maddie :  Ano ginawa mo don?

Bea :  Hinatid ko si Louisse.

Nakinig na kami sa prof namin.

Pagkatapos mag meeting ay lumabas na kami at nagyaya syang kumain kami,  Nagugutom na daw sya.  At ako na rin, gutom na gutom na ako.

Sa UPTC na lang kami.

Nang dumating ang mga order namin ay nilantakan namin ito agad.  Naglalaway na ako ng maamoy ang foods.

Bea :  Whew!  Sarap!

Maddie :  Alam mo naman na may meeting tayo, tapos naglakbay ka pa ng malayo!

Natawa ako sa term ni Maddie.

Bea :  Lakbay talaga, ha?  Hahahahaha!  Lalim!

HInampas nya naman ako sa braso ko.

Bea :  Hey!  Masakit yan!

Maddie :  Yan ang bagay sa yo!  Nang matauhan!

Bea :  Matauhan saan?

Maddie :  Wag naman bigay todo!  Magtira ka naman para sa sarili mo!  Para pag hindi na kayo, di ka masasaktan ng grabe!

Bea :  At sino naman nagsabi sa yo na maghihiwalay kami, ha?  Mahal na mahal kya ako non!

Maddie :  Kadalasan, nagbabago ang tao!  Pag may bagong nakikilala.  Ingatan mo naman ang puso mo, Bei!  Pag sobra sobra magmahal, sobra sobra din masasaktan pagdating ng panahon, pag naghiwalay na kayo.  Alam kong super mahal na mahal mo si Louisse, pero sa bawat relasyon, dapat MAGTIRA KA NG PARA SA SARILI MO!

Bea :  Haba naman ng litanya mo!

Maddie :  Litanya talaga, ha?

Tumawa naman ako.

Bea :  Madz, pag nagmahal ka, bigay mo lahat, wag mo pigilan ang nararamdaman.  Dapat ibigay mo ang lahat lahat para sumaya ang mahal mo.  Kung may katapusan man ito.  Wala kang regrets, wala kang panghihinayang, kasi, binigay at ginawa mo lahat.  Kung may nagkulang man, hindi ikaw yon.

Maddie :  Hay naku, Isabel Beatriz! Bahala ka na nga!  Wag kang iiyak iyak sa akin, ha?

Bea :  Ganon kasi ako magmahal, bigay todo.  Gusto ko maramdaman nya ang pagmamahal ko at importansya nya sa akin.  Tsaka, I need to do double time, triple time pa nga, dahil may kulang sa akin.  Meron ang mga lalaki nito na wala ako.

Maddie :  Alam ko na yan.  Never compare yourself to others, most specially to other specie.  Sobra kang sapat, Bei.  Para ka na ngang alipin ni Louisse, e!

Only You    (completed)Where stories live. Discover now